CHAPTER 9
After seven years…
KREIYA took a deep breath when she exited from the Airport. Matagal-tagal na rin mula ng malanghap niya ang simoy nang hangin ng Pilipinas. Umalis siya bago mag-graduation sa ACU. May dahilan siya kung bakit ginawa niya iyon at ayaw na niyang alalahanin ang dahilang iyon. She went abroad to forget everything and start anew one. Habang nag-aaral sa MIT, marami siyang naging boyfriend pero nakikipag-break siya kaagad dahil ayaw niyang may isa sa mga iyon ang makapasok sa puso niya.
She had enough with love and it’s not a good feeling. Yes, masaya lang sa umpisa pero kapag nagtapos na ang isang relasyon, doon mo mumurahin ang salitang nagpalasap sa’yo ng kaligayang hindi mo inaakala.
Kreiya smiled when she saw his brother leaning on his car, waiting for her.
Kinawayan niya ang kapatid at nginitian ito. “Hey, Kuya. How are you?”
Her kuya Tyron smiled when he saw her. “Hey, little sis.” Ibinuka nito ang braso ng makalapit siya rito. “Give your dear brother a hug.”
She smile then hugged her brother. Warmth spread though her as she hug her brother who never get tired of loving her. She hadn’t seen him for a year. Naging abala kasi siya sa pamamalakad sa itinayo niyang business sa New York.
Nagsimula ang business niya sa simpling software na denisinyo niya nuong nag-aaral pa siya sa MIT. The software she designed was for her Laptop’s protection. Nang magtanong-tanong ang professor nilang kung ano ang klaseng anti-virus ang gamit nila, siya lang yata ang naiba. Her professor got interested with her software so he helped her. Month later, SkyZ—the name of her software—was already used by ninety percent of MIT students. Mas nakilala ang SkyZ ng mayroon isang developer na bumili nun.
SkyZ offered one hundred percent protection for Laptop and PC’s. It’s easy to install and very impossible to penetrate by Viruses. It is also designed to protect mobiles and tablets and it is installed in mobiles before the mobile is release to the market for its own protection.
From then on, palagi na siyang nagde-desinyo ng kung ano-anong software at pinagbibili iyon. And then after her graduation, a billionaire offered to be her benefactor. Syempre, tinanggap niya ang offer nito. After one year since she graduated, naipatayo na niya ang SkyZ Technologies sa tulong ng benefactor niya. Now, she’s the owner of the leading technology company in New York.
Kumawala siya sa pagkakayakap ng kapatid. “I miss you, Kuya.”
“I miss you too, little sis.” Anito at pinisil ang baba niya. “Naging busy ka kasi sa kompanya mo sa New York, ako naman naging busy sa pagpapalago ng Zapanta’s chain of Hotels and Resorts. Speaking of which, may pinapagawa pala si Daddy na resort sa isang virgin island na nabili niya way back. He said it’s his twenty-seventh birthday gift to you.”
Napangiti siya ng banggitin nito ang ama. “Nasaan pala si Daddy? Bakit hindi niya ako sinundo?” Natatampong wika niya. “Umuwi pa naman ako para dito i-celebrate ang birthday ko dahil sa kahilingan niya.”
“May ka-meeting si Daddy. Did you miss him?”
Tumango siya. “Yes. So much.”
Sa pag-alis niya sa bansa, naging close sila ng ama. Palagi siyang binibisita nito sa inuupahan niyang apartment sa Massachusetts at dahil doon, nagkausap sila at nagkaintindihan. Ganoon din ang Tita Marian niya. Palagi itong kasama ng ama kapag binibisita siya kaya naman pagkalipas lang ng ilang buwan, naging palagay na ang loob niya rito. Nakatulong din ang pag-uusap nila tungkol sa pangangabit ng ama para maayos ang issue na iyon.
BINABASA MO ANG
ACE CENTREX UNIVERSITY 2: The Jerk Who Stole Her Heart [To Be Published]
Novela JuvenilSky is Kreiya’s nemesis, well, in Kreiya’s point of view that is. There’s something about Sky that she dislike. From the way he carry and present himself to the way he talked. Hindi niya maintidihan kung bakit tumitili ang kababaehan kapag nakikita...