Zakaria's POV
Natapos na ang klase at kasalukuyan akong nakahiga sa aking kama, wala akong magawa at hindi rin naman ako makatulog
Kinuha ko ang aking telepono at nagpunta sa Haserlin. Naalala ko ang pabor ng babaeng iyon. Marami ang nagpapa-accept ngunit hindi ko naman kilala
Steffany Anderson
Parang pamilyar ang apelyidong anderson sa akin. Napailing ako at pinindot ang ACCEPT
Maya maya ay biglang may mensaheng lumabas
Steffany Anderson
●active nowIdol!
Quit calling me that
Eh? Bakit naman? Idol naman talaga kita ah?
Tch.
Ay? Napikon si idol?
Hehe. Tulog na ako idol
Tulog ka na rinHindi ko na sinagot ang mga sinabi nya at pinatay nalang ang telepono ko. Bumangon ako at tumingin ng libro na mga nasa pader. Kumuha ako ng isa upang maging pampalipas oras hanggang sa ako'y antukin
Third Person's POV
Binuksan ko ang aking telepono at binuksan ang Haserlin ko. Tumungo ako sa account ni zakaria. Matagal na palang hindi sya nakagagamit nito. Nakaonline sya kanina kaya ngayon ay hindi na
Nagpalit sya ng profile matagal na, nakasuot sa kanya ang kanyang mahabang balabal ngunit hanggang tiyan lang ang inabot ng litratong ito. Kahit hindi sya nakangiti ay lubhang napakaganda pa rin niya
Napatingin ako sa gilid ng aking kama kung saan nakalagay ang kanyang litrato na may nakapaskil sa kanyang magandang mukha ang napakagandang ngiti at ang litrato naming magkasama
Napangiti ako ng makita ko iyon
"I want you back. I'll get you back" sambit ko bago lumabas ng aking kwarto
Zakaria's POV
Nagising ako bigla marahil dahil tapos na ang oras ng pagtulog. Tiningnan ko ang aking orasan at alas sais na pala. Tumayo ako sa pagkakahiga ko at tumungo sa aking kubeta. Naligo ako at sinuot ang aking uniporme. Sinuklay ko ang abo kong buhok at nagtungo sa kusina upang uminom ng kaunting dugo
Magaalas syete na ng lumabas ako ng aking dorm, dumiretsyo ako sa elevator at tumungo sa eskuwelahan
Nakakairita pa rin ang mga mata nilang palaging nakasunod at walang tigil na pagbuka ng kanilang mga bibig. Napairap ako at naglakad patungo sa silid
Kasunod ko ring dumating ang guro. Nakapagtatakang wala pa si zero hanggang matapos ang dalawang klase. Nakapamulsa akong tumungo sa canteen. Umorder ako ng isang basong dugo at tumungo sa pwesto ko ng nakaraan
Hindi ba nila ako tatantanan sa kanilang mga pagtitig? Hindi na nga pandinin ang aking pinwestuhan ngunit nakasunod parin ang kanilang mga mata. Umirap nalang ako at sinimulang uminom sa aking inorder
Pagtapos ko ay tumungo na ako sa silid kahit napakaaga pa para duon. Sumandal ako at pumikit
" Zakaria Qezedy?" Napadilat ako upang tingnan ang tampalasang tumawag sa aking pangalan at bumungad sa aking harapan ang isang nakangiting lalaki. Tinaasan ko sya ng kilay. Umiling at tumawa sya kaya napakunot ang aking noo ng kaunti
BINABASA MO ANG
Sweet Fangs
RandomShe's in a different case She's not normal She loves blood She's a vampire