Miracle: Five

667 8 5
                                    

Chaos

"When you get to let go, a new door will be opening for you, a new door for the new chapter and beggining of your life"

-Anonymous

Luna


"Let's stop this" aniya at saka binitawan ang kamay ko. Biglang bumagsak ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan. Napahagulgol ako sa iyak pero wala akong magawa kundi ang yumuko nalang para hindi ko maipakita sakanya na nasasaktan ako nang sobra sa ginawa niya.

"I still love h—"

"Stop. Please, wag mo nang ipamukha sakin na panakip butas ako na hindi gumana sayo. Tama na" pagpipigil ko sakanya habang umiiyak parin.

He courted me, and he thought I would change his mind, akala niya matutunan na rin niyang mahalin ako dahil nagustuhan niya ako. But it was purely infatuation. Hindi niya ako kayang mahalin dahil hanggang ngayon may parte pa rin ang ex niya sa puso niya.

And I can't change that fact right now. I need to accept everything, kahit ikakasakit lang toh nang damdamin ko.

I feel so bad for myself, I feel like I'm worthless, a piece of trash.

"Don't cry" bigla niyang hinawakan ko ang chin ko at nagpantay ang mga paningin naming dalawa. He smiled at me and he kissed my forehead.

"I will always cherish those memories with you Ceil, but for now, let's stop this and I'm so sorry" huling sabi niya at tinalikuran na niya ako. Napahikbi ulit ako. First love, first heartbreak, I can say it's the worst experience.

But I know Chaos will always be somewhat a part of me.

"Kamusta ka na?" napabalik ako sa realidad nang nagtanong siya sakin habang isa isang binibigay ang mga plastic na nalaglag ko kanina. Napangiti nalang ako nang mapait sakanya bago siya sagutin.

"Humihinga pa rin naman" biro ko at narinig kong tinawanan niya ako nang mahina. Tumayo ulit siya nang tuwid pagkatapos niyang ilahad sakin ang mga dala ko at tinignan niya si Night.

"Boyfriend mo?" tanong niya sakin. Sasagot na sana ako nang naunahan ako ni Night na ikinagulat ko naman.

"Oo, boyfriend niya ako" agad niya  akong hinila at inakbayan kaga napatingin nalang ako na nanlalaki ang mga mata sakanya. Seryoso siya?

"Mukhang gabi na rin naman, kailangan ko nang umalis, it's nice to see you again Luna" paalam niya kaya napawave nalang ako at nilampasan na rin namin siya.

Nang makalayo na kami sakanya ay agad kong kinuha ang kamay ni Night na nakaakbay pa sakin. "What?" inis na tanong niya sakin. Ayan na naman siya, nagsisimula na namang magalit yung lolo niyong mainitin.

"At bakit mo naman ginawa yun?" tanong ko sakanya at napacross arms pa. Napairap naman siya sakin muna bago magsalita.

Ewan ko ba, pero parang babae talaga ang asal nitong si Night kapag gusto niyang magtaray, may pa irap-irap pa siya di naman bagay -_-

"Aba ewan ko, tsaka ayaw mo pa non? Ako yung boyfriend mo? Tss" sagot niya sakin at nagsimula na siyang maglakad na nakapamulsa.

Ang hangin naman pala niya, napakayabang kala mo kung sino. Hmp.

A Miracle in December (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon