FINALE.

21 0 0
                                    

HI ATE JOW-AN ! Hihi! Thank you for reading and sharing some words from my story. *hugs*

**

Ang pag-ibig ay isang bagay na hindi dapat minamadali at ‘wag mo din hintayin – maiinip ka lang. Hayaan mo siyang dumating ng kusa sayo – sa buhay mo.

Kasi kapag mas lalo mong minadali ang pag-ibig, minsan nagiging hindi maganda ang resulta. Masasaktan ka, bakit? Kasi minsan akala mo kapag may crush ka sa isang tao, akala ng iba yun na yung love na sinasabi. O di kaya naman, dahil nga wala ka pang masyadong alam o hindi mo talaga alam ang mga bagay-bagay tungkol sa love, sige ka ng sige.

Nakaka-lungkot mang isipin pero sa panahon kasi ngayon ang akala ng iba, para mapatunayan sayo kung talagang mahal ka ng taong mahal mo, e yung sex. Hindi ko nilalahat pero diba isa yan sa mga issue sa lipunan ngayon – lalo na sa mga kabataan. Yung tinatawag na pre-marital sex.

Isa pang parte ng “sige ng sige” – ay yung ligaw dito, ligaw doon , sagot doon, sagot dito. Kaka-break mo niyo pa lang ng boyfriend o girlfriend mo, wala pang isang buwan may kapalit na agad. Yung iba naman, inaabot ng ilang buwan  o minsan taon pa ang pagiging emo dahil nga nag—break na.

Pero hindi lang naman masama ang naidudulot ng minadaling pag-ibig, sabi nga learn from experiences, kung sakaling masaktan ka man, wag ka dapat mag-mukmok. Gamitin mo yung sakit na yun na nararamdaman po para mas maging malakas ka, na sa susunod na umibig ka ulit isa ka ng much better person. Na kakayanin mo ng i-handle yung kung anu mang pain.

Naniniwala din ako dun sa, kapag nag-mahal ka, mahal lang hindi mahal na mahal para kapag nasaktan ka, masakit lang, hindi masakit na masakit.

There is no pain that last forever.

Ako man, aaminin ko – umibig na din ako at –

Nasaktan? OO.

Umiyak? OO.

Nahirapan din mag-move on? OO.

After some heartbreaks, nag-hintay na ko. Hindi na ko nag-madali.

 

I am Aleah Anne Salvador-Vergara.

Nasaktan, umiyak pero muling nagmahal at ngayo’y masayang-masaya.

                           

And finally, I’ve found the one. Someone I can call my home. My destiny. My everything.

Muling Magmamahal (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon