CHAPTER 8
NAG-AALALA si Kreiya kay Sky. Nuong isang araw pa niya ito tini-text pero hindi siya nito niri-reply-yan. Tinawagan na rin niya ito pero hindi nito sinasagot ang mga tawag niya. Nag-aalala na siya baka napano na ang kasintahan.
Kaya naman ng pumasok siya sa ACU kinaumagahan, agad niyang hinanap si Sky. Pumunta siya sa Engineering Department at hinanap doon ang binata. Umakyat siya sa fifth floor at nilukob ng kasayahan ang puso niya ng makita si Sky na nakatingin sa kawalan at parang may malalim na iniisip.
“Sky!” Tawag niya sa pangalan nito, alam niyang narinig siya ng binata pero hindi man lang siya nito pinansin. “Sky!”
Walang buhay na nilingon siya nito. “Yeah?”
Napatigil siya sa paglapit dito. “Okay ka lang?”
“Sa tingin mo?”
“Ahm…” Wala siyang maisagot sa binata. “May problema ka ba?”
Matiim siya nitong tinitigan at walang buhay na ngumiti. “Wala akong problema. Sige, may pasok pa ako.”
Sky left like she’s nothing to him. Sinundan niya ng tingin ang papalayong si Sky na gulong-gulo ang isipan. May problema ba ito? May nagawa ba siyang mali? Bakit ganoon ang inakto nito?
Laglag ang balikat na umalis siya sa Engineering Department at naglakad patungo sa IT Department na lugong-lugo. Wala siya sa sarili hanggang mag-lunch break. Wala siyang natutunan sa mga subjects niya at wala siyang ganang kumain kaya naman nagpagdesisyunan niyang pumunta sa Library para doon magpalipas ng lunch break. Mamaya niya kakausapin si Sky kapag uwian na.
Lugong-lugo siya habang umaakyat patungo sa third floor. Marami kasing estudyante sa first and second floor. Agad siyang humanap ng mauupuan pagkarating sa third floor. Wala naman siyang assignment kaya naman napagpasyahan niyang magbasa nalang ng kahit na anong technology book. Naglalakad siya patungo sa ikatlong shelves ng makarinig ng mahihinang ungol.
Kreiya rolled her eyes then move to second shelves para hindi maka-isturbo. My god! Kahit sa library nagmimilagro? Magpapanggap nalang sana siya na walang narinig nang may narinig naman siyang ungol. Naiinis na naglakad siya patungo sa ikatlong shelves.
“Can you please shut up? Nakaka-isturbo kayo sa nag-aaral!” Aniya sa galit pero mahinang boses.
When the guy who’s kissing the girl faced her, Kreiya heard her heart shattered. Napaatras siya sa pagkabigla. “I-It can’t be...”
“Kung ayaw mong makarinig ng ungol, lumayo ka.” Walang emosyong sabi ni Sky sa kanya na para bang isa lang siyang normal na estudyante na nakakita sa mga ito.
Kinagat niya ang pang-ibabang labi para pigilan ang sariling umiyak. Naninikip ang dibdibd niya dahil sa pagpipigil sa emosyong gustong kumawala.
“A-Anong ibig sabihin nito?” She asked, her voice was trembling.
“Hindi mo alam?” Sky smirked at her. “I just played you. Ikaw naman itong si tanga, naniwala sa’kin.”
Marahas siyang umiling. “No. It can’t be… Y-You s-said you like me—”
“I lied.” Tinitigan siya nito sa mga mata at wala siyang makita na ano mang emosyon doon. “Bakit ko naman magugustuhan ang isang katulad mo? An illegitimate child. A war freak. And the daughter of a whore.” Nanguuyam itong tumawa. “Sa tingin mo ba talaga magkakagusto ako sayo? Asking you to be my girlfriend was just a plan I device to make you pay for slapping me.”
Kinapa niya ang dibdib na parang sasabog na sa sobrang sakit na nararamdaman. Nanginginig ang mga labi niya sa sobrang pagpipigil na hindi umiyak. Pain is spreading throughout her system and she can’t do anything but to fight back the tears that are threatening to spill from her eyes.
Napatingin siya sa babaeng kasama nito at mas dumoble pa ang sakit ng makilala kung sino iyon. It’s none other than Sheena, the conniving bitch!
Hindi niya hahayaang makita ng mga ito na umiyak siya. She won’t breakdown in front of them even though all she wanted to do is cry her heart out.
Kreiya pulled herself together. “Ang ibig bang sabihin nito, our relationship was a fraud?”
“Yes, it is.”
She glared at him. Kung inaasahan nito na iiyak siya, nagkakamali ang gago na ‘to.
She felt a lumped on her thought, it’s suffocating her but she have to fight it. “Good bye then, have a good relationship with that conniving bitch behind your back.”
Akmang lalayo na siya sa mga ito ng may maalala. Mabilis siyang naglakad palapit kay Sky at malakas na sinampal niya ito.
“That’s for lying to me. And this…” She slapped him hard for the second time. “That’s for hurting me, you jerk!” Tinulak niya ito at lakad-takbo ang ginawa niya para makalabas sa library.
Kreiya run as fast as she could towards her car in the parking lot. Nang makapasok sa sasakyan niya, saka lang niya pinakawalan ang luha na kanina pa gustong kumawala sa mga mata niya. Napahagulhul siya ng iyak sa sobrang sakit na nararamdaman. Bakit ba siya nagpaloko sa lalaking yun! Hindi man lang niya napansin na niloloko lang siya nito. Na lahat ng sinabi nito sa kanya ay puro kasinungalingan lang.
‘I really like you, Kreiya. I like you very much.’
Tinutop niya ang bibig at nanghihinang sumandal siya sa likod ng upuan. Kinapa niya ang dibdib kung nasaan ang puso niya.
“Tama na. Please?” She said to herself. “Kaya mo yan, heart. Malakas tayong dalawa.” Aniya sa garalgal na boses. “Kaya natin ‘to.”
She dried her tears. Pinilit niya ang sarili na hindi na umiyak. He’s not worth her tears. Nilabanan niya ang luha na gusto na namang lumabas sa mga mata niya. No! Hindi na ako iiyak. Sapat na ang luha na lumabas sa mga mata ko para sa lalaking yun.
He’s a piece of shit.
Her heart was shattered into tiny pieces because of him and all she could do is curse Sky to the depths of hell. Curse the jerk who stole her heart!
BINABASA MO ANG
ACE CENTREX UNIVERSITY 2: The Jerk Who Stole Her Heart [To Be Published]
JugendliteraturSky is Kreiya’s nemesis, well, in Kreiya’s point of view that is. There’s something about Sky that she dislike. From the way he carry and present himself to the way he talked. Hindi niya maintidihan kung bakit tumitili ang kababaehan kapag nakikita...