Chapter 3

1.2K 35 0
                                    

Nang buksan ko ang messages ko, nakita ko ang pangalan ni Julian. Hindi ko pa pala siya narereplyan simula noong nangyari sa MOA at hindi rin siya nagparamdam mula noon.

Itinext ko siya.

"Bes? Kamusta? Tagal mo ring di nagpaparamdam ah. Nyare ba?" Ang laman ng text na sinend ko sa kanya.

Ibinulsa ko na agad yung phone ko. Bumalik na rin si Matteo.

"Tol? Anjo? Aalis na muna ako. Tumawag kasi mama. Nakapagtransfer na daw siya ng pera sa ATM ko. Magwiwidraw lang ako," ang sabi niya sa akin.

"Ha? Mama? Akala ko ba GF mo yung tumawag?" Ang usisa ko sa kanya.

"Luh?! Sinong may sabi?" Ang pagtataka niya.

"Eh. Nakita ko pangalan sa phone mo. Nakalagay 'GF' ," ang sagot ko sa kanya.

"Ah. Yun ba? Hindi! Abbreviation lang ng pangalan niya yun. "Ginzu Fu" kasi full name ng nama ko sa Chinese. G yung middle initial ko kasi Ginzu apilyedo ng mama ko. Diaz lang dinadala kong apilyedo para sa alaala ni papa," ang paliwanag niya.

"Ha? Eh.. Yung..," ang sabi ko na lubhang naguguluhan sa sinabi niya.

"Basta! Mahabang istorya. Sige na. Aalis na ako. Sa'yo na rin yang saging ko. Alam kong paborito mo 'yan," ang sabi niya at agad na umalis.

"Wow! Sige. Gusto ko 'yan! Akin na lang ang saging mo. Waaah!" Ang sabi ko sa likod ng utak ko habang pinipigilang tumawa.

Tinignan ko ulit yung CP ko. Pero hindi nagreply si Julian. Nagpasya na lang akong pumasok sa kwarto at humiga sa kama. Naisipan kong panoorin na lang episode 4 ng sinusubaybayan kong Thai Male to Male Series ang " Sotus " habang hinihintay si Matteo. Pero hindi pa ako umaabot sa kalagitnaan ay nakatulog na ako.

*After 3 hours*

"Anjo? Tol? Gising na! Mag-aalas syete na," ang sabi ng boses ni Matteo habang tinatapik ang balikat ko.

Dinilat ko muna mga mata ko (Syempre.). Nakita ko siyang naka upo sa tabi ko at nakita ko rin na nakapatong sa ibabaw ng mga hita niya ang laptop ko. Napaupo ako sa kaba. Baka kasi nakita niya ang pinapanood kong series.

"Matteo ? Binuksan mo ba laptop ko?" Usisa ko sa kanya na may bagong gising na boses.

"Ah. Hindi. Pinatay ko nga eh. Naka sleep lang kasi. Bakit?" Ang sagot niya sa akin.

"Ah.. Hehe. Wala naman," ang sabi ko sa kanya.

Mabuti na lang talaga. Hindi na niya binuksan. Kung hindi ay baka nalaman na niya sekreto ko at baka lumayo pa siya sa akin.

"Siya nga pala, kumain ka na ba? Tulog ka pa kasi pagdating ko. Hindi na kita ginising. Kaya nauna na lang akong kumain," ang sabi niya.

"Wow ha? Hinintay kita para sabay tayong kakain. Tapos nauna ka na pala? Galing eh!" Ang bulong ko sa sarili ko na may konting tampo.

"Hindi pa eh," ang nasabi ko na lang habang bahagyang kinukusot ang mata ko.

"Ayan! Tamang-tama. Ito oh. Binilhan na kita ng 2 kanin at 1/4 na lechon manok para sa hapunan mo," ang sabi niya nang nakangiti sabay abot ng supot na may lamang kanin at ulam.

"Nako! May pambawi naman pala. At dahil diyan, nawala tampo ko sa'yo. Ahihi," ang bulong ko sa sarili ko na medyo kinikilig.

"Uy! Salamat, Matteo," ang sabi ko sa kanya.

"Walang anuman. Sige na. Kumain ka na muna diyan. Maliligo lang ako. At mamayang alas nwebe ay mag-iinuman tayo," ang sabi niya sa akin sabay kuha ng tuwalya at pumasok sa CR.

TOL ( The Only Love )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon