~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Walang imik si Angela nang makabalik sa sasakyan. Bahagyan nalang napansin ang reaksyon ng dinatnang lalaki na halos mag-isang linya ang kilay sa pagsasalubong sa nakita nitong reaksyon ng dalaga.
Curiously, Hans took a glimpse of her talking to a man. Hindi niya alam ang dahilan ni Angela sa pagparoon pero taliwas sa inaasahan ay pagkalito ang naka-rehistro sa magandang mukha ng babae. Nagboluntaryo siyang pagbuksan ito ng pinto. And she didn't even say anything when she climbed the car. Naiiling na pumakabila siya at sumakay sa driver's seat.
Si Angela ay nanatiling nakatitig sa kawalan. She got her answer pero mas lalo lang siyang naguluhan. Laman ng isip ang tungkol sa nalamang pagpapanggap ni Dennis. Iyon lang ang tanging umukopa sa isip niya. Well, she wouldn't be here anyway kung hindi dahil doon. Ang totoo'y ilang beses niyang pinag-isipan ang tungkol sa damdaming niya sa kay Dennis. She was so desperate about her unrequited feelings about the man who had saved her life eleven years ago. At ito ang resulta. So much for being hopeless romantic. Baka hindi sila nakatakdang magkita ng lalaking iyun.
Sa sobrang engrossed sa pag-iisip ay hindi namalayan ni Angela kung nasaan na sila. Busy siya sa pag-analisa sa sariling damdamin at pagtanggap sa katototohanang nasayang ang tatlong taong pagtinging inukol niya sa maling tao. She hated Dennis pero wala naman siyang magawa. Wala na din namang saysay kung magalit siya rito.
Napaigtad siya nang makarinig ng malakas na pagputok. Kasabay niyun ay ang paghinto ng kinasasakyan. Nilinga niya ang katabi.
"Huwag kang lalabas." Bilin ni Hans sa dalaga bago lumabas.
Nasundan ni Angela ng tingin ang binatang sundalo habang chini-check nito ang paligid ng sasakyan. Maya-maya'y biniksan nito ang pinto sa gawi niya.
"Pumutok ang isang gulong." Pagbibigay-alam nito.
Right, just when she wanted to reach home at magkulong sa kwarto. "Don't you have any spare wheel?" Tanong niya.
Umiling ito. "Sorry pero mukhang kailangan naging maghintay ng sundo." Umunat ito ito at dinukot sa likod ang isang radyo. Bahagyang lumayo at nakipag-usap.
BINABASA MO ANG
The Martinez Siblings Book IV: Dahil minsan may isang ikaw
Romance"Kung gaano katagal kong in-outgrow ang pagkakaroon ko ng crush sayo noo'y ganun ito ka-bilis bumalik ng makita kitang muli. Seeing you upclose made me forget who I am for the meantime. Pansamantala kong nakalimutan na ako si Second Lt Hans Montebla...