~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Nagulat si Angela sa naging realisasyon para sa sariling damdamin. Pagkatapos ng kanta ay tumayo siya at pasimpleng iniwan ang grupo. Hindi niya napansin ang pagsunod ng mata ni Hans sa kanya.
Bahagyang lumayo ang dalaga sa umpukan upang mahimasmasan. She likes him not just a simple likeness. She was defintely attracted to him! At nag-aalala siya sa tinatakbo ng sariling damdamin. Tumalilis siya at tinugpa ang daan sa gilid ng base. She just wanted to stay away from the crowd for a bit dahil talagang nagulat siya.
Napatitig siya sa sariling anino at wala sa sariling tumingala sa kalangitan. Nakasalip ang bilog na buwan mula sa madidilim na ulap. A moonlight being drawn by black clouds. She felt a bit nostalgic, ganuong moment rin nang mangyari ang pagligtas sa kanya ng estrangherong binata eleven years ago. Maybe its time for her to forget about him.
Nang biglang bumalik sa isip si Hans. Muli ay tumibok ang puso niya nang lumitaw sa isip ang gwapong mukha nito. Ang nga unexpected na ngiting ipinukol nito sa kanya. She was not supposed to feel that fluttering effects on her stomach dahil wala sa harap ang lalaki. Why does she even have this feeling that she wanted to be with him at that very moment. At may ilang eksenang naglalaro sa isip.
Kaluskos mula sa likuran ang nagpalingon sa kanya. Ang laman ng isip ang nasilyan.
"Anong ginagawa mo dito? Hindi ka dapat lumalayo sa mata ng marami." Paninita ni Hans na ipinagpasalamat na nakasunod ang mata kay Angela. Maaring nasa paligid lang ang mga nagtatangka ng masama rito at hindi ito pwedeng magpabaya.
Ganun din ba dapat sa mga mata mo? Angela wanted to ask. "It's just too noisy over there." Sa halip ay katwiran niya.
Sandaling katahimikan ang namayani sa pagitan ng dalawa. Si Angela ay pasimpleng niyakap ang sarili dahil sa biglang pag-ihip ng paggabing hangin. Nagkatingina sila nang marinig nila boses na palapit.
Agad siyang nilapitan ni Hans at hinila palayo. Pero hindi nakaligtas sa pandinig niya ang boses ni France na binaggit ang panglan ng kasama.
"Are you trying to hide from her?" She asked him unwillingly pero sa kamay ng lalaki na nakahawak sa kanya nakatingin habang iginigiya siya nito palayo
"Nangungulit na naman siya." Tipid nitong sagot.
"At hindi mo siya mahindihan!" May bahagyang pasaring ang tinig niya at hindi intensyong irapan ito pero nagawa niya.
Si Hans ay na-amused sa reaksyon na iyun ng dalaga. Huminto at pinihit ito paharap rito. "Now you remind me to thank you for what you did." Mula sa braso ay bumaba ang kamay sa bewang ni Angela at hinapit ito. "Ito ang pasasalamat ng mga kasama ko sayo..."
At bago makahuma si Angela ay bumaba ang mukha ni Hans sa kanya at ginawaran siya ng mabilis na halik sa labi. Napakurap siya. It was the shortest kiss someon had ever granted her pero binuhay nun ang lahat ng senses niya sa katawan. Isama pa ang pagdidikit ng mga katawan nila. She felt the usual heat that is coming out of his body.
BINABASA MO ANG
The Martinez Siblings Book IV: Dahil minsan may isang ikaw
Romance"Kung gaano katagal kong in-outgrow ang pagkakaroon ko ng crush sayo noo'y ganun ito ka-bilis bumalik ng makita kitang muli. Seeing you upclose made me forget who I am for the meantime. Pansamantala kong nakalimutan na ako si Second Lt Hans Montebla...