HEARTBREAKS

27 0 0
                                    

First heartbreak – Nagka-kilala kami sa isang dance troupe pareho kaming members. Nanligaw siya tapos bigla na lang nawala hanggang sa nalaman ko na ayun, mag-pa-pari na daw. Pumasok na sa seminaryo. Alam mo yung feeling na, andun na e, sasagutin na tapos biglang magiging ganun yung kinahinatnan. Pero okay na din yun, atleast kay Lord siya mapupunta. Malay ba natin, siya pa mag-kasal sa akin someday. Diba?

After 2 years…..

Second heartbreak – We have mutual friends, and isa sa mga birthday party ng mga kaibigan namin, kami nag-meet. Halos two years din siguro kaming naging friends bago niya ko niligawan. And after 8 months bago ko naman siya sinagot. Sobrang okay ng relationship namin, napaka-smooth sailing. Ang bilis namin na-so-solve yung mga problem namin.

Hanggang sa isang araw may babae na lang na biglang sumugod sa bahay nila habang masaya kaming nag-hahapunan kasama ang pamilya niya at sinabing buntis ito at ang boyfriend ko ang ama. Wow diba? Ang saya. Sobrang saya. Hindi ako OA na babae, kaya hinayaan ko siyang mag-paliwanag, at ayun nga, inamin niya naman na may nangyari sakanila ng babaeng yun at siya daw ang naka-una pa daw talaga.

 

Kaya no doubt na sakanya daw talaga ang bata. Dahil nung binilang niya kung tama ba yung weeks ng pagbubuntis nung babae nung time na may nangyari sakanila ay tama daw. Crap that. Pina-kawalan ko na. Ginawa ko yun hindi para sa akin pero para sa batang nasa sinapupunan nung babae. Gusto kong mag-karoon siya ng isang kumpletong pamilya.

After 1 year…

Third heartbreak – Nagkakilala naman kami sa isang dance competition. Sila lang ang lumaban nuon, dahil ang grupo ko ay isa lamang sa mga guest na grupo. They’ve won that competition, then after minsan isinasama na kami nung producer ng dance competition sa iba’t ibang lugar, at kasama na din sila, nag-ge-guest kami sa iba’t ibang dance competition at dahil dun naging friends na din yung grupo namin, sa grupo nila.

 

We became so close, mag-ka-text mula umaga hanggang gabi. Then one time, naka-text ko yung isa sa mga ka-grupo niya at tinanong ako kung girlfriend niya daw ba ako then I said no. Nag-sabi lang naman ako ng totoo. Yes, maybe, we are somewhat special to each other or I don’t know, kung anu nga ba talaga kami. But one thing is clear, hindi KAMI.

 

Then all of a sudden, bigla na lang siyang nawala. As in, no more texts, no more calls. No reasons. No explanations. Nothing. Hindi na lang siya bigla nagpa-ramdam, he leave me hanging like I never meant that shit to him. Tapos nung bigla kaming nag-kita parang wala lang, parang hindi kami nagka-kilala? And that hurts, because as I look at him, it was like, it look so easy for him. And damn it, tapos ako parang tangang nag-iisip kung bakit siya biglang nawala, bakit hindi na niya ko pinapansin. FINE! He started this, I’ll end it.

After 2 years…

Fourth and last heart break (I hope so.) – Classmate ko naman siya, we got along so easily. He’s not a typical guy, somehow unique. For 1 year, mas lalo kaming naging close, and ayun nga, nanligaw din siya. At first medyo hesitant talaga ko to say yes, after three heartbreaks, gusto ko sana muna mag-pahinga. Hindi naman ako titigil sa pagmamahal e, mag-papahinga lang.

 

Pinaliwanang ko sakanya ang lahat at ang sabi niya naman daw mag-hihintay siya. Then, yes, after 1 year, naging kami. Hindi ko din inexpect na makakapag-hintay siya but he did. We had a very steady relationship. Nagka-hiwalay man kami ng block, at magka-iba na ang schedule, we still find time for each other.

 

After 8 months, heto nanaman. Masasaktan nanaman ako. I texted him what he is doing, ang sabi niya nasa bahay lang daw siya doing some paper works for school then out of the blue one of my friends ask me to accompany her sa mall dahil may bibilhin daw siya, since wala naman akong ginagawa nag-yes ako.

 

And wow, how lucky I am. Hiindi ko alam na mall na pala ang bahay niya, and guess what, ang pakikipag-holding hands at pakikipag-tawanan sa best friend ko ay tinatawag na palang paper works. Wow. As in WOW. Hindi ako eskandalosang babae, at kahit na nakita na ng dalawang mata ko, gusto ko pang mas mapatunayan. Until one of my, oh so loyal friend, let me see and prove the whole thing is right, isinama niya ako sa isang party ng isa daw sa mga bago nilang classmate, he didn’t let me show up, ang sabi niya ay makinig lang daw ako. Then, BOOM! Nahuhuli ang isda sa sarili mismo nitong bibig.

 

Yes, they are together, and most damn thing is that, they are not just in a relationship but also in a sexual relationship. I confronted them, hangga’t kaya ko, naging relax ako. I let him explain, and damn it, ang sabi niya lalaki lang daw siya at may pangangailangan, at hindi niya daw kayang gawin sa akin yung ginagawa nila ng BESTFRIEND ko because he respects me a lot. RESPECT? Bullshit! I laughed bitterly, ipinamukha ko sa BESTFRIEND ko na sa boyfriend ko na din mismo nanggaling na nirerespeto niya ako at ang nasa isip ko nun ay ang ibig sabihin lang nun ay hindi siya nirerespeto ng boyfriend ko. How lucky she is. And you know what? He even told me na ako ang mahal niya, and bulls eye, isa lang ang nasabi ko sa BESTFRIEND ko, nakaka-awa siya, sa harap niya mismo inamin ng boyfriend ko na ako ang mahal and the punch line is – katawan lang ang habol sakanya. Masakit? Serve them right.

 

And I’m not stupid, right that time I broke up with my BOYFRIEND, he even fall on he’s knees begging to me not to broke up with him. Pero isa lang ang nasa isip at nararamdaman ko nun e, puro sakit at galit. Gusto ko muna talagang mag-pahinga. Tama na muna.

Muling Magmamahal (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon