CHAPTER II: Misunderstood

3.3K 59 5
                                    

Angela woke up in an unfamiliar room. Saka lang tila natauhan ng rumagasa ang mga ala-ala kahapon. Sa kabila kasi ng nasa ibang lugar ay naging mahimbing ang naging tulog sa lakas ng ulan kagabi.

Right she was already in Quezon. At ang kinaroroona'y isa sa ilang silid sa ikalwang palapag ng building kung saan tumutuloy ang ilang guest o mataas na opisyal na marahil ay na-stranted sa lugar. Sa pagkakaalam niya'y nasa Camp Nakar something siya kung saan ay imi-meet niya ang nangganalang Lieutenant Joseph something. Hindi siya masyadong particular sa impormasyon dahil ang mahalaga lang naman sa kanya'y ang makarating sa Quezon at magawa ang pakay. The rest ay susunod nalang siya sa agos.

She can still hear the ticking sound of raindrops outside, patunay na nag-uulan parin. Tumayo siya at sumilip sa bintana, sinalubong siya ng malamig ng hangin. Ambon nalang pero madilim ang paligid.

What's gotten to the weather parang kahapon lang pag-alis nila ng city ay tirik pa ang araw.

Angela sighed. Past eight na sa relong pambisig. Kagyat siyang kumilos at pagkaligo'y lumabas siya ng inuokupang silid.

She have one agenda for today and that is to look for the specific soldier. Nais niyang ipaalan rito na bago siya ihatid sa Tagong-bato ay may pupuntahan muna siya.

Kagabi'y nakatanggap siya ng mensahe kay Joaquin, ang sabi nito'y maipapadala nito ang location anytime of the day. Kaya kung pwede niyang daanan ang lugar bago tumuloy sa destinasyon ay sasamantalahin na niya. She wont take long, nais niya lang kumpirmahin kay Dennis ang huling mensahe nito bago siya iwan sa ere ng binata.

Bahagyang nakaramdam ng kudlit sa dibdib ang dalaga dahil sa pagpasok ng lalaki sa isip ngunit dagli rin niya iyun inalis.

Hindi makakatulong sa damdamin kung patuloy siyang magiging sentimental. People change ika-nga. Hindi batayan ng isang pangyayari sa buhay ang pangkalahatang pagkatao ng isang indibidwal.

Inalis ng dalaga ang kaisipang maaring magpa-back out sa kanya. She needs to face the truth by the way. The sooner the better.

Nagtanong-tanong siya sa mga nakasalubong aware of the looks they are giving her.

Sa buong paglalakad kasi sa pasilyo ay wala pa siyang nakikitang hindi nakasuot ng military uniform. And in addition to her horror, sa benteng sundalong nakasalubong ay mga dalawa lang yata ang nakita niyang babae.

Hindi sinasadyang mapadaan siya sa entrance at sinalubong ng malakas na hangin. She bravely stepped outside not minding about the cold drop of the rain. A fresh morning air can relax her wrecking nerve. She'd been longing for it these past few weeks.

And the place is somehow so relaxing, well minus the soldier na nagkalat sa base. Some doing morning exercise sa kabila ng masamang panahon. Ang ila'y tila nakatambay sa kanya-kanyang pwesto.

Ang nilabasang building ang siyang pinakamalaki sa lugar na nakasentro sa gitna. Ang ilan marahil ay nagsisilbing mga barracks located in some corners of the area. But nevertheless the entire place is full of trees. Niyog, manga at kung ano-ano pang mga puno. Ang lupa'y nalalatagan ng mga ligaw na damo na pinatingkad ng nagdaang ulan na sa unang tingin ay mukang Bermuda grass. An alien planet. So green.

She inhaled the cool breeze and gently embrace herself. Maya-maya nalang siguro niya hahanapin ang naturang lalaki. For all she knows malamang busy ito, dapat nga ay ito ang pupunta sa kanya.

Why does she feel so unimportant in this place. Taliwas sa inaasahan.

Una, ay ang sasakyang pinangsundo. Ang unwarmed welcome kahapon nang sabihin ni Lt. Amigable na may importanteng inaasikaso lang ang taong hinahanap niya. At ngayong paggising niya na tila walang may alam na narito siya. She's suppose to be surrounded by few soldiers now. Knowing her four too overprotected brothers. Nitong nakaraang lingo nga lang ay halos itali siya sa bewang ng isa sa mga ito wag lang mawala sa paningin nito.

The Martinez Siblings Book IV: Dahil minsan may isang ikawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon