Nagising siya dahil sa tunog ng cellphone niya na nakacharge sa may bedside table niya."Hello" sagot niya na nakapikit pa ang isang mata.
"Where the hell are you jared?" Galit na boses ng kuya niya ang sumalubong sa kanya.
"Nasa condo bakit ba?" Nakasimangot na sabi niya.
"Do you know what time is it?"
"Hindi! Wala ka bang relo?" Napabangon na siya ng dahil sa inis. Tinawagan lang ba siya nito para tanungin kung anong oras na nababaliw na ba ang kuya niya.
Natigilan siya ng may marealize.
"Fuck!" Sigaw niya at napalingon sa orasan sa bedside table.
7:30am
30 minutes na siyang late sa Officers assembly ngayong araw.
Agad na niyang pinutol ang tawag kahit binubungangaan pa siya ng kuya niya. Dali dali na siyang naligo at nagbihis. Nakasuot siya ng usual get up niya ripped jeans and a gray v-neck shirt nakablack converse shoes lang din siya.
Dahil hindi na siya nakapagblower sa pagmamadali ay hinayaan na lang niyang nakalugay ang kanyang buhok.
Nang makarating sa building ay agad na siyang dumiretso sa training room dahil ayon sa text ng kapatid ay nandoon daw ang mga ito.
Pagkabukas niya ng pinto ay napalingon ang lahat sa kanya. Napangiwi naman siya sa mga ito habang naglalakad at inignora ang nakamamatay na tingin ng kuya niya.
Agad niyang hinanap ang mga pinsan at tumabi sa mga ito. Nakahiwalay ang mga senior officer sa mga junior at newbies.
"Gaga! Bakit ngayon ka lang?" Tanong sa kanya ni Jessa pagkaupo sa tabi nito.
"Late nagising." Nakasimangot na sabi niya at lumingon sa harap. Nakita naman niya agad ang hinahanap ng mata niya. Kausap nito si Gina isa sa mga head ng experiment department. Dahilan kung bakit napasimangot siya nakangiti ang mga ito habang nag-uusap lalong naningkit ang mata niya ng hampasin ng babae ang braso ni Eros.
"Ang landi" Nakangusong bulong niya.
"Sinong malandi?" Nagtataka namang tanong sa kanya ni Jessa. Mukhang narinig nito ang sinabi niya.
"Wala naman." Poker face na sabi niya ng lumingon siya ulit sa pwesto ni Eros ay nakatingin ito sa kanya. Agad niya itong inirapan ang nilingon na lang ang kuya niya na magsasalita sa harap.
Ang assembly na ito ay pagpapakilala sa mga newbie at pagsasabi ng mga achievement ng mga agent. Ipapakilala din ngayon ang magiging bagong trainer nila pati mga bagong missions na on going at mga mission na ipepending.
"Pinakilala na nga pala yung magiging bagong trainer ng mga senior officer." Kinikilig na sabi ni Jessa sa kanya. Kilala na niya kung sino ang tinutukoy nito dahil nabanggit na iyon sa kanya ni Eros kahapon.
"Ang gwapo! Makalaglag panty! Hinawakan nga namin ni Aina yung garter ng panty namin eh!" Kinikilig na sabi nito.
Hindi naman siya nagsalita hindi niya kasi alam kung ano ang irereact sa sinabi ng pinsan niya. Sasabihin ba niyang crush niya ang trainer nila o hahayaan na lang.
Pagkatapos ng assembly ay agad na siyang nagpaalam sa dalawang pinsan na pupunta sa canteen. Dahil hindi siya nakapag almusal bago pumunta doon.
Pero bago siya makalabas ay nilapitan na siya agad ng tatlong itlog.
"San ka pupunta boss?" Tanong sa kanya ni Kevin na sumasabay sa pglakad niya. Nasa kaliwa naman niya si Adam at David.
"Sa canteen nagugutom na ako eh." Nakasimangot na sabi niya. Naiisip pa din kasi niya yung mga ngiti ni Eros kay Gina at ang paghampas ng babae sa braso nito.
BINABASA MO ANG
Make Him fall for Me
Fiksi UmumIt's her first time to fall in love will it be also the first time she'll get her heart broken?