CHAPTER 2: First Day of School

20 0 0
                                    

SOMEONE'S POV

Ngayon ang unang araw ng pasukan sa NSU. Makikita mo sa mga estudyante na masasaya at galak na galak sila na magkaroon ng mga bagong kaibigan at magkaroon ng bagong kaalaman. Maagang pumasok si Kate, dala dala nya ang matatamis nyang ngiti pagpasok palang sa school pero siya ay nakayuko habang naglalakad papunta sa may bulletin board para tingnan ang kanyang schedule, pagkatapos nya makuha ang schedule nya ay aalis na dapat siya para pumunta sa una niyang klase ng may makabangga siyang isang maputing lalaki, matangkad, gwapo, singkit at matipuno. Agad nitong pinulot ang libro ni Kate na nalaglag at ibibigay na dapat dito ngunit biglang nawala si kate sa harapan niya pagtayo niya. Lumingin siya sa paligid ngunit di niya nakita si Kate. Nagtaka na lang siya kung bakit bigla itong nawala. Nilagay niya na lang sa bag niya ang libro, ibibigay na lang niya ito pag nakita niya si Kate, namukhaan naman niya yung babae kaya sigurong makikilala niya ito pag nakasalubong niya ulit.

KATE'S POV

My ghad ang bilis ng tibok ng puso ko, paano ba naman nakabunggo ko yung poging lalaki na nagbantay samin nung entrance exam. Nakakahiya kasi namumula ako kanina kaya bigla na lang akong umalis. Nakalimutan ko pa yung libro ko haays. Crush ko kasi yun kaya bigla akong nahiya haha pogi baman. Hindi ko tuloy alam kung paano ko kukunin dun yung libro ko. Hayaan na nga muna, magfofocus na lang muna ako sa unang araw ko dito sa school na to.

After ng ilang minutong paghihintay ay dumating na ang prof namin sa unang subject at nagpakilala siya. Si Mrs. Imperial. Math Teacher, oh diba agang aga math agad haha. Btw wala pa akong kaibigan kasi nga unang araw pa lang naman tas mahiyain pa ako. Hindi pa ko nakikipag-usap sa mga classmates ko.
Isa-isa ng nagpakilala ang mga kaklase ko at ako na ang susunod kaya tumayo na ako at pumunta ng unahan para magpakilala.

"Hi I'm Kate Andrea Valdez, 16 yrs. old. Nice to meet you all :)". ani ko sabay ngiti ng bahagya. Yun lang nasabi ko kasi nga mahiyain ako hehez.

"Thankyou Ms. Kate, you may take your seat :)". sabi ni Mrs. Imperial.

Naupo na ko, sa may unahan ako umupo kasi para mas maintindihan ko ang sinasabi at ituturo ng prof.

"Hindi na muna tayo magkaklase ngayon kasi unang araw pa lang naman. Isulat nyo na lang muna sa class card nyo ang name nyo at ibigay sakin tapos pwede na kayong lumabas. Maglibot muna kayo sa University na to para masanay na kayo, since ito ang unang araw nyo dito :)". sabi samin ni Mrs. Imperial.

Agad naman namin sinunod ang sinabi nya ang lumabas na.

Maglilibot libot muna siguro ako habang naghihintay sa susunod na subject. 2 oras pa kong maghihintay haays. Hinanap ko muna ang cafeteria, syempre yun una kong hinanap para pag nagutom ako nu hahaha. Tapos hinanap ko na din ang library para pag wala akong klase, dun na lang ako tatambay. Sa paglibot libot ko ay nakarating ako sa rooftop.

"Wow mukhang maganda dito at tahimik ah, dito nalang makatambay pag wala akong klase." Masayang sabi ko sa sarili. Bukod pala sa library ay pwede palang dito ako tumambay, dahil gusto ko din naman mag-isa at tahimik minsan :).

Bumalik na ako sa baba para maghanap ng CR dahil naiihi na ko haha. Habang naghahanap ay biglang may sumigaw ng Miss, hindi ko naman ito pinansin kasi hindi naman ako yung tinatawag pero laking gulat ko ng biglang may humawak sa braso ko at hinarap ako sa kanya. Nagulat ako at napalunok ng malaki ng nakita ko kung sino ito. Oh my ghad si Crush, bigla akong umiwas ng tingin at medyo yumuko dahil pakiramdam ko ay namumula ako.

"Hi-hi bkt po?". mautal utal kong bigkas.

"Ikaw yung nakabunggo ko kanina, right?". tanong niya sa'kin.

"Hah?".

"Yung sa may bulletin board, yung nakabunggo ko kanina, remember? ikaw yun diba?".

"Ah, oo ako nga, bkt?".

"Ah yung book mo kasi nahulog kanina, eto oh ibabalik ko lang". sabi niya tas biglang ngumiti.

Oh my ghad wag kang ngumiti lalo kang pumopogi ehh

"Oh Thanks". sabi ko at ngumiti

"Welcome :)".

Ngumiti na lang ako tapos ay umalis na pero bigla nya ulit akong hinawakan sa braso kaya napaharap ako.

"Hmm why? Is there anything else?". tanung ko sa kanya.

"hmm May I know your name?". medyo nahihiya nyang tanong.

Omg tinatanong nya pangalan ko. Eotteokke? haha napakorean tuloy sa kilig charot.

"Kate Andrea Valdez :)". sabi ko.

"Nice name :). I'm John Adrian Alcantara". pagpapakilala nya sabay lahad ng kamay.

Nakipagkamayan naman ako at ngumiti.

"Nice to meet you :)". ani nya

"Nice to meet you too :)". sabi ko naman at naglakad ng paalis. Binilisan ko ang paglakad dahil di ko na kinakaya. Kinikilig na ko haha. Omg nahawakan ko ang kamay niya, so lambot haha. Dumiretso na ko sa next subject ko. Pagpasok ko sa room ay kokonti pa lang kami kaya naupo nalang muna ako sa upuan at nagkalikot sa cellphone ko.

Wala naman masyadong nangyari ngayong araw na ito dahil puro pagpapakilala lang muna kasi unang araw pa lang naman ng pasukan. Bukas pa lang mag-uumpisa ang regular na klase kaya kailangan ko din maghanda. Dahil mas mahirap ngayon dahil college na ko. Lalo na't mahirap din ang kinuha kong course. At yun ay BSIT, about programming yun. Kinuha ko yun kasi gusto ko din magkaroon pa ng kaalaman about technology. At may IT company kasi ang family ko. Ako daw ang susunod na magmamanage nun kaya eto din ang kinuha kong course.

Nasa byahe na ko pauwi ng bahay sakay ng sasakyan ko. Hindi maalis ang ngiti ko dahil may isa na akong kilala sa bagong school ko ngayon, at yun ay yung crush ko pa hihi. Nakarating na ko ng bahay at agad na pumasok. Bumati naman ako kay mommy pagkakita ko sa kanya.

"Hi mom", sabay kiss sa cheek

"Hi Baby, how's your first day of school? Do you already have a new friends?". nakangiting tanung ni mommy.

"Okay lang naman mom, Wala pa naman gaanong ginawa, nagpakilala palang. And I don't have friends pa eh. Kasi alam mo naman hindi ako friendly at palakausap. Tsaka nahihiya pa ko makisalamuha sa bago kong classmate Haha". sabi ko

"Oh but baby you need to learn how to communicate to other people, okay? You need to be friendly, because you're already a college student. You need someone who will support you and always there beside you. You need friends, a true friends na kaya kang ipagtanggol, not a fake friends :)". sabi ni mommy. Alam kasi ni mommy yung pambubully sakin dati haays.

"Okay mom :), pero may nakilala pla ako kanina. He's a boy, nakabungguan ko kanina. Nakipagkilala siya sakin. He looks kind :)". sabi ko kay mommy.

"Baka crush ka nun ah hahaha". pang-aasar ni mom

"Mommy naman ehh, hindi nu".

"Sus haha, but baby wag muna magboboyfriend ah, You need to finish college, okay? :)".

"Yes mom, don't worry. I'll do my best to make you proud at hindi muna ako magboboyfriend. I told you last time that 'Study first' :)". sabi ko habang nakangiti.

"Thankyou baby, napakabait mo talaga. Sige na magpahinga ka muna".

"Sige mom, akyat na po ako :)".

Nagpunta na ko sa kwarto ako para magpahinga muna. Nahiga ako sa aking kama at dahan dahang nakatulog.

~~

Sana nagustuhan nyo ang chapter 2. Thankyou sa pagbabasa :)

Nainlove si Introverted GirlWhere stories live. Discover now