Natatawang napailing na lang si Eros habang sinusundan ng tingin ang babae. Mukhang nahiya ito sa pinaggagawa kagabi."You know my sister?" Nabaling ang tingin niya sa katabi.
"Nope! We just met last night." Kibit balikat na sabi niya dito.
Naging kaibigan niya ito sa America dati ng pumasok ito sa Navy. Sabay silang magtraining doon at naging close dahil parehon may dugong pilipino. Niyaya siya nitong pumasok sa agency nito ng malaman na umalis ma siya sa serbisyo. Naabutan pa siya doon ng kapatid nito pero nanuna din itong umalis doon sa kanya.
"Where?" Takang tanong nito.
"Bar."
"That brat!" Nakadimangot na sabi nito.
"So she's the sister?" Nakataas ang kilay na sabi niya dito naikukwento na nito ito sa kanya. Hindi lang niya alam na ito ang tinutukoy nitong kapatid.
"Yeah! And she's off limits Eros!" Nakasimangot na sabi nito sa kanya.
Nakataas ang dalawang kamay na tumawa siya sa sinabi nito.
"Nah! She's too young for me." Nangingiting sabi niya.
"Good!" Sagot naman nito. Nagpatuloy na sila sa paglabas ng building. Sa labas nila napiling mag-usap dalawa dahil kikitain din nila ang dalawang kapatid nito.
-----*
Hinihingal na huminto siya sa paglalakad ng makalayo sa kuya niya at dun sa lalaki sa bar.
"S-siya yung hinalikan mo kagabi di ba?" Shock pa din na sabi nito sa kanya.
Nang lumingon siya sa paligid ay nalaman niya na nasa hallway sila kung nasaan ang mga quarters. Yes may mga quarters dito para sa mga agent. Dati wala siyang quarters pero ngayon meron na. Nakikisiksik siya sa quarters nila Adam. May dalawa kasing double deck doon at dahil tatlo lang ang mga ito dineklara na ng mga itong kanya ang isa.
Hinila niya ito papasok sa quarters nila.
"Sshhhhh! Wag ka maingay ano ba!" Saway niya dito ng makapasok sila sa loob.
"Anong wag maingay?"
"Ay! Kabayo!" Gulat na napalingon soya sa nagsalita.
Paglingon niya ay nakita niya si Kevin at David na mukhang kakagising lang. Kaya pala hindi sinasagot ni Kevin yung tawag niya tulog pa pala ang hinayupak.
Naupo siya sa gilid ng kama maliit lang ang quarters may dalawang double deck sa magkabilang gilid. May drawer at aparador may maliit din na kusina doon at banyo.
"Nakita niya yung kamomol niya kagabi." Nakangising sabi ni Adam.
Nanlaki naman ang mata nilang tatlo na napalingon dito. Siya sa inis yung dalawa naman sa gulat.
"You mean? Yung may tattoo?" Seryosoong tanong ni Kevin.
"Oo wala naman siyang ibang hinalikan kagabi kung hindi yun lang eh." Kibit balikat na sabi ni Adam bago naupo sa mesa na malapit sa sink walang kwarto sa loob ng kwarters kaya kita agad lahat.
"San nyo nakita?" Curious naman na tanong ni David tumabi pa ito kay Adam sa lamesa. Siya naman ay inubos na lang ang kapeng iniinom buti na lang at hindi natapon kanina.
"Kasama ni Sir Nate kanina."
"Nako! Yare ka Boss! Baka sabihin niya sa kuya mo mga kalokohan mo kagabi." Pananakot naman sa kanya ni David.
"Tse! Aalis na nga ako at ietraining ko pa yung mga newbie." Nakasimangot na sabi niya sa mga ito.
"Late ka na nga eh."
BINABASA MO ANG
Make Him fall for Me
Fiksi UmumIt's her first time to fall in love will it be also the first time she'll get her heart broken?