1 VAMPIRE

8 0 0
                                    

Zakaria Qezedy Skewer POV

"Zakaria"

Natigil ako sa paginom ng dugo ng may tumawag sa akin. Ramdam ko ang presensya nya kanina pa. Hindi ko sya nilingon at nagpatuloy sa paginom ng dugo sa aking baso

"Kailangan mo ng mag ayos"ani nito

"You can't order me around" simpleng saad ko at nagpatuloy sa pagsimsim

"Makinig ka nalang. Mag ayos ka na at nandyan na ang maghahatid sa iyo" dinig kong sabi nya bago sya umalis. Napabuntong hininga nalang ako at tumayo sa pagkakaupo, tumayo ako sa harap ng isang salamin na gawa lang para sa bampirang tulad namin. Pula nanaman ang aking mata dahil uminom ako ng dugo

Nilapag ko ang baso ko at nagpatuloy sa banyo upang makaligo na. Simple lang ang sinuot ko. Pulang longsleeves na pinaloob ko sa itim na paldang umabot hanggang taas ng aking tuhod, isang coat na umabot ang haba sa taas din ng aking tuhod. Sinuot ko ang itim ribbon na bumagay sa aking damit. Pinaresan ko rin ito ng isang simpleng itim na takong

Hinayaan kong lumugay ang aking magandang buhok at bumaba na

"Mabuti at nandito ka na" ani ng babae, ng aking ina. Hindi ko na sya pinansin at nagtuloy tuloy

"Daughter " natigil ako sa lakad dahil sa boses ng aking ama

"Ama" simpleng saad ko

"Hindi ka manlang ba magpapaalam sa iyong mga magulang?"ngiti nito at nilahad ang kanyang mga braso. Lumapit ako upang bigyan sya ng yakap

"Hanggang sa muli,aking ama"binigyan ko sya ng maliit na ngiti. Pinasadahan ko lamang ng tingin ang aking ina bago ako tuluyang lumabas. Sa aking paglabas bumungad sa akin ang nakapapasong init ng araw. Tumuloy ako sa karwahe na naghihintay sa akin. Pinagbuksan nila ako at pagtapos ay pinaandar na ito

Ipaliliwanag ko kung bakit hindi ako nasunog tulag ng nakagawian nyo

May 3 antas ang lahi namin, ng mga lahing bampira

Ang pang-una at ang pinakamababa ay ang tinatawag na Poorblood o Ihon. Sila ang mga bampira na pagtinamaan ng araw ay agad agad na mapapaso. Sila ang mga hayok sa dugo ng tao. Sila ang mga bampira na walang kapangyarihan maliban sa pagkilos ng mabilis at pangamoy na hindi naman ganoon kahusay. Wala silang venom na gawing bampira ang isang normal na tao

Ang pangalawa at gitna ay ang tinatawag na Gitna o Gaster sila ang mga bampira na mas mabilis kumilos at mas matalas ang pang amoy. Nabiyayaan din sila ng kaunting kapangyarihan katulad ng pagbasa ng isipan. Hindi sila ganun kahayok sa dugo ng tao ngunit kailangan din nila ito. Hindi sila ganoong napapaso sa araw maliban kung sila'y matagal ng nakabilad. May venom sila ngunit ang malalakas na uri lamang nila ang nakakagawang gawing bampira ang isang tao

At ang panghuli at pinakamakapangyarihan ay ang tinatawag na Pureblood o Vladislav sila ang mga bampirang napakabilis kumilos at matalas ang pangamoy at paningin. Nabiyayaan sila ng mga kapangyarihan katulad ng teleport, telepatiya, at iba pa. Kaya nilang kontrolin ang sarili pag may naamoy silang dugo. Hindi sila napapaso sa araw. Malakas ang venom ng mga pureblood

Bawat antas ay may ranking na tinatawag at base sa ranking ng mga Pureblood. Ang pinakamalakas sa lahi ng mga bampira at pinakakinatatakutan ay ang Skewer. Ang aming pamilya. Kami ang namumuno sa buong kabampirahan

"Narito na tayo sa inyong papasukan kamahalan"ani ng nagsilbing driver

Twaerou

Hindi ako sumagot at naglakad nalang papasok sa sinabing paaralan. Dala nila ang mga bagahe ko. Ramdam ko ang titig ng mga bampira at iba pang lahi. Takot sila sa pamilya namin, lahat sila. Base sa mga lahi, lahing bampira ang kinatatakutan at pinakamataas sa lahat. At sa buong lahi ng bampira, kami ang namumuno

Dire-diretsyo ang aking lakad hanggang sa matapat ako sa isang malaking pinto, ang Principal's Office. Walang katok katok ay pumasok ako

Napatigil sya sa ginagawa nya at napatayo, nagbow sya at sinabihan akong maupo

Naupo ako sa harap ng lamesa nya

"Ms. Skewer, narito ang mga gamit at uniporme ng ating paaralan, ang Twaerou. Naririyan ang mga detalye na kailangan mo. Pati ang dorm na gagamitin mo ay nariyan na din. May tanong ka pa ba?" Nakangiti nitong tanong

"None" ani ko at dirediretsyo na ding lumabas. Pinalutang ko ang kapirasong papel, isa yan sa aking kapangyarihan.

V Dorm Building. PV Hall. 25'th Floor. Room 2501

"Madam Skewer? Please follow me" ani ng babae. Ibinalik ko ang papel sa lagayan nito at sumunod sa kaniya. Naglakad kami palabas ng building na ito (Academya Building) at may tinuturo syang mga building na iba't iba ang kulay

"Iyon ang V Dorm Building"turo nya sa kulay dugong gusali

Pumasok kami ruon at bubungad sayo ang parang reception area. Sa kaliwa ay may dalawang pasilyo at sa kanan ay isa

"Iyan ang PI hall. Ang mga dorm dyan ay para sa mga Poorblood o Ihon. Ang ikalawang hallway diyan sa kaliwa ay ang G Hall. Mga dorm para sa Gitna o Gaster. At ang isang hallway dito sa kanan ay ang PV hall o kung saan nariyan ang mga Pureblood o Vladislav " nagtuloy sya sa paglalakad at pumasok sa elevator

"Pataas ng pataas ang ranggo ng mga narito. Simula 1st hanggang 20th floor ay may 6 na kwarto. Ngunit sa 21st hanggang 24th ay may 4 na kwarto. Ang floor kung saan ang dorm mo na nakalagay sa 25'th floor ay may dalawang kwarto lamang. Ikaw at si Zero Gaerome Walter ang naroon isa sa mga anak ng ikalawang pamilyang Pureblood na Walter"

"Ito ang magsisilbing kwarto mo o dorm" ani nya ng matapat kami sa pinto may kinuha sya sa likod ng pinto na parang manipis na salamin

"Hiwaan mo ang iyong daliri at magpatak ng dugo dito"ani nya. Napataas ang kilay ko

"Isa itong chip para sa security ng iyong kwarto. Madedetect nito kung ikaw ang papasok at kusang bubukas ito"ani nya

Inilabas ko ang pangil ko at tinusok ang aking hinliliit at mabilis na pinapatak ito sa chip. Mabilis na naghilom naman ang aking sugat. Pinasok nya ulit ang chip sa loob ng pinto at nagpaalam na sa akin

Pumasok ako sa loob at nakita kong ayos na ang mga gamit ko. Pati ang mga damit ay nakalagay na kung saan man dapat ito nakalagay. May sala, kusina, kainan, at syempre kwarto. Sa loob ng kwarto ay ang CR at Walk in closet. Nakapalibot dito sa buong dingding ay ang nagtataasang aklatan. Sa pinakagitna ng kisame ay may chandelier. Mayroong lamesa sa gilid hindi masyadong malayo sa aking kama

At dahil sa kami ay bampira. Madilim ang building na ito. Napapalibutan ng makakapal na tela upang hindi tumagos ang sinag ng araw. Pumunta ako sa ref ng aking kwarto upang tignan ang laman. Punong puno ang isang side nito ng supply ng dugo, mayroong mga prutas at ang aking paborito, mga tsokolate

Lumabas ako upang tingnan ang kusina. Puno ng mga supplies ito. Bumalik ako sa aking kwarto at binuksan ang napaka-kapal na kurtina. Nakikita ko ang paglubog ng araw. Maga-alas sais na kaya ako'y nag-ayos na. Ang oras ng pasok dito sa paaralan ay alas syete ng gabi hanggang  alas dos ng umaga

Sinuot ko ang uniporme ng aming paaralan. Pula na longsleeves at pulang palda na may 2 inch bago mag tuhod. Mayroon kaming mahabang coat na itim ang kulay na umabot hanggang sa baba ng aking tuhod. Sinuot ko rin ang pulang boots na hindi naman kahabaan. Ang alam ko ay kaya pula ang uniporme ko ay dahil bampira kami. Iba iba ang kulay maliban na lamang sa aming coat. Mayroon rin palang manipis na itim na laso

Mayroong logo ng paaralan sa ikaliwang bahagi ng aking coat sa taas nuon ay nameplate ko. Gold ang kulay nitong nameplate ko. May dalawang bulsa ang aking coat kaya duon ko pinasok ang aking kamay

Naglakad ako palabas at kahit hindi ko ito binuksan ay atomatiko itong bumukas para sa akin

Dahil diretsyo ang aking tingin. Pagbukas ng pinto, bumukas din ang kaharap na pinto ko. Ang kwarto ni Zero..

--------

Zakaria(za-kar-ya) Qezedy(ke-ze-dy) Skewer(ski-wer)
Zero(zi-ro) Gaerome(gey-rowm) Walter(wal-ter)

Twaerou(twey-ru) - ang eskwelahan nila



Sweet FangsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon