Chapter 4: Colorful Overnight Prt. 1

40 3 1
                                    

P

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

P.S. I am so sorryyyy for being like AkoSiIbarra HAHAHAA. Antagal kong nag-update, sobraaa. Haha. I will promise na this summer vacation, mag-a-update na talaga ako. So, yeah, enjoy this one. Love y'all readers.

Chapter 4: Colorful Overnight Prt. 1

EURICKA'S POV

(6:30 PM)

Lubog na lubog na ang araw nang sinimulan kong tawagan si Howard. Nabalitaan ko kasi ang buong nangyari sa kanya na sinabi sa akin ni Jerick. Pinilit ko siyang sabihin ang totoo dahil mayroon akong narinig na bulung-bulungan kanina sa school na nakipag-away si Howard.

Dati pa siyang nasangkot sa pakikipag-away dati at ngayon lang ay nabalitaan kong nag-"I Shall Return" si My Love. Kaloka! Di ako nainform sa pagbabalik niya ah?

Sinimulan kong i-dial ang number ni Howard nang gabing iyon. Mga makailang ring lang n'on ay may sumagot ng tawag.

"Hello?", pagsagot ng nasa kabilang linya.

"Howard, mag-usap tayo bukas.", may halong pagkainis at galit ang sinabi kong iyon ngunit 

"Ha?! B-bakit?" naguguluhan niyang tanong.

"Tsk! Basta mag-usap tayo bukas. No! Tutal, tinawagan kita, may masakit ba sa iyo? Sabi kasi ni Jerick na nagkapasa ka't nagkasugat. Bakit ka ba kasi nagkapasa? Nakipag-away ka ba?", nag-aalala kong tanong. Doon na sa akin nangibabaw ang pagiging mapag-alala sa kondisyon niya kasi nakipag-away daw.

"Okay nga lang ako, sabi eh. Tsk!", bakas sa kanya ang inis. Ang kulit ko! Nang masabi niya ang kanyang hinaing, lumuwag ang dibdib ko ngunit napalitan ng pagkapahiya. Sa sobrang kulit ko at sa daming tanong na sunod-sunod kong ibinigay sa kanya, ayun, nainis sa akin.

"Uhm, Howard, are you mad? I'm sorry." anas ko.

Narinig ko siyang bumuntong-hininga bago magsalita sa kabilang linya. "No, Euricka. I'm not mad. I'm just annoyed. Sorry ah kung yun ang interpretasyon mo sa tono ko. Actually, I'm glad that you are concern for me.", feeling ko, nang marinig ko yung last sentence niya, nakangiti siya, mukhang binabaon niya ang lungkot ko sa pamamagitan ng pambobola. Napangiti din ako at the same time, kinikilig ang lola niyo.

Pabebe 'diba?

"Good to hear bes."

"Ay, anyways,  ang totoo, masakit katawan ko eh. Feeling ko magkakalagnat ako. Alagaan mo nga ako.", saad ni Howard.

Eh, aalagaan kita? Seriously.

Nangunot ang noo ko sa sinabi niya pero hindi sa feeling ng inis, kundi sa pagtataka, "Teka, sabi mo, okay ka na? Bakit pa kailangan kitang alagaan?"

More Than A Thousand Things [ON - GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon