CHAPTER 4: Who is JA?

8 0 0
                                    

SOMEONE'S POV

Nang umalis si Kate sa rooftop ay bigla naman may dumating na tao doon, na parang may hinahanap.

"Nasan na kaya yun? Ang alam ko dito lang ako galing kaya posibleng dito ko lang yun nahulog, sobrang importante pa naman sakin nun." sabi nya habang naghahanap.

Ilang minuto din siyang naghanap doon ngunit hind niya nakita ang kanyang hinahanap. Kaya umalis na lang siya doon.

ADRIAN'S POV

Umuwi ako ng bahay na may dala dalang ngiti sa aking mga labi. Hindi ko alam pero parang ang saya saya ko ngayong araw na to.

"Kuyaaaaa, I miss you". bati sakin ng kapatid ko habang papalapit sakin.

"I miss you too my little sister, Jenna Anne". Galing kasi siyang ibang bansa, dun siya nag-aral nung highschool. Ngayon college na din siya at dun din siya napasok sa school na pinapasukan ko, BSBA ang course nya, pareho kami kasi gawa ng Business Company naman kaya yun kinuha namin. Pero ngayon pa lang kami nagkita kasi hindi kami nagkikita sa school tapos sa condo ko naman ako umuuwi nung nakaraan. Tapos ayaw naman nya magpakita sakin sa school, gusto daw nya dito kami sa bahay magkita. Ang arte eh haha.

"Kuya don't call me with my full name, just call me Jenna". sabi nya. ayaw nya kasi tinatawag sa full name nya haha

"Okay, sorry haha".

"Kuya, parang may iba sayo. Ang saya mo ata today".

"Wala, masaya lang ako na nakita na ulit kita, namiss ko kaya ang little sister ko :)". sabi ko.

"Hindi nya? Akala ko may gf kana kaya masaya ka". sabi nya na may halong pang-aasar.

"Wala pa nu". sabi ko. Pero sa totoo lang kaya ako masaya kasi naging kaibigan ko na si Andrea. I like her, but as a friend lang. Cute nya kasi tapos mabait pa. Pero malay nyo mainlove ako dun hahahaha.

"Okay, sabi mo ehh".

"haha sige na, magpapahinga na muna ako". sabi ko tapos pumasok na sa kwarto ko para magbihis at magpahinga. Ayoko sabihin sa kapatid ako ang dahilan kung bakit ako masaya kasi pipilitin nyan ako na ipakilala sa kanya si Andrea kapag nalaman na siya yung dahilan.

One month later

*krrrrnggg*

Nagising ako nang mag-alarn ang aking orasan. Agad akong bumangon at nag-ayus para sa pagpasok.

Nang makarating ako sa school ay bigla kong nakita si Andrea.

"Good morning Andrea". bati ko sa kanya.

"Good morning din Adrian :)".

"Aga natin ah?".

"Maagang nagising eh haha".

"Ah tara muna sa may garden tambay, maaga pa naman eh". yaya ko sa kanya.

"Sure :)".

Naupo lang kami sa may upuan sa garden tapos nagkwentuhan lang ng kung anu-ano.

"Adrian, may mga kaibigan ka ba? Bakit parang lagi kang nasama sakin? haha". tanong niya sakin.

"Meron naman, Pero gusto lang kasi kita samahan. Masaya ka kasi kasama haha".

"Ahh akala ko wala ka din friends eh haha".

"Marami akong friends gusto mo pakilala kita?". pagtatanong ko sa kanya

"Hala, wag na, nahihiya ako hehe". ay oo nga pla mahiyain to haha. Buti na nga lang hindi na nahihiya sakin to ehh.

"Sige ikaw bahala".

"Ay nga pala Adrian, may itatanong ako".

"Ano yun?". tanong ko, tapos nakita ko naman siya na may kinukuha sa bag nya.

"Sa'yo ba to? May initial kasi na 'JA' ehh? Nakalimutan ko itanong sayo to noon, ang tagal na nito sakin haha". tanong nya sakin at pinakita yung color blue na panyo na may initial na 'JA'.

"Hindi sa'kin yan".

"Sure ka? Kanino kaya to? Katulad kasi ng initial mo kaya akala ko sa'yo".

"Wala akong ganyang panyo eh. San mo ba yan nakuha?".

"Sa rooftop, nung tumambay ako dun". sagot nya. Kanino naman kaya yun eh hindi naman ako natambay sa rooftop.

"Ahh ganun ba, hnd naman ako natambay sa rooftop kaya imposible talaga na sa'kin yan".

"Ahh, di bale na nga, itatabi ko nalang muna siguro to. Baka pag tumambay ulit ako sa rooftop eh makita ko dun kung sino may kanya nito :)".

"Mabuti pa nga, Ano tara na? Malapit na mag-umpisa ang klase". pagyaya ko sa kanya.

"Sige".

Umalis na kami sa garden tapos ay hinatid ko na siya sa roon niya bago ako pumunta sa room ko.

"Bro, napapadalas ata ang pagsama mo dun sa 1st yr. student na yun ah? Baka gusto mo na yun haha". pang-aasar sakin ng tropa ko pagpasok ko ng room.

"ulol, hindi ah. Friends lang kami. Tsaka wala pa kasi siyang friends kaya ako muna nasama sa kanya".

"1 month na siyang napasok dito pero wala pa din siyang kaibigan?". pagtatanong niya sakin.

"Hindi kasi siya palakaibigan at mahiyain kasi siya ganun".

"Ahh kaya, may pagkaIntrovert siya".

"Parang ganun na nga". sa tingin ko may nangyari sa kanya dati kaya medyo introverted siya. Gusto ko itanong sa kanya pero wag na lang baka hindi nya rin sagutin.

KATE'S POV

Natapos na ang dalawang subjects ko ngayong araw. Bale 2hrs. akong Vacant. Ang tagal kaya tumambay muna ko dito sa rooftop pagkatapos ko kumain. Mag-isa lang ako kumain kanina kasi may klase pa si Adrian.

"Kanino kay tong panyo na to kung hindi to kay Adrian? hmm". bulong ko sa sarili.

1 oras na ko dito sa rooftop. Hinihintay ko din baka may ibang tao na pumunta dito tapos maghanap ng panyo. Feeling ko kasi ang importante ng panyong to kaya gusto ko maibalik sa may-ari. Hindi naman kasi to kay Adrian, kay kanina kaya to. Wala naman akong ibang kilala na may initial na 'JA'. Sa mga classmates ko naman walang ganung initial.

After 1 1/2 hrs. na pagtambay sa rooftop ay bumalik na ko sa room para dun nalang maghintay ng 30mins para sa next class. Hanggang ngayon iniisip ko pa din kung kanino yung panyo na napulot ko. Halos 3weeks na sakin to. Baka hinahanap na to ng may kanya. Hays bahala na nga. Dumating na ang prof. namin tapos ay nag-umpisa na magklase.

SOMEONE'S POV

Pumunta ulit sa rooftop ang taong may hinahanap. At nagbabaka sakali na makita nya dito ang kanyang hinahanap. Iniisip niya na baka may nakapulot nito tapos ay binalik dito.

"Nasan na kaya yun? Hindi kaya may nakapulot na ng panyo ko? Sana naman ibalik na lang niya dito. hays". sabi nya sa sarili.

Sobrang importante ng panyo na yun sa kanya, dahil bigay iyon ng kanyang bestfriend sa kanya. Kaya talagang hinahanap niya iyo.

Yung na kay Kate kaya ang panyo na hinahanap niya?

Makukuha niya pa kaya iyon?

~~

Yey, tapos na rin ang chapter 4.

Sa tingin nyo, ang panyo na hinahanap kaya ng taong iyon at ang panyo na nakay Kate Andrea ay iisa?
Sino kaya ang taong may-ari ng panyong iyon? Babae kaya siya o Lalaki? Posible kayang sa kapatid ni Adrian kasi 'JA' din initial niya o ibang tao ang nagmamay-ari nito? Sino nga kaya si 'JA'?

Comment kayo kung ano sa tingin nyo ^__^

Nainlove si Introverted GirlWhere stories live. Discover now