Catherine's POV
Nandito parin ako sa rooftop nag-iisip, nagtatanong, at naghahanap ng sagot sa mga bakit.
Bakit nga ba ako umiiyak?
Bakit ko nga ba sya iniyakan?
Ano bang nangyayari sakin?
Sino ba sya?
Ano ba sya?
Ano nga ba sya sa buhay ko?
Bakit kailangan kong maramdaman to?
Ito yung unang beses na nagkaganito ako at hindi ko alam kung bakit ganun ang nireact ng katawan ko.
Ngayon palang naman kami nagkita pero bakit ganon?
Bakit parang matagal ko na syang kilala? Pero hindi e napaka-imposible naman non.
Siguro nga emotional lang ako at ngayon ko lang naranasan na may gumanon sakin pero grabe talaga nakakahiya
Nag-stay muna ako dito ng hanggang sa mahimasmasan ako.
Mga 30 minutes siguro ang tinagal ko sa rooftop saka ako umalis
Habang naglalakad ako pabalik sa room namin di ko parin maiwasang isipin ang mga nangyari kanina. Ilang oras palang ang lumilipas ngunit parang napakadami ng nangyari, oo madami ng nangyari at hindi ko alam kung ano pa ang mga kasunod na mangyayari.
Di ko na alam kung anong gagawin ko, ang hirap ng walang kaibigan at walang kakilala sa lugar na'to. Ang hirap kasi hindi ko naman to kabisado saka hindi ko din alam yung mga ugali ng mga makakasama ko dito pwera dun sa dalawang grupong naka-away ko kanina.
Oo, matatawag ko ng away yun. Hanep di ko alam kung paano ako naka-survive kanina don samantalang alam ko sa sarili ko na wala akong laban sakanila.
Lakad lang ako ng lakad hanggang sa may biglang tumapik sakin
"HIIIIIII" sabi nya then nagtatakbo na. Ang weird ha pero di ko na poproblemahin yon
I still have one hour bago yung next class ko, so I decided to go to our cafeteria.
Madami paring naglisawang estudyante sa labas dahil narin sa iba't-ibang schedule ng bawat year level.
Bakit ganon ang weird ng pakiramdam ko?
Parang may mali e kasi kanina pa ak pinagtitinginan ng mga tao saka sila biglang tatawa. Okay what's going on?
Nagulat nalang ako ng may biglang tumulak sakin aray ha masakit yon
"Oopps sorry" sabi nung babaeng tumulak sakin teka ano bang problema nya inaano ko ba sya
"What's your problem?" Tanong ko sakanya then ngumiti lang sya yung ngiting nakakabwiset yung tipong ang sarap nyang sampalin. Ngumiti lang sya saka tumalikod at naglakad palalayo sa kinauupuan ko ngayon.
Ang daming taong nakahingin sakin yung iba natatawa, yung iba naman parang gustong maawa na ewan.
Tumayo ako saka nagpagpag ng damit buti nalang talaga at hindi ako nagpalda ngayon kundi kanina pa ako nabastos.
Wait kanina pa talaga ako nababastos e dahil kanina pa ako napapagtripan. Ano bang ugali ang meron sa mga estudyante dito jusko
Wala na akong pakialam kung matatawa ba sila o maaawa sila, hindi ko kailangan yon.
So pumasok nalang ako sa cafeteria saka ako pumila tas bumili ng pwedeng kainin.
Bumili ako ng isang slice ng blueberry cheesecake at isang Java Chip Coffee.
After kong magbayad naghanap na ako ng pupwede kong maupuan kaso karamihan ay naka-reserved na at yung iba naman ay may naka-upo buti nalang may isang spot akong nakita medyo dulong part na sya pero magandang pwesto naman.
Malapit na ako sa pupuntahan ko ng biglang maghiyawan ang mga tao sa cafeteria montik pa tuloy mahulog yung pagkain ko.
"Oh my gosh ang gwapo talaga nila"
"Kaya nga grabe ang mga asawa ko papalapit na sakin"
"Prince Miguel will you marry me"
"Prince Patrick can you be my boyfriend?"Tuloy-tuloy lang sila sa pagsasalita pero wala akong balak na lumingon at usisain pa kung sino ba yung mga sinasabi nila basta ako malapit na sa pwestong nakita ko
Tatlong hakbang nalang bubunuin ko ng may biglang magsalita mula sa likod ko
"What is this?" Sabi nung isang lalaki di ko alam kung sino sya pero alam kong isa sya sa mga binanggit ng mga babae kanina saka may tinanggal sya mula sa likod ko
Pag-harap ko sakanila nakakunot na noo ang nakita ko sa lalaking nagtanggal ng letter nayon sa likod ko samantalang yung epal na nikko ayun ngiting aso.
Wait saan nga ba galing yun? Teka iisipin ko muna
Naaalala ko na dun yun galing sa lalaking nag-gi sakin kanina tas tinapik ako sa likod. Pasalamat sya at di ko sya namukaan kundi paktay sya sakin.
Di ko na pinansin yung lalaking kumuha ng papel sa likod ko dahil nagugutom na ako.
Dirediretso parin ako sa paglalakad saka ko na nilagay yung tray na may lamang pagkain dun sa pwestong napili ko
Nagtataka ako kung bakit sinundan ako nung apat na lalaking yun. Ano ba stalker ko ba sila?
Nakatayo parin sila don na parang mga tanga at naghihintay. Ano bang gusto ng mga to? Wala na ba silang magawa sa buhay at akong nananahimik dito ay mukhang balak pang guluhin.
"What do you want?" Tanong ko sakanila pero nanatili lang silang tahimik jusko mga pipi ba tong nasa harapan ko? Sayang naman ang gugwapo pa naman nila---- wait what did I said? Omygod!!
Okay wala silang balak magsalita kaya imbis na sayangin ko yung oras ko sakanila ay itinuon ko nalang ang pansin ko sa pagkain ko.
Oppps wait may napansin akong isang glass na naka-ukit dito sa pwestong to.
Ang ang nakalagay ay CASANOVA PRINCE.
What does it mean? Napakiramdaman kong nakatayo parin yung apat na lalaking yun sa gilid ko. Di kaya sila yung nag-mamay-ari ng pwestong to? Ohmygosh I am so dead.
But who are they? Bakit Casanova Prince?
Unti-unti akong lumingon saka ko napansin ang mapaglarong ngiti ni Nikko tapos yung mga inip na itsura ng mga kasama nya
"Wala ka talagang balak umalis jan e no" sabi nung Nikko pero syempre di ako papayag na magpatalo
"Wala. Nakikita mo naman na nauna ako dito diba" sabi ko. Okay sige lang catherine i-push mo pa ng maging miserable yung buhay mo dito
"Can't you see that name" sabi nya ulit saka itinuro yung nakaukit na name nila
"Where? Sorry I can't see" sabi ko myghad what a lame answer
"Okay ganito nalang tutal ayaw mo namang umalis jan. Let's have a deal" sabi nya ulit. Okay if that what he wants I'll go with the flow kala nya naman di ko pa alam kung anong binabalak nya
"Okay" sagot ko
"We'll tell you later just go to our private place" sabi nya saka sya naglapag ng isang papel kung saan nakasulat yung place nila and then umalis na sila samantalang ako naiwang nakatulala dito sa cafeteria
Okay what is he planning to do?
I thought hahamunin nya lang ako then kapag natalo ako lalayas ako dito sa table na'to but I was wrong.
Dapat na ba akong kabahan sa mga nangyayari?
After nilang umalis doon na muling nagsimula ang ingay dito sa cafeteria samu't-saring mga sabi sabi ang naririnig ko more on about me.
Tinapos ko nalang yung pagkain ko then I leave that place
To be continued...
YOU ARE READING
The Casanova Prince and Me
Novela JuvenilDo you believe in love? How about in fate and in destiny? How can be a tragic story will turn out in a beautiful love story? Is there any chance to make this story a happy ending? Or it will it still fall into a sad one? ~~~~~ Copyright 2018 Date st...