Chapter 2

21 0 0
                                    

Kinabukasan, I started doing my things… Alaine wished that I should do the things she never had a chance to do out of her room. Ayoko kasing pumasok sa school kasi nga mas gusto kong tumambay sa bahay nila Alaine tutal kilala naman ako ng parents niya. May tiwala sila sa akin and I do have respect for them especially to Alaine.

Pagpasok ko sa room namin eh biglang nagkaroon ng isang katahimikan. You don’t expect them to start talking when I am here since I am the so-called gangster in this school. Hindi naman talaga ako gangster… aloof lang ako na tao na maraming kaaway.

Pagpasok ng prof naming eh may kasama siyang babae (I think) na nakahood. Biglan nagkaroon ng something sa akin na nararamdaman ko lang kay Alaine. Biglang nagsalita ang prof at pinakilala ang bagong kaklase.

“Everyone, listen!” tinignan ng prof naming ang nakahood. “Please take your hood off. Ms. Alaine Sanchez.” Alaine? Inalis niya ang hood at ngumiti ng napaka-anghel.

“Hi ako nga pala si Alaine.” Bati niya sa amin. Paano nangyari to? “Magiging kaklase niyo ako for a week. Ita-try ko maging totoong student.” Lumingon siya sa akin at kumaway. “Hi Hen!”

I smiled at her. The most genuine smile I had ever done. “What’s up?”

“Sir pwede po ba ako tumabi kay Henry?” tanong niya. She excitedly said. That’s my girl.

“Are you sure, Ms. Sanchez?” tanong ng prof. Anong akala niya sa akin? Nangangain ng tao? Seryoso?

Umupo siya sa tabi ko. She smiled at me and whispered. “Nagulat ka nuh? Eto ang sorpresa ko sa’yo…” di ko alam pero napansin ko ang mga titig ng mga lalaki kong classmate kay Alaine. Di ko alam pero nainis ako sa kanya kasi pumasok siya sa room ko. Hindi sa ayaw ko siyang makasama pero bilang isang taong may gusto sa kanya… ano… paano ko ba ito i-explain? Okay. Ganito yun. Mas gusto ko ako lang ang nakakakilala sa kanya. “Hen, sino ang mga friends mo dito?”

“Wala.” Sagot ko. Nakakainis naman talaga tong si Alaine oh! Pwede namang kiss di ba? Mas mabuti na yun kasi masosorpresa ako ng sobra at ang puso ko titibok ng sobrang lakas.

Ayun nga! Mula first period hanggang second period ay kinakausap niya ako. Okay n asana kaso pagbreak time maraming lumalapit sa kanya. Nakakaasar talaga! Mas mabuti na lang kung nasa kwarto siya at hinihintay ako.

Tumayo siya ng lunch time at bigla niya akong hinila papunta sa likod ng school. “anong meron, Alaine?” kinakabahan ako sa gagawin niya.

“Sumunod ka sa akin” aya niya.

Habang naglalakad kami ay napatigil kami sa harapan ng isang abandonadong kwarto at naabutan naming ang isang babaeng weirdo. Nakasuot siya ng uniform ng isang anime character.

“Eto si Gwen ang founder ng club at ako naman ang external adviser at ikaw ang internal adviser.” Paliwanag ni Alaine.

“Alaine…”

“Basta dumalo ka sa meeting basta si Gwen ang hahanap ng ibang members.” Nagsmile lang siya. “Okay lang ba sa’yo Gwen?” nagnod lang siya. “Wait lang may kukunin ako.” Tumakbo si Alaine palabas at naiwan kami. Wala akong nakikita sa kanya bilang founder.  She’s not enthusiastic at all. ~.~

“Tama ka. Pinilit lang ako ni Alaine” then she just smiled. “I don’t want to this actually but since she is my first friend in school I wanted to do something for her…”

Kalauna’y bumalik si Alaine na may dalang form at ibinigay niya kay Gwen atsaka umalis si Gwen. Pumasok kami sa abandonadong room at ngumiti siya sa akin na naeexcite.

“Henry… pagkatapos ng one week pwede mo bang alagaan itong room na ito?” tanong ko sa kanya. “Pwede mo bang alagaan ang club?”

I didn’t say any word kasi I find her actions very weird. Hindi ko alam pero natatakot ako na sa one week feeling ko mawawala siya sa akin and I don’t want that to happen. Hindi ako mapakali.

Habang binubuksan niya ang mga bintana sa kwarto ay may narinig akong pamilyar na boses at bigla akong natakot. Hindi ako natatakot para sa sarili ko kundi para kay Alaine. Tinignan ko sila pero palihim lang habang nakatago.

“P*steng Henry yun! Pinahirapan niya na naman tayo!” sigaw nung t*r*ntadong lalaki.yun.

“Bakit ka nagtatago?” napansin pala ako ni Alaine.

“Sssshhh…” ayokong madamay si Alaine sa gulong pinasukan ko.

“Pagnakita ko yun… papatayin ko siya.” Sabi nung lalaki at sinilip ko sila habang papaalis.

Ano ba ang ginagawa nila dio? Napakawrong timing ng mga bwiset na ito. Kung kelan pumasok si Alaine saka pa dumating ang mga lalaking ito. ~_~ P^)|!@  talaga!!

Biglang lumevel sa harap ko si Alaine at ngumiti. “Alaine” ngumiti ako ng peke.

“Alagaan mo ang mga members okay? PAgwala na ako… etong mga members na nalikom natin ay pangalagaan mo. Gawin mo ang lahat na makakaya mo para maging masaya ang stay nila at gawin niyo ang mga Gawain na di niyo kayang gawin.” Bilin ni Alaine. Ano? Ano ba ang pinagsasabi ni Alaine? Di ko siya maintindihan.

Di ko alam pero nakakapagtaka ang mga kilos niya. Gusto ko sanang bantayan siya pero kailangan ko siyang protektahan kaya habang nasa school kami ay nilalayuan ko siya.

Simula nun pagnakikita ko siya ay umiiwas ako sa kanya kaya di ko na siya binibisita sa bahay nila. Just for one week lang naman eh kaya pagtapos nun… pupunta ulit ako sa kanya. Tawagin niyo na akong duwag pero eto lang ang alam kong paraan para protektahan siya. Hindi ako magaling sa pakikipagsuntukan at alam kong ayaw rin ni Alaine ang pakikipag-away.

I smiled. That’s typical Alaine for you. Ayaw niya akong nakikipag-away.

Out of my League (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon