Nikko's POV
That girl...
She's different, she's like her...
Simula ng umalis sya ngayon palang ako ulit nakatagpo ng katulad nya and that was that girl.
That girl... she's really something, something that can make me feel the worst feeling .
Bakit nga ba?
Ngayon palang naman kami nagkita pero alam kong kakaiba sya, kakaiba sa lahat ng nakilala kong babae simula ng umalis siya...
Nung nakita ko ang inis na inis nyang mukha hindi ko alam pero parang gusto ko pa sya lalong makita sa ganoong paraan, gusto ko syang inisin, pagtripan, bullyhin but not to the point na sobra-sobra na syempre may respeto parin ako sa babae.
But why do I need to do that thing? Sino ba sya para paglaanan ko ng oras?
I'm not desperate to gain her attention--- coz I'll make sure that she'll do everything just to gain my attention.
Well, nakuha naman na nya pero parang hindi parin.
Alam kong magulo ganon talaga kapag gwapo ang nagkukwento--- scratch that sobrang gwapo pala. Well hindi naman sa pagmamayabang madami talagang nagkakandarapang babae sakin. Sino ba namang hindi diba? Ako lang naman ang isang member ng pinakasikat na banda sa campus actually hindi lang don kundi pati narin sa bansa.
Our band/group is already famous in the Philippines,we call our group as Casanova Prince. Why casanova prince? Simple lang naman ang sagot don, the man who has many lovers, or should I say puro fling lang,flirt kasi kami but we do respect girls naman.
Casanova Prince,ewan di naman talaga kami ang nagpangalan nyan. Actually,there is one person who named our group and it was her.
But past is past. It should be kept as one of my beautiful and tragic memory..
We are now here at our Private place, we used to be here whenever we get bored and if we don't have class.
Kumpleto ang gamit dito actually para na syang bahay, pinasadya ang place para samin dito narin kami nagpapractice ng pagtugtog. Exclusive ang place na'to iilan lang ang nakakapasok at maswerte ang newbie nayon kasi unang araw nya palang dito ay inanyayahan ko na sya agad dito sa place namin.
"Hey bro kanina ka pa seryoso jan, iniisip mo parin ba yung newbie nayon?" Tanong ni Patrick pero di ko sya pinansin
"What are you planning to do? Ilalagay mo na ba sya sa list mo?" Tanong naman ni Miguel ganon din ang ginawa ko sakanya di ko din sya pinansin
Tumingin ako kay kyle baka sakaling pati sya magtanong
"Ikaw wala ka bang itatanong?" Sabi ko kay kyle pero di nya ako sinagot instead nagsalpak sya ng headphones sa tenga nya. That guy napakatino nya talagang kausap kahit kailan
"Para namang di ka na nasanay jan kay kyle" sabi ulit ni Patrick sabagay di ko naman sya masisisi pero nakakabadtrip ngayon tapos sasabayan ka ng barkada mo ng ganon hanep nayan.
"Bahala nga kayo jan" sabi ko sakanila saka ako tumayo at naglakad pero bago ko pa mabuksan ang pintuan may sinabi ulit sila kaya napahinto ako
"San ka naman pupunta?" Tanong ni Miguel
"Sa lugar kung saan may matitinong kausap" sabi ko saka ako tuluyang lumabas ng place namin
Naglakad-lakad ako hanggang sa makarating ako sa secret garden namin. Yes we have secret garden, kaming barkada lang ang nakaka-alam nito since we were kids. Isa to sa tambayan namin sa tuwing inis na inis kami or kung ano pa man.
Nakakarelax kasi ang ambiance ng lugar kaya napili namin na dito pumunta kapag nabubwisit kami or naiinis.
Nakapadaming masasayang memories ang meron sa lugar na'to pero hanggang dun nalang yon at hindi na muling maibabalik pa ang dating saya na meron kami.
Yung saya na kasama namin lagi sila...
~~~~~~~
Kyle's POVThat girl...
Di ko alam kung anong meron sya pero bakit ganito yung nararamdaman ko.
May posibilidad kayang sya iyon?
But I can't see anything na kakaiba sakanya, pwera dun sa scene kanina the way she speaks, I know that they have similarity ganon na ganon kasi but how?
I don't know yet but I need to figure it out.
Sa tagal kong nandito sa Academy ngayon palang ako ulit nakatagpo ng katulad niya...
And that was that girl...
Pero bakit ganon yung reaksyon ni Nikko?
Ngayon ko palang sya ulit nakitang naging interesado sa isang babae, di nya man sabihin pero kilala ko sya at alam ko ang kahinaan nya.
Why? Bakit yung ganon pa sa katulad nya?
Hindi naman sa ayaw ko yung babaeng yun para sakanya kundi para narin mailigtas yung babae nayon sa sakit na maidudulot ni Nikko sakanya.
Bakit ko nasasabi yung ganitong bagay?
Simple lang naman kasi alam ko na hanggang ngayon nag-iisang babae lang yung laman ng puso ni Nikko at siya yun.
Simula nung umalis sya never na namin syang sinama sa usapan kasi madalas nawawala sa mood si Nikko sa tuwing mababanggit yung pangalan nya.
Madalas syang umiinom every time na may nakakabanggit ng pangalan nya at sa tuwing naiisip nya ito.
Malaki ang pinagbago nya nung umalis sya, bumalik sya sa dating Nikko na loko-loko. Wala naman kaming ibang magawa kundi ang suportahan nalang sya at maging palaging nandito para sakanya.
Naging malaki ang epekto non sa banda halos ilang buwan kaming hindi tumutugtog nang dahil sa nangyari sakanila. Halos mapabayaan narin nya yung sarili nya non, gabi-gabi kaming nasa bar sinasamahan sya, different girls ang dine-date nya, lahat nalang ng katarantaduhan nya dati bumalik simula nung naghiwalay sila.
Malungkot isipin na nagkaganon ang kaibigan mo ng dahil lang sa isang tao. Pero hindi ko naman sya masisisi dahil minsan narin akong nawalan pero hanggang ngayon ay umaasa parin ako na buhay pa sya sapagkat may isang bagay akong pinanghahawakan na hindi ko nakita sa bangkay nung natagpuang babae.
Isang bagay na sobrang mahalaga saming dalawa, isang bagay na never namin kinakalimutang isuot, at isang bagay na hindi nakita doon sa bangkay.
Kahit anong pilit ko wala narin akong nagawa lumabas na sa DNA test na sya yun pero hindi ako naniniwala dahila alam ko sa sarili ko at sinasabk din ng puso ko na buhay pa sya.
At hindi ako titigil hangga't hindi ko pa natatagpuan ang babaeng minamahal ko.
Magpapatuloy ako sa paghahanap, kahit na buong mundo pa ang kumalaban sakin wala akong pakialam basta't hahanapin ko sya at ibabalik ko sya sa lugar at buhay kung saan sya nararapat.
May isa na akong clue pero hindi pa iyon sapat para mag-conclude na ako,I need more time and more clues about her.
At ngayon mas nararamdaman ko na malapit na kaming magkasamang muli.
Patricia pangako hinding-hindi ako susuko sayo,hahanapin kita kahit saang lugar ka man naroroon at kahit na anong mangyari...
YOU ARE READING
The Casanova Prince and Me
Teen FictionDo you believe in love? How about in fate and in destiny? How can be a tragic story will turn out in a beautiful love story? Is there any chance to make this story a happy ending? Or it will it still fall into a sad one? ~~~~~ Copyright 2018 Date st...