Bianca's POV
Ako nga pala si Bianca Salazar Grade 10 student sa San Sebastian Academy, sabi nila boyish ako, minsan naman tinatawag nila akong Tomboy, pero alam nyo alam ko sa sarili ko na babae talaga ako, ayoko lang kasing nagsusuot ng Dress, short na maikli na halos kita mo na yung singit at yung sando..
"Bianx, tapos ka na bang maglaba?" Tanong ng kapatid ko na si Mowie may asawa na ito at nagdadalang tao pa sya at sakanya ako nakatira ngayon.
"Oo ate, babanlawan ko nalang." Kahit na buntis ito nagta-trabaho pa din dahil sa dami ng gastusin dito sa bahay at gayundin sa aking pag-aaral.
Habang binabanlawan ko ang mga nilabhan ko, meron akong nararamdaman na tila ba isang yelo sa likuran ko, pinangilabutan ako, hindi ko alam kung bakit ganito itong nararamdaman ko, kaya dali-daling tinapos ko itong ginagawa ko. At ngayon naghuhugas naman ako ng plato at nagluluto na din--madali lang naman lalo na stove ang gamit namin...
"Oh? Kuya, hindi ka nagdala ng payong?" Tanong ko kay kuya julz--asawa ni ate ng pumaok ito sa kusina na basang-basa, hindi nan sya kumibo kaya nagpatuloy lang ako sa ginagawa ko.
"Kuya julz!! Wag mo nga akong yakapin!!!" Sigaw ko, na umaasang sya iyon.
"Hindi kita ginagala dyan, pupunta lang ako sa banyo." Sagot nya.. na-shocked ako.. akala ko si kuya julz yon---pano ba naman kasi ang lamig non at ni-yakap nya pa ko.. kumalabog mg husto ang dibdib ko hindi ko alam kung bakit.
'ano yon?, Bakit tumatalon ang puso ko kapag nararamdaman ko ang mahigpit na yakap na iyon' tanong ko saaking isip.
Hindi ako nakamaka-tulog dahil sa isiping yon, oo nga pala may pasok na bukas.. wala naman kaming assignment kaya okay lang na maaga akong matulog.. sa di kalayuan hindi pa fin matanggal sa isip ko ang nangyari kagabi gulong-gulo ako hindi kaya malakas lang ang ihip ng hangin kaya ganon? O di kaya nag-iilusyon lang ako?, Mafaling araw na siguro akong nakatulog kaya pagbaba ko kanina halos mapatalon ako ng makita ko ang orasan sa gilid ng kama ko at nagmadali na upang pumasok.
**
As usual naman, ani ba ang ginagawa sa school diba?, Nagdi-discuss at lecture, at nag-activity lang kami kanina.
"Totoo, promise hindi ako nagbibiro." Sabi ko sa kaibigan kong si Althea--thea for short. Nai-kuwento ko kasi yung nangyari kahapon.
"Weh? Baka naman kakabasa mo lang ng wattpad yan ahh!" Singhal nya, Oo nagbabasa ako ng wattpad.. opposite kami ng personality ni thea, girly sya masyado at ako naman boyish.
"Totoo nga sabi eh, hindi naman ako tanga para gumawa ng kwento, isa pa mambabasa lang ako hindi ako manunulat!" Psh.. bakit ba ayaw nyang maniwala? Hindi ba kapani-paniwala yung sinabi ko?
Pagkatapos ng usaping iyon pauwi na kami medyo malayo ang bahay nila sa bahay namin, naglalakad lang kami kasi medyo malapit lang naman yung school eh---malayo ang bahay nila thea sa bahay namin, yung sakanila kasi bago ang sementeryo tapos ako dadaanan pa yung sementeryo at medyo lalakad ka ng konti tapos ayon na!
"Huy!"
"Uy ka din!" Naiusal ko sa sobrang gulat, naka-upo ang lalaki sa unang nitsong nadaanan ko.. tapos nag-salita sya ng ibang lengguwahe na hindi ko naman maintindihan."Uy tagalog!" Maangas na usal ko.
"Ahh.. tagalog ka pala, sorry." Aniya.. tiningnan ko sya mula ulo hanggang paa, naka-uniporme sya ng ng school namin kaya nakampante naman ako na schoolmate kami. " Anong pangalan mo?" Dagdag nya pa.Ayokong maging bastos sa kanya kaya sinagot ko ang tanong nya. "Bianca Salazar, bakit?"
"Ahh wala lang, ang cute ng name mo." Tapos ngumiti sya sakin, ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko kaya tinakpan ko ito ng palad ko.
"A-anong cute don? Masyado ng common ang pangalang Bianca, kaya wag mo kong mabola-bola dyan." Ipinakita ko sa kanya ang pagka-irita ko, pero sa totoo lang panay na ang tahip ng aking dibdib.
"Ahmm.. ngayon lang kita nakita dito, bago kaba?"umpisa nya.
"Ahh.. oo, dito na kasi tumira ang ate ko simula ng nag-asawa sya, kaya sakanya ako nakatira ngayon." Paliwanag ko.. "teka bakit pala nasa itaas ka ng nitso, may hinihintay ka ba?" Tanong ko pa.
"Ahh.. oo may hinihintay akong tricycle, alam konng dadaan sya dito eh." Tumingin naman sya sa likod namin.
"Barkada mo?" Tanong ko, at nag-iwas naman sya ng tingin saakin at hindi na sinagot ang tanong ko.
"Ahmmm... Nagkamali pala ako, napansin na kita noong sumakay ka sa inaabangan kong tricycle at noong bumili kayo nung babaeng tinawag mo sa pangalang Pia." Tapos nag-isip sya. " Alam ko bata pa iyong Pia na yon eh." Dagdag nya pa.
Hindi ko naman pansin iyon, kaya hanggang sa may puno ng Kawayan sinabayan nya ako.
"Hanggang dito nalang ako, hindi na ko pwedi dyan" kumunot ang noo ko sa iniasta nyan yuon.
"Sabi mo taga dito ka din, bakit ka pa umuwi.." at tumalikod ako sakanya. " Baka matagalan ka pa sa paghihintay dyan. Baka nga hindi ka na siputin ng mga barkada mo, bahala ka... Ikaw din.. kapag ginabi ka dyan makaka-kita ka ng multo." Humagalapak ako ng tawa dahil sa pananakot ko sakanya na hindi naman talaga nakakatakot! Hindi naman kasi ako naniniwala sa ganoon, pero minsan matatakutin din ako.
Nang lingunin ko sya literal akong napa-nganga dahil wala na sya kaya napakamot nalang ako ng ulo ko.
'nasan na kaya yun?' tanong ko sa isip ko, at nagpatuloy sa paglalakad patungo sa bahay.
Ang gwapo nya para sakin, sabihin nalang natin na TALL,DARK, AND HANDSOME sya Moreno sya , may dating o appeal sya sakin, yung tipong pagnag-sasalita sya madadala ka na din dahila sa sigla ng boses nya, masyahin ito at talagang madadala ka sa bawat bigkas nya ng mga salita... Mas may dating kasi sakin ang moreno kesa sa maputi eh, sabi kasi ng nanay ko makikita mo daw ang tunay na kagandahan o kagwapuhan kung maitim ito o moreno, sang-ayon naman ako don.
Naputol ang pagde-daydream ko ng sigawan ako ni ate. "Huy! Kanina pa kita tinatawag ahh.. ano ba yang nasa utak mo at hindi ka matapos-tapos sa paghuhugas ng plato dyan?!" Bulyaw nya sakin.
"W-wala ate." Naka-ngusong tugon ko.
BINABASA MO ANG
His Bride [COMPLETED]
Short StoryIsang maikling kwento na kung saan ang isang babae ang umibig sa isang multo? (COMPLETED) Credits to the book cover (Canva)