JEEP.

25 0 0
                                    

I was on my fifth year in college now, ilang buwan na lang graduate na ako. Yehey!

 

And for 1 year, masasabi kong okay na ako at fully moved on na from my last heart break.

 

…..and masasabi ko din naman na handa na ulit akong umig muli.

 

Hindi ako takot masaktan ulit parte yan ng pagmamahal.

 

Mas gugustuhin ko pang masaktan kesa maging tanga.

 

Hindi ako isang BAYANI para ipaglaban ang mga taong mas piniling saktan ako. Mag-pakasaya sila dahil ako? Masaya ako na ako ngayon.

 

Katulad nga ng sabi sa palabas na My Destiny – ‘Pag umibig wag sumuko, hindi ka kriminal, umiibig lang.”

 

So ayun na nga, ahhhhh, paano nga ba kami nagkakilala? Ayun, tama, sa Jeep.

 

Siguro masasabi niyong Jeepney Love story to. Medyo, OO? Kasi dun naman talaga kami nagka-kilala.

 

Pauwi ako nun galing eskwelahan, Alas-diyes na yun ng gabi dahil nga pang-gabi ang klase ko ngayon. Kasalukuyan akong nag-hihintay ng jeep medyo maulan pa ngayon kaya alam kong hassle nanaman to sa byahe. Traffic yan for sure.

 

May mga kasabay din naman ako na ibang estudyante dito, kaso karamihan ay lalaki. Mga criminology student ata to, yung iba naman ay mga nag-ttrabaho na, katulad ng mga construction worker na hindi halata dahil sa mga bitbit nilang pala, martilyo at kung anu—ano pa at yung mga opisinadong trabahador, na mga naka-office suit after 123456789 years, may jeep na din. Pero hindi pa nga dumadating sa may mismong terminal yung jeep, e para ng mga nag-hahandang sundalo na handa ng sumugod ang mga ilan kong kasabayan. Pag-tapat ng jeep sa terminal ay nag-uunahan na sila, syempre medyo naki-siksik na din ako dahil sa gusto ko na talagang umuwi, narinig ko pang may sumigaw ng – “PAUNAHIN NIYO YUNG MGA BABAE!” Wow! Ang gentleman naman ng lalaking yun.  At sa wakas, pagkatapos kong maka-langhap ng iba’t ibang amoy, pawis o baka nga kili-kili na yun e, hindi ko alam basta ang importante naka-sakay na ako at naka-upo na ako ng matiwasay sa loob ng jeep.

 

Habang nasa byahe ay may napapansin akong isang lalaki na kanina pa tumitingin sa akin. Ayoko naman na maging assuming pero mag-kaharap kasi kami at kanina pa kami nagkaka-salubong ng tingin. Ang totoo, medyo naiintriga ako sa paraan ng pag-titig niya sa akin. Hindi ko alam kung anung tumatakbo sa isip niya, ewan ko. Pasimple pa nga akong nanalamin dahil baka may dumi yung mukha ko, haggard na haggard na ko o napaka-gulo ng buhok ko pero hindi naman. Bago naman kasi ako umalis ng school nag-ayos muna ako ng sarili ko.

 

Hindi naman siya nakaka-takot tumingin, yun nga lang ang lalim ng titig niya sa akin. Yun bang sinusuri niya ako. Hindi din naman siya nakaka-takot. Sa totoo nga may itsura si kuya, hindi ko masasabing sobrang gwapo niya pero ang lakas ng dating niya.

 

Hindi ko na siya pinansin pa, bahala siyang tumitig diyan, pag ako lang biglang natunaw. Nakoooo! Nag-basa na lang ako ng story sa phone ko. Maya-maya pa ay nauna siyang bumaba sa akin hindi naman kalayuan ang lugar ko sa lugar nila.

 

…at saw akas nakadating din ako sa bahay namin.

Muling Magmamahal (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon