(Kevin p.o.v)
Malapit nang gumabi isa isa ako nag message sa mga kaibigan ko through messenger, isa isa naman ang nag reply ang mga ito na papunta na raw sila.
Na bobored na nga ako sa loob ng kotse kaya napasyahan kong magpapatogtog. Una kong narinig ang kanta ni JHAY na "E DEAD MA MO NALANG".
Nang malapit nang matapus ang kanta na iyon , sunod sunod namang dumating ang mga kaibigan ko.
"Tara na" sabi ni christian
"E saan naman si christopher ?"
"Ayon nag park pa sa kanyang dalang motor" Sagot naman niya
------------------------
Christopher na tinotokoy rito ay ang kapatid ni Christian, si Christian ang panganay tapus si Christopher ang bunso, Trayfalgar brother kung baga hahahaha
--------------------------------
"Oh san rin ba si kuya stephen? nabalitaan ko kasi na naka uwi na siya" tanong ulit niya sakin
"Andon sa loob ang tagal magbihis"
"oh andyan na pala sina Quimart at melith ohh" sabi niya habang lumabas na siya sa kotse.
'hey! bro kamusta?'
'Okay lang naman'
'Ikaw melith kamusta?'
'Hehehehe okay lang naman ako tian'
Rinig ko mula sa labas nang kotse
At dumating narin si jessa naka motor lang din, mag isa lang ito
Habang bumabyahe kami, insaktong alas otso na nang gabi napansin na namin na napa ka traffic nang daan kung saan patungo sa aming puntahan.
"Hay naku, sabi ko na nga ba ehhh ang traffic dito" kommento ni christian
"E hindi naman natin alam na ganito ka traffic dito eh, ano ba naman kasi ang merun dyan?? baka naman may na aksedinte" sagot ni jessa
Patuloy parin ang pananahimik ko, halos half hour kaming nag intay dito sa kalsada, sana maka tawid kami pero hindi.
"Cguro makarating tayo doon mga 10 pm kung ganito palagi, e hindi nga tayo makakilos dahil sa haba ng pila sa sasakyan" nag salita si Christopher
Si melith, Quimart at kuya stephen tahimik lang muka atang hindi nakarinig sa pinag uusapan namin dahil naka earphone ang mga ito.
Maya maya may naisip akong paraan.
"Wala na tayong choice guys may naisip akong paraan"
Bumalik kami sa aming dinaan kanina at pumunta sa isang abandonadong lugar.
"Ano abng gagawin natin rito kev?" tanong nila
Hindi naman ako sumagot at lumabas ako sa kotse.
May mataas na pader at may bakal na parang gate hindi naman naka lock ang mga ito kaya mabilis lang ito makuha.
Naalala ko ang lugar na ito nong bata pa ako, dito dumaan sina mom at dad, kaya lang isinara ang daan na ito dahil sa marami nang na aksedente at namatay sa lugar na ito.
Wala naman sigurong mangyayari sa amin dito pagdito kami dadaan. Matagal naman itong isinara, kaya tinawag ko sina kuya stephen at si christian na magpapatulong ako sa kanila upang makuha ang naka harang.
Nang makuha na ang harang, bumalik kami sa loob nang kotse at pina andar ko.
"Sure kaba rito kev? safe dito?" tanong nila
Tumango naman ako.
"Wait! na alala ko ang daan na ito? isa itong shortcut na daan, madalas nga dito tayo dadaan kev nang mga bata pa tayo, sina mom at dad mahilig dito dumaan kasi walang traffic" sabi ni kuya
Tiningnan ko si kuya stephen sa salamin na nasa harapan ko lang at nag smile ako, kasi di ko akalain na maalala parin ni kuya ang daan na ito.
Madilim ang daan at mayayabong ang mga puno , yung daan may mga damo nang tumutubo at halatang wala na talagang dumaan dito. Puro itim ang bumabalot sa kalsada na ito, tanging ang ilaw lang ng sasakyan ang nagdadala nang liwanag dito.
"Nakakatakot ang lugar na ito ahhh" sabi ni melith, sabay sulyap niya sa bintana
"Oo nga, wala bang multo dito?" tawang sabi ni jessa
Tumawa lang sila nang malakas. Tumingin ako sa aking dalang relo, pasado alas nuwebe na nang gabi. Ilang minuto na nakalipas tahimik lang kami sa loob nang kotse habang minamaneho ko parin ang sasakyan na dala namin.
"Idlip muna kami kev" sabi ni kuya stephen
Dalawa nalang kaming gising, ako at si Christian. Habang patuloy ang pagbyabyahe namin may napansin akong kakaiba. May sumusonod sa amin na saskyan, isa lang ito.
Medyo nabuhayan ako nang loob dahil hindi lang kami ang dumadaan sa daan na ito may iba pa palang naka alam.
"Kev, may sasakyan na sumosunod sa atin muka atang alam niya ang daan na ito" sabi ni christian
"OO nga kanina ko pa yan napansin"
Biglang nahinto ang aming byahe dahil hindi namin alam kung bakit biglang namatay ang makina nang aming sasakyan. Nagulat kaming dalawa at nagtitinginan sa isat isa.
Yung mga ibang kasama namin natulog parin hindi nila alam na huminto pala kami. Dumaan sa aming tagiliran ang sasakyang kanina lang na sumusunod sa amin. Huminto rin ito sa di kalayuan.
"Tian tara,baba muna tayo alamin muna natin kung anong sira sa sasakyang ito" at bumaba kami
Binuksan ko ang harapang bahagi nang kotse upang e check kng ano ang sira nang sasakyang ito. Habang chinicheck namin ang kotse, napansin namin ang sasakyang hindi parin ito umalis sa kanyang hinintoan kaya napasyahan namin manghingi nang tulong doon.
Habang papalapit kami nagtaka kami dahil walang tao sa loob nang kotse na ito.
At biglang sumabog , dali dali kaming tumakbo at bumalik papunta sa aming kotse.
Vote/comment
Authors question:
1.) Ano kaya iyon ? multo kaya or normal lang na sumabog?
2.) At saan kaya patungo sila ni kevin at ang mga kasamahan niya?
Hit the star sign to vote!!! THANK YOU!!!
BINABASA MO ANG
Inside the Darkness
Mystery / ThrillerHello I'm kuya jhay Ito po ang pangalawa Kung story.. genre: Horror and mystery/thriller Character: Melith Brea dreny Christian Michael Trayfalgar Christopher Trayfalgar Lee an Lindsey Cabahug Ace vallente Quimark Sipalay Rio Kevin Bayron Stephen b...