Chapter 6

1.1K 19 4
                                    

Tumahimik kaming dalawa habang nagkakatitigan sa mata ng isa't-isa. Nagniningning ang kanyang mga mata at nababasa ko doon ang sinasabi ng kanyang puso -- na mahal niya ako.



"Mahal kita, Matteo! Ah.. Tol pala," ang sabi ko sa kanya habang nakatitig sa mga mata niya na dala pa rin ang malaking ngiti.



Napangisi na lang siya at agad na hinawakan ang mga pisngi ko ng kanyang mga kamay.



"Mahal din kita, Tol!" Ang sabi niya sa akin habang nakatitig din sa mga mata ko nang nakangiti.



Dahan-dahang naglapit ang mga mukha namin. Nang magkadampihan na ang aming mga ilong ay sabay kaming pumikit ng aming mga mata. Mas lumapit pa ang mga mukha namin hanggang sa nagkadampihan na ang aming mga labi. Naghalikan kami gamit ang Torrid kiss. Nagtagal iyon ng mga ilang segundo.



Matapos iyon ay idinilat namin ang aming mga mata.



"Mas magaling kang humalik ngayon kumpara kagabi. Haha," ang pabirong sabi niya sa akin.



Hindi na ako natakot o nakaramdam ng kaba nang marinig ko iyon. Total alam ko namang kami na rin officially.



"Ay P*ta! Haha. Alam mo pala yun?" Ang natatawang sagot ko sa kanya.



"Oo naman! Haha. Isinandal ko pa nga ulo ko sa'yo bago ka magsimulang humilik ng malakas," ang biro niya.



"Haha. Adik ka talaga!" Ang sabi ko sa kanya habang natatawa at agad na inilagay ang mga kamay ko sa balikat niya na parang bahagya ko siyang niyayakap.



Idinampi niya ang mga labi niya sa labi ko na parang ninakawan ako ng halik.



"Ni hindi mo nga naramdamang binuhat kita sa kama at hinalikan ng parang ganon," ang sabi niya sa akin ng naka ngiti.



"Kaya pala nagising na ako sa kama. Haha. At kelan ka pa natutong magnakaw ng halik sakin? Ha?" Ang sabi ko sa kanya habang hinahagod pakaliwa at pakanan ang ilong ko sa ilong niya at habang napapakagat-labi siya.



"Kagabi lang!" Ang sagot niya habang nilalagay ang kamay niya sa likod ko na parang bahagya rin niya akong niyayakap at hinalikan niya ako.



Nakatabingi ang mga ulo namin sa kanan habang nakapikit kami. Naghalikan kami ng naghalikan. Hinahalikan niya ang lower lip ko habang ako naman ay hinahalikan ang upper lip niya. Itinabingi namin sa kaliwa ang mga ulo namin at nagpatuloy pa ring naghalikan.



Hinila niya ako papunta sa kama. Patuloy kaming naghalikan habang nakaupo. Pagsamantalang huminto ang aming halikan nang sinimulan kong hubarin ang t-shirt ko. Agad namang nagpatuloy ang aming halikan. Ibinuka ko ang bibig ko at ipinasok ang dila ko sa bibig niya. Pinaglaruan ko ang dila niya gamit ang dila ko ng mga ilang segundo. Pagkatapos noon ay patuloy pa rin kaming naghalikan. Hinaplos ko ang mga kamay ko mula sa likod ng kanyang tenga, pababa sa leeg at papunta sa lalamunan niya. Kahit na nakapikit ay kinapa ko ang botones ng kanyang polo at agad na binuksan iyon mula taas hanggang baba. Nang bukas na ang lahat ng botones ng polo niya, agad ko iyong hinubad at tinapon sa sahig. Naudlot ang paghahalikan namin nang itinulak ko siya sa kama at nakahiga siya sa aking unan.



Nakatitig lang kami sa isa't-isa at pareho kaming hinihingal ng konti sa mga oras na iyon. Nakikita kong namumula ang mga pisngi niya pati na rin ang dibdib niya. Patunay iyon na nanginginit ang buong katawan niya. Humiga ako sa itaas ng katawan niya. Ramdam na ramdam kong mainit ang katawan niya at ganoon din sa akin. Medyo pinagpapawisan na kaming dalawa sa init na nararamdaman namin.



"Virgin ka pa 'no?" Ang tanong ko sa kanya na may halong lagkit ang pagtingin ko sa mga mata niya.



Tumango na lang siya at napapakagat-labi naman ako habang nakatitig sa pinkish niyang mga labi.

TOL ( The Only Love )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon