Chapter 2: Viral

31 5 1
                                    

Chapter 2 - Viral

Chapter 2 - Viral

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

EURICKA'S POV

Tuluyan akong nagising mula sa pagkakahiga pagkasalubong sa akin ng sinag ng araw. Ngiting-ngiti ako dahil nakita ko si My Love sa panaginip na may kasal daw na naganap. Oo, as in naglalakad sa altar kaso sa panaginip, di ko nakilala yung babaeng pakakasalan niya, parang halos 'preview' lang ng hinaharap ko yun, sa tingin ko. Hmp. Kahit papaano, napanaginipan ko siya at nandun siya sa panaginip ko. Sayang kasi, honeymoon na sana yun kung di ako nagising dahil sa sinag. Di ko makikita yung ano ni My Love. Landi 'no? Charot lang!

Bago ako tuluyang umalis sa kama at tumayo ay binati ko muna ang aking araw. "Good morning, Sunshine... Makikita ko na naman siya. At, ililibre pa kami. Yieeee!", kausap ko ang sarili ko sa kama.

Para kang timang, Euricka.

Pagkatayo ko ay di pa rin talaga mawala ang mga ngiting iyon sa akin mukha, sandaling iyon ay nag-unat-unat muna ako. Habang nag-uunat, nakita ko na lang ang orasan ay nasa ikapito't kalahati ng umaga. (7:30 AM)

Daglian akong naghalungkat ng mga damit para maghanda na sa pagpasok. Naghahanda ako ng damit para pagkaligo ay may maisusuot ako agad at para na rin sa pagtipid ng oras.

Pagkatpos kong maghalungkat ay mabilisan akong tumakbo papuntang shower room at naligo. Mahigit 15 minutos ang aking iginasta roon at nagpamaunang nagbihis-pampasok. Malamang naman, duh!  Wala talaga akong sinayang na oras sa pagligo at pag-ikot sa kwarto ko. Inayos ko na rin ang mga assignment ko doon sa Lecture's Table (na ginamit ko kagabi). Inayos ko na rin ang aking kama para naman di masyadong mahirapan ang aming kasambahay. Pagkaayos ng mga dapat ayusin, ay tuluyan na akong lumabas ng kwarto at tumungo sa kusina para kumain, syempre dahi late ako nagising, mabilisan na lang. Tumingin ako sa relo at nasa 7:48 AM na. Mas lalo ko tuloy binilisan ang pagbaba.

Pagkababa ng hagdan ay nakita ko pang kumakain ang kapatid ko at sinaluhan rin si Manang Ybet, ang kasambahay namin. Kasosyal, may kasambahay dahil mayaman.

"Oh, ate.", tawag-pansin sa akin ng kapatid ko kaya tumunghay ako habang nag-aayos ng ribbon ng uniform ko.

"Bakit?", tanong ko. Bagama't nagmamadali ay binilisan kong kumain.

"Ah, w-wala lang h-hehe.", alam kong peke iyong mga iyon dahil sa inaasta nito. May tinatago ba ito? Alam kong meron pero di ko alam kung ano iyon.

"Okay...", tanging naisagot ko na lamang. Nagtuloy-tuloy na rin ako sa pagkain hanggang sa matapos. Nang matapos ay sinabi ko na rin kay Manang na pakibantayang maigi ang bahay, nang masabi ko na ang dapat sabihin ay dumeretso kami ni Justine sa garahe namin at inaabangan na pala kami ng driver kaya daglian kaming kumilos.

Tsk. Napakasosyal namin ano? May driver at kotse pa? Pak!

Mahigit sampung minuto ang tinahak namin papuntang school. Nang tumigil kami sa parking lot, pagkababa ko kaagad, madami-dami pa palang estudyante ang di pa pumapanhik sa kani-kanilang mga classrooms. Tumingin ako muli sa relo ko at alas-otso na ng umaga.

More Than A Thousand Things [ON - GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon