Chapter 3: Rivalry

33 4 1
                                    


Chapter 3: Rivalry

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 3: Rivalry

HOWARD'S POV

Narito na ako sa bahay ngunit nasa eskwelahan pa rin naglalakbay ang isip ko. Na-badtrip kasi ako dun sa isang lalaking pinagsasabi nito sa akin at kay Euricka. Mayroong bahagi sa isip ko ang nagsasabing tama. Tama na ipaglaban ang bestfriend kong si Euricka laban sa gagong yun.

Tsh! Buwisit siya. Gago yun. Parang di alam ang mga sinasabi na kung ano sa bestfriend ko. Talagang wala siyang pinag-aralan.



FLASHBACK (4:00 PM - 2 Hours ago from the PRESENT)

Natapos ang aming huling klase ng panghapon, bandang alas-kwarto. Excited na rin akong umuwi dahil sa pagdating nang Mama ko galing Italy. Nag-request kasi siya sa Boss niya na mag-day off muna for 1 month, then salamat naman at pinayagan.

Inaayos ko na ang mga gamit ko dahil sasabay ako kay nina Jerick at Harry na umuwi. Halos lahat na rin kasi ng mga kaklase ko ngayon sa silid-aralan na ito ay wala na at mukhang kami na lang talaga ang natitira. Nag-aayos na ako ng mga gamit pagkatapos n'un ay lumabas kami at bumaba papuntang 1st Floor.

Habang bumababa kami ng hagdan ay naging masaya ang kwentuhan naming magkakaibigan. Natatawa nga sila sa inasal kanina ni Euricka sa Canteen.  Pati ako ay napatawa na rin.

Nang kami ay tuluyang makababa, isang lalaki ang bumungad sa aming harapan at agad nanlisik ang mga mata ko. Alam kong isang malaking kabaliwan kapag nagkataon na makakausap ko ito dahil, may sira ang ulo nito, siguro. At kung makakausap ko ang gagong ito, panigurado, pamamarangka ang lahat ng aming magiging salita laban sa salita at tensiyong magagananap rito.

Leister...

Kitang-kita ko ang paraan ng pagkakangisi niya ngayon ng mahablot ng kanyang mga mata ang paningin niya sa akin. May bahid iyon nang pang-aasar, na lagi kong nakikita sa kanya. Alam kong gulo ito kapag nagkataon, pero handa ako anumang oras at 'di ko ito aatrasan kahit matalo pa ako.

"Hey, hey, hey. Ikaw pala... Howard Silvano, my greatest rival. Tama ba ako?", sarkastiko niyang tanong ng makita ako. Ang tonong iyon ay may halong pagkairita at panggagalaiti ngunit, tulad nga ng sinabi ko, di ako aatras sa gulong alam kong sisiklab ngayon.

"Ano na namang kailangan mo, Leister?", mariin kong sabi sa pangalan niya ngunit walang emosyon ang makikita mo sa aking mukha. Ngumisi siya.

"Tsk... Hay, Howard. Dapat ako ang magtatanong niyan sa iyo eh.", ngingiti-ngiting niyang sambit bago biglang sumeryoso. "Ano ang kailangan mo...", pagputol niya sa sasabihin. Lumapit siya sa akin na may pagmamayabang sa bawat hakbang niya at nakita ko ang pagkibot ng kanyang labi na tanda na magsasalita ito, aaminin kong may konting kaba sa nararamdaman ko ngayon ngunit pilit ko itong lalabanan. "... kay Euricka.?"

More Than A Thousand Things [ON - GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon