Chapter 4

1.2K 28 4
                                    

Habang sumusubo ako ng pagkain, napapatulala na ako sa sobrang kakaisip ng mga bagay na may kinalaman sa nangyari kagabi.

"Paano kaya kung may malay siya noong mga oras na hinalikan ko siya? Paano kung umalis pala siya at naghanap ng bagong boarding house? Paano kung sumbatan niya ako pagbalik niya? Paano kung sapakin niya ako?" Ang mga katanungang gumugulo sa isip ko.

"ANJO!!!" Ang panggulat na sabi ni Matteo sa akin sabay pindot sa kiliti sa kaliwang beywang ko.

Parang lumabas ang kaluluwa sa katawan ko sa pagkagulat. Hindi ako makapagsalita, napapaluha ako ng kaunti at napapapalo ako sa dibdib ko nang malunok ko ng buo ang malaking piraso ng kalabasa na sahog sa ulam kong pakbet.

"Oh, easy lang!" Ang sabi ni Matteo na halata namang pinipigilan ang pagtawa habang hinihimas ang likod ko.

Patuloy ko pa ring pinapalo ang dibdib ko pero hindi talaga bumababa sa tiyan ko ang malaking piraso ng kalabasa. Naramdaman kong medyo kinakapos na ako ng hangin dahil sa barado ang lalamunan ko. Agad na akong tumayo at kumuha ng service water malapit sa counter. Naubos kong inumin ang isang baso ng tubig, agad namang natanggal ang bara sa lalamunan ko. Napabuntong-hininga na lang ako pagkatapos noon.

Hindi naman ako nagulat sa boses at sa pagkiliti ni Matteo. Nagulat ako dahil hindi ako nakabwelo at hindi ko namalayang nandoon na pala siya sa tabi ko. Kaya nanatili pa ako ng ilang segundo sa harap ng water jug at napadasal ng wala sa oras.

"Lord, nandito na po si Matteo. Ikaw na po bahala sa akin at sa mga susunod na pangyayari," ang pabulong na dasal ko habang nakapikit ang mga mata.

Nagdala ako ng isang baso ng tubig at agad na akong bumalik sa mesa kung saan ako umuupo. Nakita kong tawang-tawa si Matteo sa ginawa niya sa akin.

"Arg! Nanggigil ako sa'yo Matteo! Sakit din kaya sa dibdib yung ginawa mo. Kung hindi lang kita gusto, nabatukan na kita kanina pa," ang sabi ko sa sarili ko na may konting inis.

Umupo na ako.

"Aba! Tawang-tawa ka pa talaga 'no? Muntik na akong mamatay kanina. Gago! Sakit kaya sa dibdib ang mabulunan," ang inis na sabi ko.

"Haha. Sorry, Anjo! Di ko naman alam na mangyayari 'yon," ang sabi niya habang pinipigilang matawa.

"Haha. Gago ka ba? Batukan kita jan eh," ang sabi ko na medyo nahawa na rin sa tawa niya.

Maya-maya'y dumating si Iris at lumapit sa amin at umupo sa upuang nasa tapat ko.

"Uy, Matteo! Hi, Anjo! Buti naman nakita ko kayo," ang pabebeng sabi niya.

"Naku! Heto nanaman ang impaktang 'to. Hala, sige! Pabebe pa! Tang ina!" Ang sabi ko sa sarili ko na inis na inis sa kanya.

"Uy. Hi, Iris! Di ka man lang nagsabi na pupunta ka ah," ang sabi ni Matteo sa kanya.

"Hindi na. Dumaan lang naman ako para magbigay ng regalo sa inyo eh," ang pabebeng sagot niya kay Matteo.

Binuksan niya ang dala niyang supot at ipinalabas ang dalawang maliit na box na parang lalagyan ng necklace. Binuksan niya ang isang box at kinuha niya ang laman nito. Nakita ko ang isang dogtag na may silver na singsing na nakakabit sa necklace.

"Wow, Iris! Ito na ba ang kwintas na gusto kong bilhin?" Ang sabi niya na parang hindi makapaniwala.

"Oo. Yan nga. Nagustohan mo ba? Sige. Isuot mo na," ang pabebeng sagot niya kay Matteo.

"Oo naman! Alam mo namang gustong-gusto ko 'tong bilhin dati pa. Maraming salamat ha?" Ang sabi ni Matteo na lubos na natutuwa.

"Walang anuman, Matteo. At syempre meron din para sa'yo, Anjo," ang pabebeng sabi niya sabay kuha ng natitirang maliit na box at lumipat sa bakanteng upuan sa gilid ko.

TOL ( The Only Love )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon