Chapter Eight

1 1 0
                                    


Pagmulat ng mata niya alam niya agad na nasa isa sa mga infirmary room siya. Nang ilibot niya ang mata niya nakita niya si Aina na nakayukong nakaupo sa sofa sa gilid.

"Aina."

Agad itong nagtaas ng tingin ng marinig ang pagtawag niya sa pangalan nito.

"Jared!" Agad itong lumapit sa kanya. "Anong nararamdaman mo?"

"Okay lang ako. Si kuya?"

"Nasa kabilang kwarto nandun si Pierre at Eros."

"S-si K-kevin?" Kinakabahang sabi niya dito.

"Nasa ICU pa siya pero ligtas na siya sa peligro. Iintayin na lang na gumising siya."

"Gusto ko siyang makita." Bumangon siya ng upo at tinanggal ang swero na nakakabit sa kamay niya.

"Wag! Wag ka na muna pumunta dun!"

"No! Kailangan makita ng dalawang mata ko na okay lang siya Aina! Hindi ako mapapakali kapag may nangyari sa kanya!" Galit na sabi niya sabay tayo.

Wala naman itong nagawa kundi ang sumunod sa kanya palabas ng kwarto. Saktong kalalabas lang niya ng kwarto ay siya namang pagbukas ng pinto sa katabing kwarto nila. Lumabas doon ang Kuya Nate niya at si Eros.

"San ka pupunta Jared!"

"I need to see Kevin Kuya." Matigas na sabi niya dito.

"He's fine! Kailangan mong magpahinga." Seryosong sabi nito.

Hindi siya nagpatinag sa itsura ng kapatid dahil ang nasa isip lang niya ngayon ay makita si kevin ay masiguradong ligtas ito.

"No kuya! I have to see him first!" Tinalikuran niya ang kapatid at naglakad na sa direksyon papunta sa ICU.

Wala namang nagawa ang mga ito kundi sumunod sa kanya. Pagdating doon ay nakita niya agad si Kevin. Glass ang pinto at dingding ng ICU kaya kita ang kalagayan ng pasyente sa loob.

"Kevin" umiiyak na bulong niya habang nakahawak sa dingding ng ICU.

"Jared tama na please!" Niyakap siya ni Aina at hinagod ang likod niya.

"Nakita mo na siya Jared bumalik ka na sa kwarto mo."

"No kuya! I want to atleast talk to him!" Mariing sabi niya sa kapatid.

Napabuntonghininga naman ito at sinenyasan ang nurse na nasa loob ng ICU na lumabas muna.

"She wants to go inside." Sabi nito ng makalabas ang nurse.

"Okay maam! Follow me!"

Pagkapasok sa loob ng ICU ay inabutan siya nito ng lab gown at face mask. Ipinatong niya ang lab gown sa suot na damit at isinukbit lang sa isang tenga ang tali ng face mask. Pagkatapos ay nanlalambot na naglakad palapit sa kinahihigaan ni Kevin.

Nanghihinang umupo siya sa upuan sa tabi ng kama nito at tiningnan ang buong katawan nito. May nakakabit na tubo sa bibig nito na siyang tumutulong upang makahinga ito. May monitor din sa gilid nito na nagmomonitor ng heartbeat at bood pressure nito. May nakakabit din ditong dextrose at isang bag ng dugo.

"Kev!" Naiiyak na sabi niya sabay hawak sa kamay nito.

Napalingon siya sa may pinto at nakita niya dun ang Kuya niya si Aina at si Eros. Nasa mata ng kuya niya ang pag-aalala sa kanya ganun din si Aina. Nang makasalubong naman niya ang mga mata ni Eros ay nandoon ang pagtataka.

Mukhang walang nababanggit dito ang kapatid niya. Binaling na ulit niya ang paningin sa kaibigan.

"Kev! Please wake up! Hindi na kumpleto ang tatlong itlog kapag nawala ka."

Make Him fall for MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon