2 HOW

9 0 0
                                    

Zakaria's POV

Bago pa sya makapagsalita ay tinalikuran ko na sya, naglakad ako patungo sa elevator. Pasara na ito ngunit napigil ito ng kanyang hintuturo at walang hirap itong binuksan. Tumabi sya sa akin ngunit may distansya

Aaminin kong bumagay sa kaniya ang uniporme ng aming paaralan. Isang pulang longsleeves, black slacks, pulang sapatos,itim na necktie, at itim na coat na hanggang tuhod ang haba. Tulad ng aking nameplate, kulay ginto rin ang kanya

"Long time no see"ani nya sa kanyang malalim na boses

"Not nice to see you" diretsyo kong saad

Nakatingin ako sa aming repleksyon sa pintuan ng elevator, kita ko ang pagangat ng isang sulok ng kanyang labi

"Still the same?" Tanong nya

"It's you who changed"simpleng saad ko. Natawa sya ng kaunti

"Yeah, i changed for the better" hindi ako umimik at lumabas na. Sumunod sya at tumabi sa akin. Nakatingin ang lahat sa amin. Humahawi ang daan, sinong nasa tamang pagiisip ang magtatangkang humarang sa daraanan namin? Dalawang galing sa pinakamalalakas na bampira ang sabay naglalakad

Parehas kaming nakapamulsa at diretsyong nakatingin sa dinaraanan namin. Nakarating na kami sa paaralan ngunit heto pa rin ang mga bulong bulungan

"Bagay sila"
"KYAAAHHH I'LL SHIP THEM"
"Ang ganda talaga ni Ms.Zakaria"
"At pogi naman si Mr. Zero"
"Sana ako nalang sya"

Third Person's POV

Lahat ay nakatingin, lahat ay nakagilid, lahat ay may opinyon sa dalawang naglalakad sa gitna

Sinong hindi mapapatingin sakanilang dalawa?

Si zakaria, ang malanyebe niyang kutis, mapulang labi na natural sa kaniya, mamula mulang pisngi, mahabang pilikmata, ang kanyang natural na abong buhok at may gintong mga mata, matangos na ilong at nagiiwan ng kakaibang halimuyak na iyong hahanap hanapin

Si zakaria, ang malanyebe niyang kutis, mapulang labi na natural sa kaniya, mamula mulang pisngi, mahabang pilikmata, ang kanyang natural na abong buhok at may gintong mga mata, matangos na ilong at nagiiwan ng kakaibang halimuyak na iyong hahanap...

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Si zero, ang kakisigan niyang walang makatatalo, ang kutis nyang animo ay nyebe, ang kanyang mapupulang labi, natural na blonde nyang buhok, may asul na mga mata, matangos na ilong, matigas na mga panga, nakapagiiwan sya ng amoy na gusto mong amuy amuyin

Sila'y animo mga perpektong obra na gawa ng isang perpektong mangguguhit

"Bagay daw tayo" mapang asar na ani ni zero ngunit straight ang kanyang mukha

"Bampira ako, ewan ko kung ano ka" mahinang sabi ni zakaria

"Ang hard mo naman sa fiancee mo"ani nito, marahas na napatingin ang babae sa kanya

"Shut your damn mouth, if someone hear you, I'll freaking kill you" malamig na saad nito at gumamit ng vampire speed upang mauna. Napailing nalang si zero sa inakto nito

Hanggang ngayon pa rin ba hindi pa sya nakakamove-on?  Isip nito bago gumamit ng vampire speed upang pumasok sa kanyang klase. At akalain mo nga naman. Tila swerte sya dahil nakita nya ang dalaga na nakaupo sa isang sulok, nakangisi itong lumapit at tumabi rito

Zakaria's POV

Marahas akong napalingon sa lapastangang tumabi sa akin

Zero? Again?

Matalim ko syang inirapan at tumingin nalang sa bintana

"Hey fian-" pinutol ko ang kanyang sasabihin sa pamamagitan ng pagtakip ng bibig nito

"I said shut up" matalim ang titig na ginawad ko sa kaniya

Itinaas nya ang dalawa nyang kamay tanda ng p0agsuko, tiningnan ko pa sya ng masama bago tinanggal ang aking kamay

"Aww your grip is too tight" reklamo nito habang hinahawak hawakan ang kanyang mga panga

"Who cares"ani ko nalang

"Good Day Class!" Ani ng isang maliit ngunit matinis na boses. Napatingin ako sa harap ngunit wala namang tao ruon. Tao? Nakalimutan ko hindi nga pala kami mga tao at walang taong naninirahan rito

"I'm here!"ani nya at lumabas sa table. Isa syang matandang babae na nakasalamin, halatang masungit ito

"I'll be your adviser"ani nito sa isang striktang boses. Umakyat ito sa upuan at umupo sa teacher's table

"I want you to know ALL of my rules. Kapag may nilabag kayo ay tandaan nyong hindi nyo magugustuhan ang parusang igagawad ko sa inyo, naiintindihan nyo ba?" Um-oo ang klase

"Una sa lahat ayoko ng MA-I-NGAY! Pangalawa LIST-EN! Pangatlo FO-LLOW the instructions. Yun lang, napakadali lang diba? Ewan ko nalang kung hindi nyo pa masunod yan. That's all, good bye " ani nya at sa isang kumpas ng hawak nya ay nawala na sya

Dinismiss na nya kami? So, uuwi na ako sa dorm ko since sya ang teacher namin the whole day tch

Dahil tinatamad ako ginamit ko ang isa sa aking kakayahan, ang magteleport. Nagteleport ako sa likod ng eskuwelahan, may puno rito na gustong gusto kong tambayan. Ang puno ng hawiga

Ang puno ng hiwaga ay may mga mansanas na aakalain mong mga ilaw, ang mga dahon nito'y umiilaw kaya naman napakaganda nitong tingnan sa gabi. Maaari karing humiling sa gintong dahon, ngunit napakadalang malaglag ang gintong dahon at kung lumapad man ito sa lupa ay mawawala na ito. Kaya suwerte ka kung makakuha ka nito

"Dito ka pa rin?"isang lalaking boses ang narinig ko, hindi ko sya nilingin

"Umalis ka dito"ani ko

"At bakit? Sa pagkakaalam ko ay hindi mo ito pag-aari" lapit nito, pumitas sya ng mansanas. May mansanas na lumitaw sa aking harapan, inaalok nya ako. Kinuha ko iyon at kinagatan. Isa pa ito sa hiwaga ng puno, napakasarap at napakatamis ng bunga nito, hindi mo pagsasawaan

"Naiisip mo ba sya?"

"Chismoso ka ba? At hindi ko sya iniisip" sagot ko

"Alam mo ang bastos mo. Nasa tabi mo ako, kausap mo ako kaya dapat tinitingnan mo ako. Mapapangasawa pa man kita" ani nito

Napayuko ako at mapait na napangiti

Magiging asawa

"Hindi kita gusto" diretsya kong sagot

"I know, too bad. The man you want was married years ago" ani nito. Napayukom ang kamao ko. Napagitla ako ng may humawak sa kamao ko

"Forget him zakaria, forget all about him" ani nito bago sya nawala

Napatingala ako sa siwang ng mga dahon

Forget? How can I forget someone who i love all my heart but still hurt me in the end? How can i forget him? How?

Sweet FangsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon