Chapter 2

1.6K 32 0
                                    

Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Mas bumilis pa ang tibok ng puso ko nang makita ako ni Matteo.

"Uy, tol! Ah.. Anjo pala. Anong ginagawa mo dito?" Ang masayang bati niya sa akin at agad tumayo.

"Ah.. Haaa.. Hi, Matteo! Namamasyal lang din ako. Hehe. Sino pala 'tong kasama mo?" Ang sagot ko sa kanya na pilit tinatago ang awkwardness habang pasimpleng binababa ang telepono.

"Ah. Ay! Oo nga pala, Anjo. Ito nga pala si Iris..," ang sabi niya.

Parang nagslowmotion ang lahat habang pinagmamasdan ko ang pinkish niyang labi at inaabangan ko ang susunod niyang sasabihin. Deep inside, crossed-fingers na ako at paulit-ulit na sinasabi sa sarili ko na sana friends lang sila.

"...Gerl... Pren... Ko... (In slowmotion)," ang nakangiting sabi niya na hinahawakan sa braso ang babae at hinihila papunta sa kanya.

Mahinang siniko ng babae si Matteo. Malamang kinilig na ang p*ta.

"Ang kyut mo talaga kapag sinasabi mo 'yan!" Ang sabi ng babae sabay kurot sa pisngi ni Matteo.

Naramdaman kong uminit bigla yung tenga ko na parang umaakyat ang dugo ko mula sa katawan papuntang ulo. Hindi ko alam ang gagawin pero namumula na talaga tenga ko. Kung hindi lang siya babae parang gusto ko siyang sapakin na parang ewan. Pero pinigilan ko ang sarili ko. Nagpakalma na muna ako.

Base sa nakita ko kay Iris, cute siya. Cute din ng cheeks. Medyo singkit din ang mata. Ang cute mag smile. Hindi masyadong payat, di rin masyadong mataba. Yung tama lang. Tsaka parang mabait din naman. No wonder napahulog niya si Matteo. Kahit ako nga mismo baka nahulog din sa kanya.

"Nako! Nambobola ka na naman, Iris! Siya nga pala si Anjo Keith. Ang sinasabi ko sa'yong roommate ko", ang sabi niya kay Iris na may magandang ngiti.

"Oh! Hi! Ikaw pala ang Anjo Keith na kinukwento ni Matteo kanina pa. Nice to meet you!", ang bati niya sa akin at nagkamayan kami.

"By the way. May lakad pa ako this afternoon eh. Tutuloy na ako, Matteo. Importante kasi iyon," ang pabebe niyang sabi kay Matteo.

Naiirita lang talaga ako sa mga babaeng ganoon. Napaka OA pakinggan. Ang sarap talagang sapakin!

"Edi, sige! Hatid na kita sa labas," ang sabi niya kay Iris.

Maya-maya'y nagtext si Julian.

"Bes, nauna na akong umuwi. Hindi ko kayang panoorin kang nasasaktan diyan. At isa pa may Meet-up pa ako ngayong hapon," ang laman ng text niya.

Hindi ko na muna nireplyan. Tinago ko na muna phone ko sa aking bulsa.

"Nako! Huwag na. Hassle lang 'yan. Samahan mo na lang dito yung kaibigan mo. Magbonding muna kayo. Ok? Alis na ako ha? Bye, Matteo! Bye, Anjo!" Ang pabebe pa ring sabi niya sabay halik sa pingi ni Matteo, bumeso sa pisngi ko at agad na umalis.

Nagbabye na kami sa kanya. Nabalot kaming dalawa sa katahimikan ng ilang segundo. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Hindi ko alam ang irereak ko matapos makilala yung girlfriend niya. Hindi ako makapaniwala na nahulog na naman ako sa isang lalaking hindi para sa akin.

"Kita mo? Ang supportive niya, no? Bonding daw tayo, tol. Ah.. Anjo pala. Hehe. Pero bago yun. Kain muna tayo sa McDonald's. Pero this time, ako naman manlilibre," ang sabi niya nang nakangiti.

Base sa mga ipinakita niya sa akin mula noong kami'y nagkakilala, parang kaibigan lang talaga turing niya sa akin. Kahit pa mapahanggang ngayon. KAIBIGAN lang ako sa kanya. Sana nga ganoon lang kadali magpanggap na kaibigan lang din turing ko sa kanya. Kaya bumabalik na naman ang mga tanong sa aking isipan "hanggang kailan ako mananatiling ganito?" at "kailan ako makakita ng taong talagang para sa akin?"

TOL ( The Only Love )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon