NOTES.

20 0 0
                                    

“2nd floor. Building A, Rm. 15.” Yun yung naka-sulat dun sa papel. Dun din yun sa building kung saan naka-lagay yung tarpaulin. No seconds thoughts, nasa loob naman kami ng university , so siguro naman walang gagawin na masama sa akin ang kung sino mang may gawa ng lahat ng to.

At hindi din naman ako takot sakanya. Aba, black belter ata ako sa taekwondo. Sasabihan ko sana yung classmate ko na samahan ako pero paglingon ko bigla siyang nawala. Hinayaan ko na. Baka nag-cr lang yun.

 

Umakyat na ako sa building at tinungo ang Rm. 15. Pag-pasok ko pa lang ay namangha ako sa bumungad sa akin. Ang daming balloons na naka-lambitin. Yung parang pinalipad na lobo pero dahil may kisame hanggang dun lang siya. Bawat balloon kung hindi may naka-lagay na pictures ko, may notes.

 

1st note: Follow the yellow balloons and it will lead you to where I am.

 

2nd note: Smile my love.

 

3rd note: Have faith.

 

4th note: Keep calm.

 

 Medyo natatawa na ako sa mga nababasa ko. Laht ng notes ay naka-lagay dun sa mga string nung yellow na balloons.

 

5th note: Roses are red. Violets are blue. Whenever I see your face, everyday feels so brand new.

 

6th note: Your smile captivates my eyes. Your personality captivates my heart.

 

7th note: Beautiful is not enough to describe you, cause you are…..

 

8th note:  Perfect.

 

9th note: One last….

 

10th note: Trust.

 

Pagka-basa ko nun ay biglang namatay lahat yung ilaw. Sobrang dilim at wala talaga akong makita. Maya-maya pa ay may dalawang kamay na tumakip sa mga mata ko. Tinakpan pa, e wala na nga akong makita. Hinayaan ko na lang siya. Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng isang pintuan at dun sa pintuan na pinasukan namin ay may naaaninag na ako na ilaw.

 

“Keep your eyes close.” Narinig kong sabi ng kung sino mang nagtatakip sa mata ko. Base sa boses niya alam kong lalaki siya. Hanggang sa may narinig na akong tumutugtog. May naririnig ako na gitara at beat box at may nagsimula ng kumanta. Ang ganda ng boses niya.

 

Something about you 

Oh, could it be I finally found 

My destiny 

Now here you are 

Within my reach 

 

“Open your eyes.” Narinig kong sabi niya at unti-unti kong iminulat ang mata ko. Hinanap ko kung nasaan na yun nag-salita at nakita ko siyang nasa may baba, sa gitna ng quadrangle.

Muling Magmamahal (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon