(someone P.O.V)
Si papa at ang papa nang aking kaibigan ay magkaibigan...
"pa, pag lumaki na ako, tutulungan talaga kita na maka ahon sa kahirapan" sabi ko ni papa habang kumain kami
"oyyyyy, ang bait naman nang anak ko, kaya pag butihin mo ang pag aaral mo anak ha? andito lang naman ako para supportahan ka"
hindi kami mayaman ,si papa jose ay isa lang sidewalk vendor, kung tatanungin niyo kung saan yung magaling kong nanay?. well wag na..--- dahil sumakabilang bahay na yun.
"oh, anak ba't natahimik ka?"
"wala lang po pa, napa isip lang ako, san na kaya si nanay ngayon?"
"anak? diba sinabi ko na sayo na wag mo ng guluhin ang isip mo tungkol dyan?wala na ang nanay mo sumama na sa iba"
"ehhhh, bakit po hindi man lang nya magawang bisitahin tayo?"
"anak, may ibang pamilya na ang nanay mo at hindi na nya magawang makabisita sa atin"
'pareng jose , hali kana marami na ngayong tao sa palengke'
tawag ni mang tasyo kay papa
Si mang tasyo ay isang kaibigan din ni papa, kasama niya ito sa palengke upang magtinda nang mga gulay at prutas.
"Si pareng tasyo andyan na"
"Anak, punta na ako nang palengke ha.? mag ingat ka rito"
Saka lumabas na siya sa bahay at sumama na kay mang tasyo pang mag tinda...
Mag alas sa-es na nang gabi nang hindi pa maka uwi si papa. Plano ko sana na sunduin si papa
habang nag lakad ako sa kalye napansin ko ang isang taong naka maskara at nakatayo sa poste.
habang papalapit na ako nang papalapit lumakad din sya papalapit sa akin.
----peeeeeeeeeeeep---
At nag papasalamat ako dahil may bus na dumaan saking harapan kasi ang nakahiwalay lang sa taong nakamaskara at sakin ay ang daan lang.
Nang dumaan ang bus ay bigla ring nawala ang taong yun.
Naalala ko ang taong yon nakita ko siya, parang lagi niya akong pinag masdan.
"Anak? san kaba pupunta?"
"ayyy tay pupuntahan sana kita sa palengke para sana susunduin ka"
"Tara uwi na tayo nak, na tagalan ako, kasi matagal na ubos ang paninda ko ehh"
Nang makarating na kami sa bahay, kumain kami at pagkatapus natulog na.
Natapus ang araw nang pagod ako dahil sa gawain sa bahay
"Tay kain na tayo"
"cge nak"
Habang kumain kami nabigla kami nang bumukas ang pintuan namin at may' pumasok sa bahay namin.
Isang putok nang baril ang narinig ko at sabay na natumba si papa ......... nang natumba si papa pinutukan ulit nang taong naka maskara si papa at lumabas.
"Wagggggggggggggggggggg" sigaw na may halong iyak at na nginginig ang buong katawan ko.
"a-a-an-ak" tawag ni papa sakin medyo paos ang boses niya. May dugong lumabas sa kanyang bibig at nagkalat ang dugo.
"Tay (iyak mood) wag mokong iwang, TULOOOOONG, TULOOOOOONG tay :'("
"Mag pa-p-aka-ba-it ka ha?|
' Anong nangyari? naka rinig ako ng putok ng baril'
sabi ni mang tasyo na nasa likod ko lamang.
"Diyos ko!!!!!!! O________O pre? sinong may gawa nito? teka lang tatawag ako nang pulis at ambulansya"
Habang tumawag si mang tasyo ng ambulansya at pulis ay sinundan ko yung tao na naka maskara na puti. Medyo halata ko kung saan dumaan ang lalaking iyon dahil sa kanyang mga yapak at sa istelo ng mga damo.
Sinundan ko lang mga iyon, hanggang sa makarating ako sa isang gubat. Maraming mga malalaking puno at mayayabong na mga halaman.
Parang nahalata nya na may sumusunod sa kanya kaya lumingon siya. pero hindi parin maalis sa kanyang mukha ang maskara na puti.
Medyo maliwanag dahil sa buwan na andyan lamang sa kalangitan. May mga ulap naman pero hindi masyadong marami. Nang makarating siya sa.......
Isang gate at doon ay may lalaking sumalubong sa kanya. Tsaka niya tinanggal ang maskara na puti at nakikipag usap sa lalaki.
' Nagawa mo ba ang pinagawa ko sayo?'
Narinig ko ang pinag uusapan nila dahil hindi ako kalayuan mula sa kanila.
Marami ding mayayabong na halaman ang nakapaligid sa akin kaya hindi ako masyadong makikita.
' yes sir'
' Good ' tumawa ang lalaking yun. Ang lalaking nag sundo niya don sa gate. At sabay binigay nang lalaking yun ang isang maliit na sobre.
Kung siguro yun ang sahod sa lalaking inu- utusan nya upang patayin si papa
Nang lumakad na ang lalaking iyon, hinagis niya ang kanyang maskara sa may banda kung saan naroon ako.
Nang maka alis na ang taong yun ayyy agad ko namang kinuha ang maskara at lumakad ako papalayo sa lugar na iyon.
vote/comment!
Author question:
1. sino kaya ang taong ito?
2. ano kaya ang dahilan kung bakit pinatay ang kanyang papa?
BINABASA MO ANG
Inside the Darkness
Mystery / ThrillerHello I'm kuya jhay Ito po ang pangalawa Kung story.. genre: Horror and mystery/thriller Character: Melith Brea dreny Christian Michael Trayfalgar Christopher Trayfalgar Lee an Lindsey Cabahug Ace vallente Quimark Sipalay Rio Kevin Bayron Stephen b...