Patuloy pa din ako sa pagsuyo kay Kiro sa bawat araw na lumilipas,hindi ako titigil hanggang mahalin niya din ako
"Can you please stop this nonsense!" Sigaw nito minsan puntahan ko siya dito sa kanyang silid para lang hatiran ng kape
Busy ito sa kanyang laptop at may mga papeles din nakatabi
Tumayo ito at hinarap ako "ano ba hindi mo maintindihan? Sign the divorce paper and we're done" asik nito "gusto mo paba masaktan ah? Para lang maalog yan utak mo" sigaw nito
Napakagat ako sa ibabang labi ko
"Please naman Kiro,nagmamakaawa ako sayo hayaan mo ako gawin lahat para sayo. Asawa mo ako" laban ko
Ngumisi ito "asawa?"
"Asawa lang kita sa papel pero hindi kita kinikilalang asawa"
Ilang beses niya paba ipagmumukha sakin para madala ako? Pero para akong manhid na walang pakialam sa mga sinasabi niya
"Gagawin ko lahat,hindi ako susuko" tanging nasabi ko na lamang at nilapag ang kanyang kape sa table niya saka lumabas
Paglabas ko ng kanyang silid nakarinig ako ng pagkabasag,binato niya siguro ang tasa
Napangiti na lang ako ng mapait
Hanggang kailan ba ako magpapakatanga para lang sa pagmamahal ko sa asawa ko?
Sa bawat araw na pagsuyo ko at siyang lagi niya naman pagpupumilit pirmahan ko ang divorce paper
Pero hindi ko magawa,pag hawak pa lang ng ballpen para pirmahan nadudurog na ang puso ko
Habang busy ako sa mga papeles na pinapagawa sakin dito sa opisina,napatinggin naman ako sa tao na kakadating lamang
Trinity Buenaventura isa sa mga business partner ni Kiroshi
Dumiretso ito sa opisna ng aking asawa
Isa ito sa kilalang anak ng business man na si Sir Joem Buenaventura na may ari ng isa sa malaking pountry dito sa pilipinas
At isa din ito sa naleleak na babae kay Kiroshi
Isa din ba ito sa magiging karibal ko sa buhay ng asawa ko? Pero alam ko naman si Hilarry ang pinakakaribal ko dahil ito ang mahal ni Kiroshi
Nakakatawa isipin
"Gwapo ng asawa mo noh? Daming girls pumapaligid" sarcasm na sabi ni Kaye bigla na lang sumusulpot sa tabi ko
"Ano ginagawa mo dito sa pwesto ko? Wala kaba ginagawa?' tanong ko
"Tapos na, ikaw ang lalim ng iniisip mo kanina ko pa napapansin" aniya. "Tignan mo di mo pa tapos pinapagawa sayo ni Ma'am" umismid ito sakin
"Bumalik ka sa pwesto mo baka matapos ko na ito ginagawa ko"
"Aysus girl,if I know yan jusawa mo lang naman iniisip mo na naman paano susuyuin" umirap ito "dalawang taon kana nagpapakatanga wala naman ikaw napapala"
"Kung sumama ka sana nakaraan sa party ni Fidel edi sana may nakita papabols at baka yung pa Destiny mo"
"Tigilan mo nga ako"
"Ewan sayo,pag ikaw talaga tuluyan nabaliw dahil lang jan sa pagmamahal mo? Ako mismo magdadala sayo sa mandaluyon,sa mental" ismid nito saka bumalik sa kanyang pwesto
Nang mag out na kami agad ako pumunta sa opisina ni Kiro,hindi ko pa kasi ito nakikita lumabas baka mag overtime ito
"Anong sadya mo?" Tanong agad ng sekretarya nito pagkadating ko "busy si Mr.Monterey with Ms.Buenaventura kaya hindi tumatanggap muna sa loob si Sir"
![](https://img.wattpad.com/cover/125357762-288-k122215.jpg)
BINABASA MO ANG
His Wife
General FictionBata pa lang pinangarap ni Crisha Salcedo magkaroon ng masaya at kumpleto na pamilya na hindi niya naasam sa buhay nya, lumaki sa bahay ampunan simula iwan sya ng kanyang ina limang taon gulang pa laman sya at wala din sya kinikilalang ama. Kaya nam...