Nakarating na sila't lahat sa canteen pero wala pa din siya sa mood. Nakikita niya sa peripheral vision niya ang pagsisikuhan ng tatlo."Ikaw na!"
"Ikaw na! Mas close kayo di ba?"
"Mas close kayo!"
"Tumigil na nga kayo! Ano ba yun?" Nakakunot ang noong tanong niya sa mga ito.
"Ah! Kase akala namin gutom ka? Di mo pa nagagalaw yung pagkain mo boss." Kamot ulong sabi ni Kevin sa kanya.
"May kuto ba kayong tatlo?" Tanong niya sa mga ito sabay dampot sa clubhouse sandwich na nasa plato niya.
"Wala boss ah! Kadiri ka naman!" Nakangiwing sabi ni Adam.
"Whatever! Sino nga pala bagong trainer nyo? Junior na kayo di ba?" Tanong niya sa mga ito.
"Si Aina myloves boss." Nakangising sabi ni David na nakatingin pa sa malayo na akala mo nangangarap.
"Aina Myloves ka jan? Tigilan mo pinsan ko baka maisako kita." Banta niya dito.
"Boss naman! Hanggang pangarap na nga lang ako eh. Grabe naman kase pinsan mong yun boss! Daig ko pa may ketong!" Nakasimangot na sabi nito.
"Bakit?"
"Pano lalapit pa lang ako iiwas na agad ni ayaw madikit saken? Sila Adam at Kevin naman kinakausap niya. Sa gwapo kong to? Ha!"
"Talaga? Chika yan ah!" Nakangising sabi niya.
"Ngumiti ka na boss!" Gulat na sabi ng tatlo.
"Kelangan sabay sabay?" Nakangiwing sabi ko sa kanila.
"Wala bang inutos sa inyo ngayon?" Nagtatakang tanong niya sa mga ito.
"Wala naman boss may training lang kami mamayang hapon." Sagot ni Kevin na pinagpatuloy na ang pagkain.
"May mission kasi kami boss kami lang tatlo." Pagkasabi nito nun ay napansin niya si Adam na may ibang tinitingnan at mahigpit ang hawak sa tinidor. Nang sundan niya ang tinitingnan nito nakita niya ang pinsan niyang si Jessa na nakikipag tawanan sa isang senior officer.
"Huy! Patayin na ba naten si Ian?" Tanong niya dito.
"Papatayin ko talaga siya! May pahawak hawak pa siya sa kamay! Ako nga hindi pa nakakahawak sa kamay eh!" Wala sa sariling sagot nito sa kanya.
"Talaga ba?" Seryosong sabi niya dito.
Parang narealize naman nito ang sinabi at napalingon sa kanya. Napangiwi ito ng makitang seryoso ang mukha niyang nakatingin dito.
"Hule!" Mahinang sabi naman ni Kevin sa tabi niya.
"Sabihin nyo nga saken ikaw David may gusto kay Aina at ikaw may gusto kay jessa? Ikaw naman Kevin?" Nakataas ang kilay na tanong niya dito.
"Wala boss!" Seryosong sabi nito bago umiwas ng tingin sa kanya.
"Talaga?"
"Wala daw pre oh?"
"Ano yun?" Tanong niya kay Adam at David na nagtatawanan na pabilog kasi ang mesa nila nasa kanan ko si Kevin at sa kaliwa naman si Adam na katabi si David.
"Wala boss! Tara sa quarters na lang tayo tambay boss." Yaya ni Kevin sa kanya.
"Tara nuod tayo movie sa tablet mo may bago kang dinownload di ba?" Tanong niya dito at inubos ang club house sandwich niya.
"Sama naman kami jan! Panood din kami." Sabi naman ni David na nakatayo na.
"Okay! Iconnect na lang naten sa TV." At nagsipagalisan na sila sa canteen.
BINABASA MO ANG
Make Him fall for Me
Fiksi UmumIt's her first time to fall in love will it be also the first time she'll get her heart broken?