Chapter XV: Stop driving me crazy

1.8K 35 8
                                    

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~


 "Ang kukupad niyo kasi kaya sinunggaban ko na. Aba'y kwarta na magiging bato pa ba." Puno ng pagmamalaki ang tinig ng mula sa kabila ng matataas na talahiban.

Nanginginig ang kamay na sumilip si Angela mula sa pinagkukublian. Kitang-kita niya si kapitan Panlilio na nakangisi na tila kaharap ang sinumang kausap sa kabilang linya.

"Basta tambangan niyo kami sa lugar. Hindi pwedeng sumabit ang pangalan ko, kailangang magmukang tumakas siya at nakuha niyo. Maniniwala sila sa akin dahil sadya namang matigas ang ulo ng babaeng yun." Sandali itong huminto at nakinig sa sinasabi ng nasa kabilang linya."Basta huwag niyo muna siyang gagalawin. Hintayin niyo ang go signal nung isa."

Napaatras si Angela mula kinatataguan dahil sa narinig. She was stunned, scared and frightened at the same time. Sandaling naitulos sa kinatatayuan at pilit inaabsorb ng utak ang nasaksihan. Ilang sandali pa ay naramdaman ang mabilis na pagtibok ng puso. Nag-uunahan ang mga tanong sa isip niya, but she couldn't think of a single answer.

Wala siyang ideya kung sino ang kausap ni kapitan Panlilio at lalong hindi siya sigurado kung siya ba ang tinutukoy nito. Who else, stupid! Kastigo niya sa sarili.

Basta isa lang ang alam niya, gumapang ang takot sa buong katawan dahil sa narinig. She's literally in great danger.

Maingat at tahimik niyang nilisan ang lugar kahit halos hindi niya maihakbang ang mga paa sa takot. Sa kabila ng hindi niya alam kung saan magtutungo ay nagpatuloy siya. She just walked away in rush, her hands got cold and both knees started to shake. Pigil niya ang paghinga habang palayo.

Is he planning to kidnap me? Napasinghap siya at sa naningingig na kamay ay natakpan ang sariling bibig sa sobrang bilis ng pangyayari. She had been uncomfortable with the man since the beginning pero never pumasok sa isip niya na pagtatangkaan siya nito ng masama. She cursed the man silently on her head!

Alam ba ni France na may ganitong planong masama sa kanya ang lalaki? Could be, pero hindi niya kailang isipin iyun sa ngayon.

But how about Hans? Did knew about it? "Oh, please not him!" She uttered in great horror. Hindi kayang tanggapin ng dibdib na kayang gawin ng binata iyun sa kanya. But who knows, hindi naman niya ito personal na kilala.

But he's always been gentle depensa ng isang bahagi ng isip. Or atleast lately until the other night.

Masyado siyang nagpadala sa emosyon kaya siya nalagay sa sitwasyon. You're so careless! Pangaral niya sa sarili na agad pinalis. Bakit hindi man lang siya nakatunog. But it was too late to blame herself.Ang mahalaga ngayon ay ang makaalis siya.

Déjà vu!

Mariin siyang napapikit as she remembered a familiar incident years ago. Kasabay niyun ay tila nais bumigay ng tuhod dahil sa takot na tuluyang lumukob sa kanya. But she have to continue running, malamang sa oras na ito'y hinahanap na siya ng dalawang iniwan. Dahil sa naisip ay lalo niyang binilasan ang pagtakbo ng walang direksyon, walang pakialam kung saan siya masuot. Ang tanging nasa isip ay ang ang makalayo sa lugar. Napaparanoid na siya at pakiramdam niya ay may mga taong humahabol sa likuran.

The Martinez Siblings Book IV: Dahil minsan may isang ikawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon