CHAPTER 10

90.4K 2.7K 70
                                    

CHAPTER 10

PAGKAUWI ni Kreiya sa bahay, agad niyang tinawagan ang kapatid niya. Kung may tao mang nakaka-alam nang lahat ng lihim niya, ang kapatid niya iyon. Bago siya umalis ng bansa, ikinuwento niya sa kuya niya ang nangyari sa kanila ni Sky. Her brother was so furious. Sobrang galit ito at buti nalang ay napigilan niya itong hindi sugurin si Sky.

“Hello, kuya?” Aniya ng sagutin nito ang tawag.

“Hey, little sis. Napatawag ka. May problema ba?” Anito sa kabilang linya.

“Ahm…” Nag-aalinlangan siya kung sasabihin ba niya sa kapatid o hindi, pero sa bandang huli, sinabi niya. “I saw Sky.”

Ilang minuto ang lumipas bago ito sumagot. “Oh, tapos?”

Natigilan siya sa reaksiyon ng kapatid. “Yun lang ang reaksiyon mo, kuya? Samantalang dati mabanggit ko lang ang pangalang Sky, halos magwala ka sa galit.”

“Kreiya, it’s been seven years. Bakit ba apektado ka pa rin? Akala ko ba move on ka na?” Nanunudyo ang boses nito. “Baka naman mayroon pa, in denial ka lang.”

“Kuya naman e! Wala na nga diba!” Naiinis na sabi niya.

Her brother chuckled. “Oo na, wala na. Anyway— teka lang, Kreiya, narito na ang ka-meeting ko.” She heard someone pulled a chair. “Hello, Mr. Valen, kumusta?” Anang boses ng kapatid.

Bahagyang nanlaki ang mga mata niya. Mr Valen? “Kuya, sinong Valen iyang kausap mo?” Mabilis niyang tanong sa kapatid.

“Oh, si Sky Valen, sis. Bakit? May kailangan ka sa kanya? Dou you want to talk to him?”

“What?! Of course not! Kuya—”

“Here you go. Sky, gusto kang makausap ng kapatid ko.” Then she heard a shuffling sound.

“Kuya, don’t you dare—”

“Hey, Kreiya, gusto mo raw akong makausap?” Anang boses ni Sky sa kabilang linya na ikinabilis ng tibok ng puso niya.

Shit! Shit! Shit!

Kreiya hit the end call button. Mariin na ipinikit niya ang mga mata at kinalma ang puso na sobrang bilis ang tibok.

Wala na dapat e! Wala na! I already moved on! Wala na akong nararamdaman para sa lalaking yun!

Wala nga ba? Bakit bumibilis pa rin ang tibok ng puso mo? Ani ng isang maliit na boses sa isang bahagi ng isip niya.

She shook her head rapidly. “No! Wala na talaga. I already move on! Hindi ako apektado sa lalaking yun. I hate him!”

Naiinis na itinapon niya ang cell phone sa kama. Bakit ba nangyayari sa kanya ito? Ayaw na niya! Ayaw na niyang masaktan pa! Buwesit na buhay ‘to.

Humiga siya sa kama at ipinikit ang mga mata. Kahit maaga pa, parang gusto niyang matulog para makalimutan ang pagkikita nila ni Sky. Hindi niya inaasahan na makikita niya itong muli.

Ayaw mo nga ba?

She squeezed her eyes shut then curse Sky again and again. Again and again until she gets tired of cursing him.

KINAGABIHAN, tinawagan siya ng kapatid at pinapapunta siya sa Yanzee Restaurant. May isa investor daw na gustong mag-invest sa ipapatayo nilang resort sa Isla Tech. And since it’s her island, dapat daw siya ang mag-asikaso ng investor na ito.

Kahit napipilitan, nagbihis siya at pumunta sa Yanzee Restaurant.

Pagpasok palang niya sa Yanzee Restaurant, sinalubong kaagad siya ng maître d’.

ACE CENTREX UNIVERSITY 2: The Jerk Who Stole Her Heart [To Be Published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon