Confused

260 13 5
                                    

"Archie, hindi ko siya gusto..MAHAL KO SIYA!"

General POV

"HA?" malakas na sigaw ng mga baklang kaibigan ni Vice nung narinig ang sinabi nito.

"Weh hindi nga?" tawang tawang sinabi ni Aaron na akala biro lang ang sinabi ni Vice.

"Si Meme OA, mahal agad?" dag dag ni Jegs at sabay tagay ng beer.

Nag lean back si Vice sa upuan at pinaglaruan ang hawak niyang baso, "hindi, meron nga akong nararamdaman na kakaiba, pero I'm not sure kung mahal ko siya. Basta nakakalito"

Tumayo si Buern at naging seryoso, "alam mo meme, nangyari saakin yan"

Tumingin lang si Vice sa kanya at nakinig.

"Akala ko hindi ako bakla kasi iba nga talaga ang naramdaman ko every time kasama ko siya, nakwento ko na siya before, si Deniese. Ayon inenentertain ko siya at naging kami for 5 months" kwento ni Buern.

"Anong nangyari? Ba't nagbreak kayo?" curious na tanong ni Aaron

"Kasi hindi ko napigilan ang sarili ko at iniwan ko siya kasama si Alex, yung pinsan niya. Pumunta ako sa bahay niya para mag sorry, pero huli na ang lahat, pumunta siya sa ibang bansa. To this day, minumulto ako ng konsensiya ko. Alam kong nasaktan ko siya ng sobra" naluluhang kinuwento ni Buern.

Pinunasan niya ang mga mata niya at nagsalita ulit, "The moral of the story is, siguraduhin mo yang nararamdaman mo. don't rush things, baka masaktan mo lang siya"

Tumayo si Vice at niyakap ang kaibigan, "okay lang yan" Umupo ang dalawa at tinuloy ang inuman.

MEANWHILE

Magkausap ang mag kaibigan na si Karylle at Vhong sa telepono.

"Vhong, confused na talaga ako" -K

"Confused?" -Vhong

"I mean, hindi ko alam kung mahal ko siya, basta confused ako" -K

"Mahal agad? Hindi ba pwedeng crush muna" -Vhong

"Siguro, more than crush. Parang gusto ko na siyang maging boyfriend, that kind of crush."-K

"Are you sure gusto mo talaga siya o gusto mo siyang maging boyfriend kasi nakita mong nagmove on na si Yael?"-Vhong

Hindi sumagot si K.

"Ana Karylle Tatlonghari"-Vhong

"Hindi ko alam. Confused nga diba. Nakikita ko kasi ang dream boyfriend ko kay Vice. Humble siya at alam kong hindi niya ko masasaktan."-K

"Masasaktan? Yung parang ginawa ni Yael"-Vhong

Tumahimik ang linya. At nabigla si Vhong sa nasabi niya.

"K, sorry"-Vhong

"ah hindi ok lang... Oo yung parang ginawa ni Yael. Gusto ko sana yung taong kaya akong mahalin na higit pa sa pagmamahal na kaya kong ibigay at yung kayang ipaglaban ang relasyon namin"-K

"Tingin mo kaya ni Vice?"-Vhong

Karylle sighed, "That's for me to find out"

"Sige Vhong, Salamat! See you tomorrow!"

They hung up the phone.

BACK TO VICE

"Bye meme, see you! WeChat if you need us" paalam ng mga beki kay Vice.

"O sige, I will think of something. Salamat!"

.

.

Sorry guys I've been busy lately, promise long UD coming up :) xo

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 22, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

You Changed My Life (ViceRylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon