KLEIRYNN's Point Of View
"Uy, sorry ah. Hangad ko lang naman ang kaligayahan mo para kay Flynn kaya nagpaubaya ako. Tsaka ang ganda kaya ng tandem niyo, yieeee."
"What are you talking about?"
"Galit pa din s'ya. Klei, sorry na nga eh."
Hindi ko nalang siya pinansin sa halip ay itinuon ko nalang ang tingin ko sa cellphone ko.
"Huy! Ano bang meron d'yan sa cellphone mo? Andito ako, bestfriend!" naiirita na talaga ako sa babaeng 'to. Pasimple naman akong umirap.
"Klei, may ikukuwento pala ako tungkol kay Charl." tumingin ako kay Syd dahil sa sinabi niya.
"Oh, see? Pagdating kay Charl ang bilis mo! Kakatampo ka bes."
"I'm not. May nakita lang akong kakaiba sayo, you're over thinking." irap ko.
"Deny pa more."
"Tch."
Tumayo ako mula sa pagkakaupo at lumabas na ng canteen. Binilisan ko lang ang lakad ko para hindi ako maabutan ng babaeng yon. Naiirita lang ako.
And my phone beeps. A Message from....
Unregistered number?
From: +639067889014
Oy! Mamaya ah, practice natin.
Sino 'to? Mabilis naman akong nagreply.
To: +639067889014
Who the hell are you?
Maya maya ay may tumawag na sa phone ko. Napatingin ako sa Caller ID, it was the same number. Ugh! Ang kulit naman. Sinagot ko naman ang tawag.
"Who are you and How did you get my number?!" pasigaw kong bungad, and I heard a laughs.
[Your Handsome Seatmate, Flynn remember?]
Napapikit ako sa inis matapos niyang magpakilala. Err, kahit kailan talaga.
"And how did you get my number?"
[Well, secret!]
"You stop calling me from now on, then!" at ibababa ko na sana ang tawag ng marinig ko ulit ang nakakairita niyang boses.
[Uy, joke lang! Lagi ka nalang galit sa akin. K, Fine! Kay Charl ko kinuha yung number mo.]
Bumilis ang tibok ng puso ko ng magbanggit siya ng pangalan.
[Yo! Andyan ka pa?]
Napabalik naman ako sa katinuan ng marinig ko ulit ang boses niya.
"M-may number pa niya ako sa contacts n-niya?" utal na tanong ko na dapat ay hindi ko nalang tinanong.
[Ha? Oo, bakit parang nauutal ka? Sabi ko na nga ba eh, meron talagang something sa inyo ni Charl.]
"O-ofcourse not! Masama bang magtanong?" at narinig ko na naman siyang humalakhak.
[Really? Wala ba talaga?]
"Will you get straight to the point? What do you need?!"
[O, kalma lang. May practice tayo mamaya ah! 6PM at the rooftop.]
"That's It? Okay, then. I'll hang up the phone na." at binaba ko na ang tawag. Napahilamos naman ako sa mukha ng marealize ko kung ano ang mga lumabas sa bibig ko. Masyado akong nagpapadala sa emosyon ko, at ayoko ng ganun.
BINABASA MO ANG
Thousand Steps To Her Cold Heart
Teen FictionSi Kleirynn lang naman yung babaeng hindi mo magugustuhan makasama, alam mo kung bakit? She has her Cold Attitude na sobrang nakakapikon para kay Fafa Flynn, pero guess what? Mahaba rin ang buhok ng ating bibida-bida. Know, why? Babalik ang dating E...