Kabanata 4

104 8 1
                                    

Lumipas ang ilang buwan at 16th birthday ko na, at masayang-masaya ako, bukod sa maraming dumating na mga kamag-anak at buo ang pamilya, may isa talagang pinaka-especial na niregalo saakin ng Diyos, Si allen, walang makakatumbas sakanya at sa pagmamahal na naipaparamdam nya saakin.

"Happy birthday Bianx." Bati saakin ni Josh, 'yong matagal ng nirereto saakin ni mama dahil sa matagal na pagka-kaibigan nila ng mama ni Josh gusto nila na kami daw ang magkatuluyan. Pero pinaliwanag ko kay mama at tita na ayaw ko, at sumang-ayon naman din si Josh.

"Salamat." Tipid akong ngumiti, pero napalis din ng maka-rinig kami ng malakas na sigaw na umagaw ng atensyon naming lahat.

"BITAWAN MO 'KO, KAILANGAN KONG MAKITA ANG DALAGITANG IYON, KAILANGAN KO SYANG MABALAAN —BITAWAN MO 'KO!" galit na tono ni Lola Siling. "IKAW!"

Laking gulat ko ng ituro nya ako sa gitna ng maraming tao.

"Diba ang sabi ko sayo layuan mo sya?" Binibigkas nya ang mga salitang 'yan habang lumalapit saakin.

"P-po?" Kabadong tugon ko.

"Ngayon wala kanang takas sa Bisig nya." Tapos tumawa sya na nakapag-patayo ng balahibo ko.

"A-ano pong sinasabi nyo lola?" Hindi ko al kung matatakot ba ako sakanya o sa sasabihin nya. Natatakot ako sa katotohanan. Natatakot ako na isampal nya saakin ang isang katotohanan na sisira sa buo kong katauhan.

"Hindi mo alam ang pinasok mo hija." Namutla ako sa biglaang sabi ni lola siling. "Ngayon, wala kanang katakas. Minahal mo na rin sya, kung hindi ako nagkakamali." Naiyak na 'ko, humagulgol sa di malamang dahilan, ang dibdib ko ay naninikip na para bang may pumipiga dito.

"Anong nangyayari dito?" Tanong ni Mama ng makalapit saakin, umiling ako.

"Ang anak mo ay umibig sa hindi dapat." Sabi ni lola siling sa malamig na boses. Napa-angat naman ako ng paningin kay mama.

"Ano pong hindi dapat?" Takhang tanong ni mama.

"Pumunta kayo sa albularyo ng malaman nyo." Tinapunan nya lang ako ng malamig na tingin at tuluyan ng umalis.

***

"Ma, wag nga kayong maniwala kay manang siling, sinabi na't may sakit sa pag-iisip 'yon e." Paliwanag ni ate kay mama ng matapos ang selebrasyon ng kaarawan ko.

"Paano kapag totoo 'yon Mowie? Wala namang masama kung susubukan na'tin diba?" Pangungumbinsi ni mama. "At tignan mo 'yang kapatid mo, halos wala ng imik at parang namatayan kung humagulgol!"

"Sige." Usal ni ate kay mama. "Pero—"

"Ma, ate ayoko po. Please?" Pagmamakaawa ko, dahil takot akong malaman ang katotohanan, iniisip ko palang parang mamatay na 'ko.

Oo nga't biniyayaan tayo ng mga mata para makakita at mamulat, ngunit ako'y nagbulag-bulagan sa totoong nakasiwalat—nakasiwalat na hindi ka para saakin at hindi tayo naka-tadhana.

"Ma, ayoko po maawa kayo sa'kin ma!" Hagulgol ko habang kinakaladkad ako ni mama at ni ate sa isang malapit na albularyo.

"Kailangan anak." Mahinahong sabi ni mama, tanging iling lang isinagot ko.

"Mahal ko sya ma!" Pagpupumiglas ko, kaya tuluyan na 'kong binuhat ni kuya Julz. "Kuya Julz maawa ma sa'kin, alam kong alam mo kung anong feeling ng nagmamahal." Pakiusap ko pero tila wala syang narinig.

"Nasan ka na?, Magparamdam ka sakin ngayon! Kailangan kita.." sigaw ko sa kawalan habang pilit kumakawala sa bisig ni Kuya, nang bumaling ako kila mama at ate kita kong nahintakutan sila sa sinabi ko.

"Diyos kong mahabagin!" Sigaw ng isang matandang babae pagka-kita palang saamin.

"Ma, ayoko po" umiiling sabi ko. "Patayin nyo nalang ako!" Sigaw ko ng maglaon. Pero laking gulat ko ng umihip ang malamig na hangin na tila ba niyayakap ako nito.

"Halina kayo at pumasok." Sabi ng matandang babae, marahil sya na ang sinasabi nilang albularyo.

Hindi ka ba talaga isa saamin?

Tinitigan ako ng matanda at napatutop sya sa kanyang labi at sinabing "Diyos ko, ikaw.. ikaw ang naka-tadhana na mag-pakasal sa multo hija!"

"A-ano pong sinasabi nyo?" Sabi ni ate.

"Ang kapatid mo ang itinakdang ikasal sa isang matagal ng patay, Hija." Bumaling muli ang paningin nya saakin na tila ba nahintakutan sya.

"P-paano po natin mababago 'yon?—" naputol ang sinasabi ni mama ng biglaan akong tumayo.

"Hindi! Ayoko! Patayin nyo nalang ako kung ihihiwalay nyo rin ako sakanya!" Sabi ko at kumaripas ng takbo dala ang mabigat na puso.

Hindi ko kayang mawalay sakanya, patayin nalang din nila ako. Kung ako ang nakatakda, haharapin ko 'yon ng buong puso.

Pumunta ako sa dating tagpuan namin, nakita ko sya—naka-upo sa may taas na nitso na tulala. Nang maramdaman nya ang presensya ko ay napatingin sya saakin at bumaba at sinalubong nya ako ng malamig at mahigpit na yakap.

"Hindi kita kayang mawala sa'kin allen.." pilitin ko mang itago ang mga luha ko pero kusang kumakawa ito. "Mahal na mahal kita, please sabihin mo sa'kin ang totoo pangako hindi kita lalayuan." Kahit na alam ko na ang isasagot nya ay hindi ko maiwasang umasa na baka mali sila.

Kumalas sya sa pagkakayakap saakin at tinititigan nya ako muna at iginiya sa isang puntod na inupuan nya kanina.

"Ako si John Allen Constantino.." bumuntong hininga sya. "Ipinanganak ako noong Agosto 7, 1895 at.." nakita ko ang butil ng luha na kumawala sa mga mata nya.

"At namatay noong, agosto 7, 1912." Humihikbi sya ng bumaling saakin. "Bianca.. 106 years na akong patay, 123 years old na 'ko. Eksaktong 17 ako noon ng malunod ako" nanghina ako, feeling ko lahat ng buto sa mga paa ko ay nalulusaw ng unti unti.

"T-tapos anong nangyari?" Walang humpay ang pagtulo ng luha ko.

"Ang huli kong natatandaan, naliligo kami sa isang dagat bilang pagdiriwang saaking kaarawan, ang ama ko ang heneral noon kaya't engrande ang aming selebrasyon, tapos bigla nalang akong nilamon ng malaking alon. Matagal na akong nagpapagala-gala sa lugar na ito Bianca, hinihintay kong isilang ka." Niyakap ko sya ng mahigpit.

"Please pakasalan mo 'ko allen.. ayoko ng mahiwalay sayo." Sabi ko sa pagitan ng hikbi.

"Just close your eyes.." bulong nya sa tuktok ng ulo ko. Ginawa ko ang inutos nya. at ilang minuto lang ng muli syang nagsalita. "Now open your eyes."

Laking gulat ko ng mapagtanto kung nasaan kami ngayon. "Nasaan tayo?"

Nasa isang malaking bahay kami na puno ng mga tao na naka-ngiti saamin. Inilibot ko sa suot ni Allen at naka-tuxedo syang itim at pants habang ako naman ay naka-wedding dress.

"Welcome to our House." Kumindat sya saakin. Gosh ang gwapo nya talaga! "See you later." Sabi nya na ikinagulat ko.

"Teka, saan ka pupunta?" Naiilang kasi ako dahil iiwan nya akong mag-isa sa harap ng mga taong—multong ito?

"Maghahanda sa kasal na'tin." The way he smiled at me, makes me fall so hard and deep.

His Bride [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon