I'm sorry
"Sometimes, after being chased, you get to be the chaser after all"
-AnonymousLuna
"Ayaw ko nga sabi eh! Kuya naman, gabi na oh!" reklamo ko kay Kuya na ngayon ay nagre-ready na nang mga cd dahil magmo-movie marathon kami ngayong gabi. Isang araw na ang lumipas simula nung gabing itinaboy na niya ako.
And I admit, bigla ko rin naman siyang nakalimutan, nakakatulog na rin ako nang maayos dahil hindi ko na rin siya binabantayan na lumabas.
Let him be, he doesn't want to be friends with me so bakit ko pa ipagsiksikan ang sarili ko sakanya? Tss. Marami pang lalaki jan sa tabi-tabi.
"Bunso naman, ngayon ka nga lang namin inutusan tas magtatamad ka pa? Dalian mo nalang para makapanood na tayo" paliwanag sakin ni Kuya kaya napangalumbaba nalang ako, kinuha ang jacket ko tsaka ako lumabas nang bahay.
Time check 10 pm. Oo, gabi na nga, magdamag kaming manonood mamaya. At nautusan pa ako nang magaling kong Kuya na bumili nang chips sa malapit na 24/7 mart.
Nang makalabas ako ay napatingin pa ako sa may bench. Huh! Kala mo kung sinong mabait dahil sa boses, ang sama naman nang ugali!
Napairap nalang ako at dumiretso na sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa may destinasyon ko. Pumasok na ako sa loob, at nag ikot ikot habang pumipili nang mga gusto kong pagkain. Bahala na sina Kuya haha. Ang sabi naman nila, kung ano yung bibilhin ko yun naman ang kakainin nila so yeah.
Nang makarating ako,sa counter ay bigla akong nakaramdaman na parang may tumitingin sakin galing sa labas sa peripheral view ko pero well, kampante naman ako dahil malapit lang naman ang bahay dito.
Pagkatapos kong magbayad ay lumabas na ako nang bilihan pero nagulat ako na pagkalabas ko ay may biglang humila sakin papunta sa madilim na parte, na nasa kabilang side nang mart.
Lumakas bigla ang tibok nang puso ko atsaka bigla akong kinabahan. Lord, tulungan niyo po ako. Nanlaki ang mga mata ko nang naramdaman kong dumikit na ang katawan ko sa may semento, shocks, nakayuko parin ang taong may black na hoodie at sa pagtingala niya ay nakita ko na naman siya
Nagtama ang mga paningin namin saka bigla nalang bumilis ang tibok nang puso ko. Ghad, eto na naman tong nararamdaman ko, hindi na mapakali.
"Ikaw na naman?! Akala mo ayaw mo kong makita?" inis na tanong ko sakanya. "At bakit kailangan mo pa ko dalhin dito eh alam mo namang madilim dito" dagdag ko pa. Napayuko muna siya at napabuntong hininga bago niya ibinalik ang tingin niya sakin.
"I—" panimula niya pero parang hindi siya mapakali na parang may gusto siyang sabihin pero ayaw niyang sabihin. Ano daw?
"I'm—aish" napakamot pa siya sa batok niya pagkatapos niyang sinabi yun kaya napakunot nalang ang noo ko sakanya.
"Kung ano man yang gusto mong sabihin, bilisan mo dahil may gagawin pa ako" sabi ko sakanya pero nanatili lang siyang parang hindi mapakali kaya napahinga nalang ako nang malalim.
"Kung wala kang sasabihin, aalis na ako" sabi ko sakanya at tinalikuran na siya pero bigla kong naramdaman ang paghawak niya nang kamay ko at mas nagulat pa ako nang bigla niya akong niyakap. Syet. Pwede na bang kiligin ngayon?
"I'm s–orry" nauutal na bulong niya sakin habang nakayakap parin siya. Napangiti nalang ako at napakalas sa yakap niya. "It's fine" sabi ko sakanya.
"Yun lang ba? I accept your apology, so pwede na ba akong umalis?" dagdag na tanong ko habang nakangiti sakanya sabay turo nang daan papunta sa bahay."Night. Night Eleazer Cruz" sabay lahad niya nang kamay niya na tinanggap ko naman agad.
His name suits him, ang dark nang aura niya, he has that cold vibe like the night sky but still, he shines because of the stars that surround him and I think ang mga bituin na iyon ay ang mga mata niya, at ang boses niyang napakagandang pakinggan.
"Luna Ceil Santos" nakangiting sambit ko saka binitawan ko na rin ang kamay niya.
"Tara, samahan na kita" nakangiti rin niyang sambit sakin at nauna na siyang naglakad. Syet. Mga bes, ngumiti siya, ngumiti siya sakin!
Ngayon lang toh nangyari mga bes! Ang gwapo gwapo niya talaga. Sobra! Napangiti ako at napatalon pa nang nauna na siyang naglakad at nakatalikod siya sakin. Feel ko ang swerte swerte ko ngayon kasi pucha, ngumiti siya! NGUMITI SIYA! GOSH!
"Uy sandali!" at sinabayan ko siya sa paglalakad papasok na nang subdivision. "Try mong ngumiti palagi, mas pogi ka kapag nakangiti" puri ko sakanya habang nakatingin sa malayo at patuloy na naglalakad.
Napatawa lang siya nang mahina sa sinabi ko. Damn, bakit ang hot nang tawa niya? "Ayan! Tumawa ka na rin!" masiglang sabi ko tapos napahinto kaming dalawa at napatawa siya ulit.
"Binobola mo ba ako Luna?" natatawang tanong niya sakin. Napailing naman ako.
"Hey, I don't do bola-bola you know" birong sabi ko sakanya kaya napatawa nalang kaming dalawa at bigla ring tumahimik ang paligid.
"Pero seryoso talaga, palagi ka kasing walang modo eh dapat masaya ka" sabi ko sakanya at nagsimulang naglakad ulit pero nanatili lang siyang nakatayo sa pwesto namin kanina habang nakangiting tinitignan ako.
Ang ngiti niya talaga! Nakakalaglag panty yun!
"Tara na!" napalingon pa ako sakanya at inaya siya kaya nagsimula na rin siyang maglakad habang nakapamulsa siya.
Nang napaharap ako ay may bigla akong nabangga dahilan para mawala ang balanse ko at natumba ako nang wala sa oras at malaglag ko ang mga dala ko.
"Luna!" rinig kong sigaw niya, mabuti nalang nga at hindi naman ganun kasakit yung impact nang pagkabangga ko kaya hindi din masyadong masakit yung pagkadapa ko.
"Okay ka lang?" tanong niya nang nakaupo na ako, napaluhod din siya saka ako tinanong.
"Uhm oo, hindi naman masyadong masakit" sabi ko at agad niya akong tinulungan na tumayo. Pinagpag ko muna ang damit ko at agad na hinanap ang mga dala dala kong plastic kanina.
"Miss yung dala mo pa—Luna?" hindi na niya agad natapos ang sasabihin niya nang biglang mapatingin saakin ang nakabangga ko kanina.
Nanlaki rin ang mga mata ko nang makita ko kung sino. Seryoso? Ngayon ko pa talaga siya makikita ulit? At sa ganitong sitwasyon pa?
"Magkakilala kayo?" tanong samin ni Night at nagpalipat lipat nang tingin saming dalawa.
"Uhm Hi?" awkward na sambit ko.
Matagal na simula nung iwan niya ako, and damn, I can say he's still the same guy I fell in love with.
Ang kausap ko ngayon, ay ang unang lalaking nang-iwan sakin. Yup, my first ex.
***
BINABASA MO ANG
A Miracle in December (Completed)
RomansAll Luna Ceil Santos had wanted was to have her own happily ever after when her fifth boyfriend broke up with her. All she wanted was to have someone to love her forever, and at the eve of December 24, she made a wish. And after that wish, that was...