3 TROUBLE KISS

5 0 0
                                    

Zakaria's POV

Para akong tangang naglalakad patungo sa dorm building ko. Iniisip ko pa rin ang mga sinabi ni zero

Makapagsalita sya akala naman nya wala syang alam sa pinagdaraanan ko. Oo alam kong nakalipas na ang mga taon

Oo nga no? Masyado na akong lugmok sa aking nakaraan, nakakatawa

"Tigilan mo ako!"tumatawa kong sambit at binilisan pa ang aking takbo

"Huli ka!"tawa nya ng mahabol nya ako,nakayapos sya sa akin mula sa aking likuran

Napatili na lang ako ng kilitiin nya ako

"S-stop it!" Tawa ako

Nagkulitan kami hanggang sa mapahiga kami sa damuhan, nakaunan ako sa kanyang balikat habang ang kamay nya ay nasa baywang ko

Itinaas ko ang kamay ko

"Buti pa ang bituin hindi iniiwan ang buwan" sambit ko

"Na syang gagawin ko sayo. Ikaw ang buwan at ako ang magsisilbing bituin mo,hinding hindi kita iiwan" sambit nya at naramdaman ko ang paghalik nya sa tuktok ng aking uluhan

Napapikit ako ng mariin ng maalala ko ang eksanang iyon

"Aray" lalaki ang tinig na aking narinig. Nang minulat ko ang aking mga mata, nakita ko ang isang lalaking nakaupo sa gitna ng daan. Suminghot ako, ang sangsang! Hindi mapagkakamalang isa syang aso , werewolf

"Jack! Ayos ka lang?" ani ng babaeng papalapit sa amin, isa pang aso. Hindi na ako nagabalang magsalita at umalis na

Natigil ako ng may humablot sa aking braso, lumingon ako sa braso ko at may morenang kamay akong nakita, umangat ang tingin ko tungo sa kanya. Nah~ mababa pa rin ang tingin ko dahil lubha syang maliit, mga hanggang balikat ko lamang sya. Tiningnan ko lang sya ng seryoso,hinablot ko ang aking braso at bahagya kong pinagpagan ito

"Anong karapatan ng isang aso na hawakan ang isang bampira?"seryoso kong ani. Napaatras sya ngunit pilit nyang pinigilan ang kanyang takot

"Hindi ka manlang ba magsosorry?" Pilit din nyang nilakasan ang kanyang boses. Napatingin na rin ang ibang estudyante at nagsimulang makiesyoso

Talaga namang mga aso lang ang nagtatangkang makipaglaban sa mga bampira, nakakatawa

"Jen tumigil ka" mahinang sambit ng lalaki

Hindi na ako nagsalita muli at tumalikod na ng may naramdaman akong palapit sa akin, tumagilid ako upang makaiwas. Tingnan mo nga naman naging tunay na syang aso, yung lalaki ay pilit na pinapakalma ang aso. Ano bang problema nya?

Nakawala yung aso at tumakbo papalapit sa akin, nakatingin lang ako sakanya bago pumitik. Ramdam ko ang pagilaw ng aking mga mata kasabay ng pagtalansik nya sa isang pader. Bumalik ito sa pagiging tao at nawalan ng malay

Nanlaki ang mata ng lalaki at galit na tumingin sa akin

"Ikaw!"gigil nyang ani at dinuro ako,tumingin lang ako sakanya na ikinainis nya. Hindi na ako nagulat ng naging asong lobo na rin sya at sumugod. Pasugod na ako ng may mabilis na hangin ang dumaan sa aking gilid at dumiretsyo sa papalapit na aso. Tumalsik rin ito at tumilapon sa pader katabi ng babae

Sinasabi ko na nga bang siya ang naamoy ko kanina

Nagbalik sa tao ang lalaki at sumiklab mula ang galit ng makita ang babae sa kanyang tabi, pilit syang tumayo at sumugod ngunit kapwa aso na nya ang nagpigil sa kanya

Tumalikod na lamang ako sakanila. Nasa likod pala namin ang ibang mga bampira, ng maglakad ako,kusa silang nagbigay daan

"Ayos ka lang ba?" Biglang may boses ang sumulpot sa aking tabi, isang tango ang ginawad ko at pumasok sa elevator

"Unang klase, may away kaagad" ani ni zero

"Ano bang pake mo?"ani ko

Hinila nya ang aking braso at pinaharap sa kaniya

"Anlaki ng pinagbago mo"ani nya

"Wag mo akong pakialamanan" ani ko ngunit hinarap nya ulit ako sakaniya

"Sabihin mo, balit hindi ako makikialam?" Nakipagtitigan rin ako sakanya ng may katagalan bago sumagot

"Dahil wala kang karapatan " ani ko bago hinaglit ang braso ko at nagtungo sa aking kwarto, papasok na ako ng may humablot ulit sa akin at nagulat na lang ako ng may naramdaman akong malambot na bagay sa aking labi

Hindi ako makapalag, hindi ako makagalaw, hindi ako makapagisip hanggang sa pinutol na nya ang halik

"May karapatan ako qez, alam mong may karapatan ako sayo" ani nya at ngumisi bago pumasok sa kanyang kwarto

Talaga bang nangyari iyon? Talaga bang tinawag nya ako sa palayaw na sya lang ang may gawa gawa?

--------

SHORT CHAP

Puro hablot pala

Qez(kez) - gawang palayaw ni zero kay zakaria na sya lang ang may karapatan









Sweet FangsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon