"huy! Tulala ma d'yan?" Bungad ni thea pagkapasok ko.
"Ah wala." Maikling tugon ko at kinuha nalang ang Libro ko at nagkunwaring nagbabasa.
Hindi parin maalis sa isip ko ang mga sinabi ng matanda saakin kahapon, halos hindi na rin ako makapag-concentrate sa mga lesson namin ngayon dahil lagi nalang sumasagi ang mga sinabi nya saakin.
Layuan? Sino ang lalayuan ko?
"Ano yan?" Tukoy ni Thea sa dala-dala kong rosas—ang binigay ni Allen. Napa-ngiti ako sa isiping naghanap pa sya sa ibang lugar para lang ibigay saakin.
"Kanino galing?" Excited na tanong nya. Hindi ko ininda ang tanong nya sa halip nakapako ang titig ko sa bulaklak.
Mukhang sariwa pa ang bulaklak?
Para lang syang kapipitas na dapat sana ay lanta na ito dahil kahapon pa nya ito ibinigay saakin. Iniipit ko sa libro ang bulaklak at hindi na inisip ang posibilidad na mangyayari. Siguro nga ganon talaga ang ibang rosas.
Natapos ang klase na puro bunganga ni Thea ang naririnig ko, hindi nya kasi ako tinigilan hangga't hindi ako nagku-kwento pero hindi ako nag-kwento dahil baka ibuyo nya ako kay allen, mahirap ng mag-assume baka kasi friendly lang talaga sya kaya nya ako binigyan ng Rosas.
"May problema b Bianx?" Alalang tanong ni Thea habang naglalakad kami pauwi.
"Thea, may sakit ba sa utak 'yong matanda sa malaking bahay doon sa sentro?" Hindi ko na napigilan ang sarili na magtanong dahil buong gabi na naman siguro akong dadalawin ng pag-iisip na 'yon.
"Alin doon? 'yong lola ba ni Aldrin, 'yong gwapo?" Tumili-tili pa sya kaya napa-irap ako sa kawalan. "E ano bang issue sakanya?"
"Baliw ba 'yon?" Ulit ko.
"Oo, sabi ni mama. Simula daw kasi ng mamatay ang asawa ni aling siling nagsabi-sabi daw sya na parang baliw, kesyo nakikita at nakaka-usap daw nya ang yumao nyang asawa. Bakit ba? May sinabi sayo?" Natatawang sabi nya, ugali nya minsan kaya hindi ko magawang mag-open up sakanya tungkol dito dahil baka tawanan lang nya ko.
"Wala, natanong ko lang." Tumango naman sya at huminto na.
"Sige kitakits nalang tayo Bianx!" Paalam nya habang kumakaway pa saakin.
Sinisipa ko ang maliit na bato habang naglalakad ng isang pamilyar na boses ang nagsalita.
"Hi" bati ni allen habang naka-plaster ang maganda nyang mga ngiti. Jusko! Ang gwapo nya talaga!
Ngumiti ako at nakipag-tagisan ng titig sakanya pero hindi ko kinaya dahil ang mga nakikita ko lang sa mga mata nya ay madilim.. wala kang ano mang mababakas doon. Marahil sa unang tingin aakalain mong masaya ang mga mata nya pero kapag tinitigan mo ito, it was so plain and empty.
"May dumi ba ako sa mukha?" Tanong ko para mabaling ang atensyon nya.
"Ang ganda mo e!" Sinabi nya iyon sa isang seryosong ekspresyon, kaya hindi ko mapigilang umakyat ang dugo sa mga pisnge ko. God! How can you be so Serious and Sweet at the same time?
Hindi pa man ako nakaka-get over sa banat nya ng magsalita ulit na may lalong ikinagulantang ng sistema ko.
"Bianca, Can I court you?" Maybe his eyes was so full of emptiness but the sincerity can buried it. "Hindi—mali. Simula ngayon liligawan na kita." Kumindat pa sya.
***
Lumipas ang ilang buwan at patuloy sya sa panliligaw, hindi man daw nya ako madala sa isang mamahaling restaurant para i-date so atleast tuwing magkikita kami sa meeting place namin ay may naka-hain ng pagkain na syang kinakain ko—madalas kasi ang sabi nya tapos na sya dahil ang tagal ko daw kaya ako nalang pinakakain nya.
BINABASA MO ANG
His Bride [COMPLETED]
NouvellesIsang maikling kwento na kung saan ang isang babae ang umibig sa isang multo? (COMPLETED) Credits to the book cover (Canva)