Pagkaalis nya'y may lumapit naman agad saakin na isang babae, siguro kung titignan sa mukha mukhang nasa bente pataas lang sya.
"Hi I'm alex," pakilala ng babae at hinawakan ako sa braso. "Halika, ayusin natin ang buhok mo." Naka-ngiti nyang sabi.
***
Nasa isang kwarto kami ngayon ng bahay, dito ako dinala ni alex.
"Alam mo, matagal ka na nyang hinihintay.." sinimulan na nyang hawakan ang buhok ko.
"Diba dapat nakatawid na kayo sa kabilang buhay? Sabi kasi ng lola ko dati kapag namatay ka, pagkatapos ng forty days ay kailangan mo ng lisanin itong mundo, bakit pa kayo nananatili dito?" Tinignan ko sya sa salamin na nasa harap ko. Naging seryoso ang mukha nya at tinignan din ako sa salamin at ngumiti sya ng mapait.
"Kung na-kwento na sayo ni Allen ang tungkol sa Ama nya na heneral," tumango ako. "Lahat ng malapit sa heneral at sa nag-iisa nyang anak ay isinumpa. Isa kasing Mangkukulam ang pinapatay noon ng heneral sa kadahilanang nagtaksil ito sakanya. Isinumpa nya lahat ng malapit sa puso ng heneral at ng kanyang anak na si Allen ay mananatili sa lupang ito magpakailanman. Pero.." huminto sya sandali at hinarap ako.
"Isang kondisyon ang pinataw nya noon, maghihintay ng isang daang taon ang nag-iisang anak ng heneral upang mahanap nya ang nakatakda nya na maging asawa—" hindi na naituloy ni alex ang sinasabi nya ng may kumatok sa pintuan.
"Alex, handa na ba ang ating Bride?" Isng mapaglarong boses ang nagsalita sa likod ng pintuan.
"Oo," humarap sya saakin. "Tara na.." at hinila na nya ako.
***
Nag-umpisa ang seremonya, kinakabahan ako. Diyos ko pinapaubaya ko na sa iyo ang lahat ng pweding mangyari ngayon, Diyos ko ikaw na ang bahala saakin. Pagkabukas ng pintuan sa isang malawak sa garden ay bumilis agad ang tibok ng puso na higit pa sa normal ng makita ko ang lalaking pakakasalan ko, ang lalaking pinili ko higit pa sa buhay ko, handa ako sa anumang mangyayari saakin, kung isasama nya ako—buong puso akong sasama sakanya.
Siguro nga ganito talaga kapag magmahal ka, lahat kaya mong isuko para sakanya. Naglakad ako papalapit sakanya habang nakatitig sa mga mata nya na ngayon ay nagkaroon ng expression, humigpit ang hawak ko sa rosas na hawak ko at lumalabo ang mga mata ko dahil sa luha. Bumuhos ang alaala naming dalawa.
Lahat ng pagsubok na napagdaanan namin, mula sa masayang alala hanggang sa masakit na kinahantungan. Naaalala ko pa 'yong mga panahong nagdududa na ako sakanya na hindi sya katulad ko, natakot ako Oo, pero namutawi pa din talaga ang pagnanais kong makapiling at makasama sya, nagawa ko pang sisihin ang Diyos kung bakit sya pa ang minahal ko samantalang patay na sya at ako ay isang buhay na nilalang.
Hindi ko sinabi sakanya na alam ko na ang katotohanan dahil natatakot akong isipin nya na natatakot ako sakanya at iwasan nya ako dahil ayaw nyang natatakot ako. Ipinangako ko sa sarili na hindi noon na hindi ako susugal ng dahil lang sa Pag-ibig na walang kasiguraduhan, pero nang makilala ko sya nagbago iyon—alam kong walang kasiguraduhan ito, basta alam ko lang madaya ako at kontento kung anong meron kami ngayon—mahal nya 'ko at mahal ko din sya.
"Nandito kayo ngayon upang saksihan ang pag-iisang dibdib ni Ginoong John Allen Constantino at si Binibining Bianca Salazar." Paunang salita ng isang matandang lalaki. "Hindi ko na ito patatagalin pa sapagkat alam kong sabik na sabik kayong magdiwang ngayon." Pumalakpak naman ang mga tao—I mean multo na nasa loob ng hardin na ito.
"Binibining Bianca Salazar, tinatanggap mo ba si John Allen Constantino bilanh iyong kabiyak, at magsasama sa hirap at ginhawa kahit wala na ito sa mundong ibabaw? Kakayanin mo ba ang lahat ng pasakit para sakanya?"
BINABASA MO ANG
His Bride [COMPLETED]
Short StoryIsang maikling kwento na kung saan ang isang babae ang umibig sa isang multo? (COMPLETED) Credits to the book cover (Canva)