Chapter 1: Crazy In Love

78 6 1
                                    

Chapter 1: Crazy In Love

Chapter 1: Crazy In Love

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


EURICKA ARRADAZO'S POV

"Ugh! Ano kaya ang uunahin ko?!

Stress na stress ako ngayong araw dahil sa tambak na assignments na pinasabog ng mga subject teachers namin. Litong-lito ako kung ano kung paano ito tatapusin at kung ano dapat uunahin.

Buwisit naman oh!

'Di talaga ako mapakali kung paano ito masusolusyonan. Miski utak ko, di rin makapamili at makapagdesisyon kung ano ang dapat unahin. Nagsisimula na ring sumakit ang ulo ko sa dami ng isipin. Pinayapa ko muna ang buong katawan ko sa pamamagitan ng paghiga sa kama ko, saka pumikit.

Nilinis kong mabuti ang laman ng isip ko at pinakalma ko ang aking sarili. Nagpakawala rin ako ng isang mabigat na buntong-hininga. Matapos iyon ay may taong nagpaalala sa akin.

OH MY GOD! HAHA.

Dali-dali akong bumalikwas mula sa pagkakahiga at kinuha ang bag ko. Hinalungkat ko ang mga gamit para hanapin ang larawan niya. Pakiramdam ko, katabi ko siya at pinaaalis niya ang mga problema ko.

Kurt Howard Silvano, my love...

Yes, I'm in love at Kurt. Idolo ko siya since e're Grade 8 at transfer ako. Isa siyang Basketball Player plus Valedictorian. Marami na rin siyang fans kabilang ako, syempre. Marami na rin ang lumalandi sa kanya dahil gwapo na, athletic pa at matalino pa.

Of course, nilalandi ko siya sa imagination ko. Haha!

Napabalikwas ako matapos makita ang litrato ng aking nilalandi slash BESTFRIEND. Oo,bestfriend ko siya since naging kasama ko siya sa Theater Art Guild hanggang ngayon na Senior High na kami.

Sa isiping iyon ay ginanahan na akong gumawa ng assignments ko. Wala akong pakialam kung ano ang mapili ko, basta ginaganahan ako. Una kong kinuha ang aking Math Notebook. Sagot dito, sagot doon. Compute dito, compute doon. Yan ang ginawa ko sa pagkuha ng sagot sa aming topic, ang Dividing Polynomials.

Letse! Wala akong pakialam kung mali ang mga sagot ko. Haha!

Pagkatapos nun at sinunod-sunod ko na ang pagsasagot hanggang sa makatapos. Mahigit tatlong oras akong nagkulong sa kwarto ko at naisipan namang lumabas para kumain. Nakita ko ang aking kapatid na kumakain ng Ice Cream. Napailing naman ako pagkakita niya sa akin na may halong ngiti habang ang kutsara ay kagat pa sa labi.

Katakawan mo talaga, Justine. Tsk!

Lumapit ako sa refrigerator at kumuha ang plastic box na may lasagna. Dali-dali akong pumunta patungo sa tabi ng kapatid kong si Justine, Grade 9-student pero hindi ko maiwasang matawa sa katangian ng kapatid ko.

Matakaw... Kain ng kain. Gwapo nga, tanga rin naman saka patay gutom.

Takang tumingin sa akin ang kapatid ko. Miski rin ako ay nagtataka sa kanya dahil sa paraan ng pagtingin niya. Mukha siyang sira dahil akmang dadakot siya ng Ice Cream gamit ang kutsara nang nakanganga at nakatingin sa akin. Handa ko na sanang buksan ang lasagna nang may magsalita.

More Than A Thousand Things [ON - GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon