SURPRISE.

17 0 0
                                    

It’s my birthday today, Yey! Pero may pasok kaya mamaya na ang pagiging birthday girl, estudyante mode muna tayo. Pag-pasok ko pa lang panay na ang bati sa akin ng mga classmate ko at yung iba ko pang naging friends from other sections, courses at sa mga kasama ko sa org namin.

 

After 4 subjects, vacant  na namin for 4 hours. Medyo natigalgal na utak ko dahil sa mga mabibigat na subject namin, puro pa computation at logic. NGANGA!

 

Paglabas ko sa elevator kasama ang mga ilang classmate ko ay napansin ko ang mga iba’t ibang color ng balloons na naka-dikit sa mga wall, mag naka-sulat dun sa balloon na – HAPPY BIRTHDAY! Napa-Wow ako. May kasabay ata ako na mag-birthday sa mga executives o kung sino mang may posisyon sa university namin. Ang saya.

 

Napa-pitlang ako ng bigla na lang akong itulak ng isa sa mga classmate ko. Ma kumakausap pala sa akin. HAHA! Hindi ko alam, tulaley si atashi e.

 

“Yes po?” sabi ko dun sa babaeng nasa harapan ko.

 

“Ikaw po si Aleah?” tanong nito.

 

“Ah. O-opo. Bakit?”

 

“Ah, HRM student ako. Ako din yung chairman ng organization namin. May event kami ngayon, okay lang ba if I invite you to come with me sa lounge. We want to give you something.”

 

“S-sa akin po?”

 

“Yes po. Tara po dun sa lounge.”

 

“Ah. S-sige. Pero sure po kayong sa akin talaga?” pero hindi ko na siya narinig na sumagot pa.

 

Pagdating namin sa lounge ay nakita kong busyng-busy ang lahat sa mga kanya-kanya nilang Gawain. Yung iba nag-luluto, nag-be-bake naman young iba. Maya-maya pa ay nasa parang maliit na stage na nakatayo yung babaeng lumapit sa akin kanina at may hawak na siyang mic.

 

“May I have your attention please? Let’s welcome Ms. Aleah Anne Salvador. And greet her a happy birthday.” Tapos ay kumanta silang lahat ng Happy Birthday.

 

Medyo hindi pa din na-aabsorb ng utak ko yung mga nangyayari. Paano nila nalaman na birthday ko? Wow. Tapos may inabot silang cake sa akin. Nag-blowing the candle pa kami at nag-thank you naman ako sakanila.

 

“Ah. A-ate sandali. Thank you ulit dito sa cake ah. Pero paano niyo pala nalaman na birthday ko ngayon? Curious lang po.” Nahihiyang tanong ko sa babae.

 

“Hindi mo pa siguro nakikita. Lika, sasamahan kita sa quadrangle.” Nag-sabi pa siya sa isa mga kasamahan niya na aalis lang daw siya saglit. Hindi ko alam kung anung tinutukoy niya na hindi ko pa nakikita. Kaya sumunod na lang ako sakanya papuntang quadrangle kasama ko pa din yung isang classmate ko. Kung titingnan ako ngayon, ang mababasa lang sa sa ekspresyon ng mukha ko ay purong pagtataka.

 

Kaya ang mas gumulantang sa pag-katao ko ay ang malaking banner na naka-sabit sa isa sa mga building na malapit sa quadrangle. Tapos may madaming balloons na naka-palibot dito.

 

May mukha ko yung tarpaulin tapos may naka-sulat na – “HAPPY BIRTHDAY MS. ALEAH ANNE SALVADOR.” Napaka-simple ng naka-sulat sa tarpaulin pero nagtataka ako kung sino ang nag-pagawa nun at nag-sabit nun dun. Hindi naman siguro ang university, napaka-assuming ko naman, for sure araw-araw may nag-bi-birthday na estudyante sa eskwelahan namin pero wala naman nagpapa-gawa ng ganyang banner. Hindi din naman siguro ang organization namin dahil kahit nga yung chairman nung nag-birthday hindi naman pinagawan ng ganun. Yung mga classmate ko naman, sinurprise na nila ko kanina, may cake pa nga, na halos sila din naman ang kumain. Galing diba? HAHA!

 

Ang daming tao sa quadrangle, lahat halos naka-titig dun sa tarpaulin. At bawat may mada-daanan ako may naririnig akong bulungan. Yung iba sinasabing ako daw yung nasa tarpaulin tapos yung iba baka daw boyfriend ko nag-lagay nun. Yung iba naman ang swerte ko daw.

 

Hala! E natitigalgal na nga buong sistema ko sa mga nakikita ko.

 

“Yan yung sinasabi ko sayo. Kaya namin nalaman na birthday mo, e hindi na din kami nahirapan na hanapin ka kasi nga may picture mo yung tarpaulin.” Narinig kong sambit nung babae.

 

“Te, baka si , Justin gumawa niyan. Baka gusto kang balikan.” Sabi ng classmate ko. Si Justin, siya po yung last heart break ko.

 

“Wow naman sakanya te. Kung siya nga. Hindi niya ko madadaan sa ganyan nuh. Atsaka isang taon na din naman simula nung nag-break kami.”

 

“Pero kung siya nga yan, ang sweet. NGANGABELLS yung mang-aagaw mong bestfriend pag nag-kataon. Dahil kahit anung gawin niya sayo pa din babalik at babalik si Justin. Kakanta na ba ko ng – Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig.” Tinititigan ko ito ng masama na siyang nag-patigil sakanya. “Joke lang naman friend. Peace tayo ah.” Natawa na lang ako.

 

Maya-maya ay iniwan na ako ng babaeng kasama namin kanin dahil magsisimula na daw ang prograp proper ng event nila. Nag-thank you na lang ulit ako sakanya. May lumapit sa akin na lalaki at may inabot na isang papel tapos ay umalis na ito agad.

 

Nag-tataka na talaga ko sa mga nangyayari ngayon. Binuksan ko agad yung papel.

Muling Magmamahal (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon