CHAPTER 17
"Ano?!" Napatakip naman ako ng tenga sa OA na sigaw ni Kaye kahit kailan talaga "napakawalang hiya talaga ng lalaki na yon" nang gigil na sambit niya
Kinuwento ko kasi sa kanya ang pag uusap namin ni Kiroshi
"Puso mo babe may likod kapa' hirit ng kanyang asawa at himas sa dibdib niya
"Bakit jan ka nahimas? Likod ba yan?"
"Ay sorry akala ko likod mo" loko ni Fidel sa asawa na agad ito binatukan
"Naku naku Fidel,lumayo layo ka muna sa akin. Nanggigil ako sa hindot na Kiroshi na yon wag mo hayaan madamag ka sa gigil ko baka palayasin kita"
Nailing na lang ako sa mag asawa
Tumingin muli ito sa akin "so balik tayo sayo babaita,ano pa mga sinabi nya sayo? Sinaktan kaba niya?"
Umiling ako rito bilang sagot
Bumutong hininga muna ako bago magsalita
"Matapos ko sabihin na hindi nya anak ang anak ko iniwan ko na siya" at totoo naman yung sinabi ko sa kanya hindi nya anak si Miracle
Paano nya naman magiging anak ang bata kung matagal na kami hindi nagkikita bago ako nabuntis
Kung may anak man siya sa akin,matagal na patay ang anak sana namin
Wala na siyang anak sa akin pa
Kumirot ang dibdib ko ng maalala iyon
Kung sana nag ingat ako
Napatingin naman ako sa kaibigan ko ng hawakan nito ang kamay ko
"Ano gagawin mo ngayon?" Mahinahon na nitong tanong
Ngumiti ako bahagya sa kanya "tatapusin ko lang kung ano ang trabaho ko sa kanya,at lalayo na ulit ako sa knya"
Hindi ko na kaya malapit pa muli sa knya sa pangalawang pagkakataon,tama na yung nakalipas nagpakatanga ako sa kanya
Tama na yung sakit dinulot sa akin ng nakaraan
Kinabukasan kasama ko ang isang katrabaho para sa proposal na hinahanda namin para sa proyekto ni Kiroshi
Ayaw ko na sana pumasok at umalis na lang,ayaw ko naman magbayad ng malaki para lang sa pride ko
Malaking halaga din yon,para na din yon sa kinabukasan ni Miracle
Kaya naman pikit mata na lang pinilit ang sarili pumasok para mag trabaho
Sa kalagitnaan kami ng pagtatrabaho ng dumating ito,tila wala ito sa sarili na naglalakad patungo sa knyang opisina
Hindi na rin ito binigyan pansin mga tao bumabati sa kanya
Iniwas ko na lang ang tinggin ko sa kanya at nag focus na lang sa ginagawa
Pakialam ko ba sa kanya,maging bato sana sya
Lunch break na kaya naman ako na lang naiwan mag isa,agad kasi umalis ang kasama ko dahil may kikitain pa raw ito sa labas kaya naman nag unat unat pa ako
Bago nagpasya tumayo na at mag ayos para makakain na din
Napatigil ako sa pag aayos ng naramdaman ko ang presensya ng isa tao sa tabi ko kaya naman nilingon ko ito
Ganun na lang pagpihit ng dibdib ko na si Kiroshi ito nakapamulsa sa kanya pantalon at seryoso nakatinggin sa akin
"Ano kailangan niyo Mr.Monterey?" Umiwas na lang ako ng tinggin dito at nagpatuloy sa pag aayos sa ganun makaalis na ako at makakain
![](https://img.wattpad.com/cover/125357762-288-k122215.jpg)
BINABASA MO ANG
His Wife
General FictionBata pa lang pinangarap ni Crisha Salcedo magkaroon ng masaya at kumpleto na pamilya na hindi niya naasam sa buhay nya, lumaki sa bahay ampunan simula iwan sya ng kanyang ina limang taon gulang pa laman sya at wala din sya kinikilalang ama. Kaya nam...