Chapter 5

1.1K 29 2
                                    

"Paano mo nalaman 'yun? Ah.. Alam ko na. Malamang sinabi sa'yo ng boypren mong si Matteo," ang pagsusungit niya.

"Yun nga ang isinadya ko sa'yo ngayon. May dapat akong I-confess sayo," ang sabi ko sa kanya.

Mabuti na lang talaga at pinakinggan pa niya ako.

*Flashback sa MOA*
*Nag-uusap sila Iris at Matteo malapit sa Ice Skating Area tungkol kay Anjo. Kinuwento lahat ni Matteo ang nangyari simula noong araw na nagkakilala sila ni Anjo hanggang sa bago siya umalis sa kwarto papuntang MOA. Nakita ni Iris si Anjo na papalapit sa kanila na parang may hinahanap*

"Matteo? Di ba yan yung Anjo na tinutukoy mo? Ang pogi na niya no? Mas pogi pa kaysa dati," ang sabi ko kay Matteo sabay turo sa direksyon kung saan naroroon si Anjo.

Napatingin siya doon.

"Ah. Oo. Bakit kaya siya nandito?" Ang pagtataka ni Matteo habang hindi mapigilang ngumiti.

"Matteo, ang ganda ng ngiti mo ah. Gusto mo bang malaman kung may gusto din siya sa'yo?" Ang tanong ko sa kanya.

"Oo naman! Pero paano?" Ang sagot niya sa akin.

"Paselosin natin," ang sagot ko sa kanya sabay kindat.

"Luh? Di ako magaling umakting. Hindi ako kagaya mo na miyembro ng Theater Arts simula 1st year," ang sagot niya.

"Oks lang yun! Sumabay ka na lang. Ito naman! Parang hindi naging tayo noon. Isipin mo na lang ang mga panahon na gerlpren mo pa ako," ang sabi ko sa kanya.

*Cut Flashback*
*Back to Present*

"Ah.. So mag ex kayo ni Matteo? Pinilit mo pa siyang magpanggap kayo na magjowa. Ngayon, paano mo ako mapapaniwalang wala ka nang gusto kay Matteo?" Ang usisa niya sa akin.

"Patapusin mo muna kasi ako. Ano ba? Chaka naman nito," ang pabirong sabi ko sa kanya.

*Continue Flashback*

"Ito nga pala si Iris, gerlpren ko," ang sabi ni Matteo kay Anjo.

Siniko ko ng mahina ang gilid ni Matteo.

"Ang kyut mo talaga kapag sinasabi mo 'yan!" Ang sabi ko sabay kurot sa pisngi ni Matteo.

*Fast Forward Flashback*

"By the way. May lakad pa ako this afternoon eh. Tutuloy na ako, Matteo. Importante kasi iyon," ang pabebeng sabi ko kay Matteo.

*End of Flashback*
*Back to Present*

"Siniko ko siya noon kasi biglang nag-iba ang expression ng mukha mo at halatang nagseselos ka. Agad ko namang kinurot ang pisngi niya kasi napansin kong napapatulala na siya sa'yo. Naging supportive pa nga ako sa inyo dahil umalis ako kaagad para masolo niyo ang oras niyo at dahil may imemeet pa akong kachat ko," ang paliwanag ko sa kanya.

"Sinasabi mo bang may gusto din si Matteo sa akin? Tss. Nagpapatawa ka ba? Hindi mangyayari yun. Kaibigan lang ang turing niya sa akin," ang pagsasalungat niya sa akin at agad na nagwalk out.

Sinundan ko siya kahit mabilis ang lakad niya. Pinipilit kong habulin siya kahit na naka heels ako.

"Sandali, Anjo! Makinig ka sa akin! Alam ko, hindi ka naniniwala sa akin. Pero isipin mo, paano kaya nalaman ni Matteo na dito kita mahahanap?" Ang sabi ko sa kanya na habang nagmamadali sa paglalakad.

Napatigil siya at humarap sa akin. Timigil din ako at nahingal sa kakahabol sa kanya. Alam kong hindi niya alam ang sagot doon. Kaya alam ko rin na napapaisip na siya sa mga oras na ito.

TOL ( The Only Love )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon