CHAPTER TWO: To be His Partner?

30 2 0
                                    

KLEIRYNN's Point Of View






"Klei, I'm so sorry. You don't know how much I really wanted to see you that night..." nananatiling nasa baba ang tingin ko at umiiwas sa mga titig niya.




"Alright. Let's talk later, sigurado na ak---" matalim na tingin ang ipinukaw ko sa kanya.




"Tapos ano? Aasa na naman ako? Ganun nalang ba talaga ang role ko, Charl? Ang umasa ng umasa sa wala?" at pumatak na ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan, at ang sumunod na nangyari ay naramdaman ko ang mainit na yakap niya.




"Please don't cry. I hate seeing you crying at alam mo yan. Just please, give me another chance. At handa akong itama ang lahat ng pagkakamali ko."





Matagal tagal bago ako sumagot.




"Hindi ko alam. Hindi ko alam, Charl....."





"Kahit ano man ang maging desisyon mo, tatanggapin ko. Basta Klei, lagi mong tatandaan na...."






"I love you, and I'll always will." pinunasan ko na ang luha sa pisngi ko at dumistansya na sa kanya.




"I have to go. May klase pa ako."



"Ihahatid na kita."



"No need. Kaya ko ang sarili ko. Sige." at naglakad na ako palayo sa kanya.










Pagkadating na pagkadating ko sa classroom ay masasamang tingin ang mga pinupukaw sa akin ng mga kaklase ko.






"So, may classmate pala tayong ahas?"





"Feeling pa-cold lang 'yan, pero may tinatago din palang landi."





"I heard a rumor na siya pala yung EX ni Charl. Hindi lang halata, look at her nga."





"Mas maganda naman ako sa kanya pero bakit hindi man lang ako pansinin ni Charl?"








I ignored them. Yung mga taong tulad nila dapat ay hindi na pinag-aaksayahan ng oras, mga makikitid ang utak. Wala namang alam sa nangyari kung maka-husga parang ang laki nilang perpekto. Err...







"Don't mind them nalang. So anooo???" bungad sa akin ni Syd at nakangiti pa ng sobrang tamis. Ugh.





"What?"




"D'yan tayo eh. Limot na agad agad? What I mean is about you and Charl. How was your conversation last night?"





"It was nothing important."





"You tell me, Klei." seryosong sambit nito. She's so serious when it comes to me, and I hate it.






"Fine. Hindi siya sumipot nung gabing 'yon." walang emosyong tugon ko at napatayo ito sa gulat.






"ANO?!! TALAGA NAMANG LALAKI YAN! ANG KAPAL NG MUKHA. PINAG-ANTAY KA NA NAMAN NIYA SA WALA! NASAAN NA YAN AT BABANATA--" mabilis ko naman siyang inangat paupo at inis siyang tiningnan.




"What's your problem?"




"Ay, sorry Klei. Nadala lang naman ako ng emosyon ko. Sorry talaga. Pero seryoso, bakit hindi ka niya sinipot? I mean bakit? In what reason? Mas importante pa ba 'yun kaysa sayo?" I sighed.




Thousand Steps To Her Cold HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon