Kill him with Jelousy

217 13 0
                                    

9:00 am

Vice's POV

Kasalukuyan akong nasa labas ng bahay ni K. Wearing black skinny jeans and white polo shirt.

*ding dong*

"Magandang umago po" bati ko sa magandang babae na nag bukas ng pintuan. Medyo pamilyar ang mukha. Parang si Karylle pero mas mukhang matanda ng slight.

"Magandang umaga din iho. May kailangan ka ba?" Tanong niya sakin.

"Dito po ba nakatira si Karylle Tatlonghari?"

"Yes. Ako nga pala ang nanay niya, just call me Zsa Zsa"

Zsa Zsa? Like THE Divine Diva? Ang dami palang hindi kinuwento ni K. Nanay niya pala ang isa sa pinaka famous na celebrity dito sa pilipinas.

"Uh, hi po Ms.Zsa Zsa, Jose Marie, pero Vice nalang po, kaibigan po ako ni Karylle" nag shake hands kami at pinapasok niya ako.

"Umupo ka muna. Naliligo lang si K"

Nginitian ko siya at umupo ako sa sofa.

"Wait, ikaw ba yung bago niyang ka-workmate? Yung poging bakla?" Tanong niya sakin. Bago ako makasagot nagsalita siya, "..hindi pala, mukha kang lalaki"

"Hindi po, ako nga po yun. Wala kasi akong masyadong make up today"

"Hindi nga? Para kang lalaki. Mag pogi ka nga ata sa ex ni K" Tumatawa niyang sinabi at tinabihan ako.

"Iho, maraming salamat" nilagay niya ang kamay niya sa balikat ko. Naramdaman ko ang pasasalamat niya, ang sincere. Pero bakit? "Bakit ka po nagpapasalamat sakin?" nalilito kong tanong.

"Kasi dahil sa'yo ngumingiti na si K. When she met you a few days ago, nakita ko ulit yung totoo nyang ngiti. Hindi pilit, hindi peke. Mahirap ang pinagdaanan niya. Alam mo ba halos hindi siya kumain for a week after nang break up niya. Hay nako, hindi ko mapapatawad ang Yael na yan" narinig ko ang lungkot sa boses niya.

"Walang anuman po. I can see where Karylle got her great personality from" sagot ko.

"Salamat iho. Nice meeting you!"

Sa wakas, may narinig akong footsteps pababa ng hagdan, "Vice, ikaw ba yan?"

Si K. Naka dress pants, black heels and white&red top. "K mukha kang hot teacher" tumayo ako at nag beso kami.

"Vice, for once mas makapal make up ko sa'yo" sabi niya na nakitingin sa fez ko. "Ngayon lang 'to. Sige bahala ka, bukas mas maganda ako sa'yo" biro kong sinabi.

"Kahit may make up ka pogi ka parin" sinabi niya habang tumatawa.

"Che! Halika na, baka ma-late pa tayo at magalit pa si Mr.Liit" I offered my arm and she linked to it, "shall we?" lumabas kami ng bahay niya at pumasok sa kotse ko na nakapark sa driveway nila.

General POV

Hindi nagsalita ang dalawa sa loob ng sasakyan.

"psst. K" Vice said to break the silence.

"Huh" sagot naman ni K na nakangiti habang may tinitignan sa cellphone niya.

"Sinong ka-text mo?" tanong ni Vice na sinisilip ang cellphone niya.

"Ah, wala 'to. Nasa Instagram lang" sagot ni K na tinatakpan ang cellphone.

Ang hindi alam ni Vice, tinitignan ni K yung pictures na kinuha niya nung tulog si Vice kahapon.

"K, baka porn ang tinitignan mo dyan. Bad yan" biro ni Vice na sinisilip parin ang cellphone ni Karylle.

"Sira!" hinampas niya ito sa braso, "eyes on the road mr.pogi"

You Changed My Life (ViceRylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon