PROLOGUE

11 1 0
                                    

May mga bagay na hindi ko maintindihan kung bakit hindi nila ako maintindihan sa mga gusto kong bagay na walang nakakaintindi kung hindi ako lang na kunwari kinaiintindi nila pero hindi naman.

Ano? Naintindihan mo?

HINDI??!

Like wise ;D

Ganon talaga ang buhay... Mahirap intindihin.

" Hoy Yvette !! Ano na naman bang ginawa mo sa corridor dun sa school?! Lagi nalang ako pinapatawag sa office dahil sayo!"
Nanggagalaiting sigaw ni kuya mula sa pinto.

OA talaga nito! Bawal ba magsulat? Sa pader? Hehe!

" Ano na naman ba 'yon? Ang ingay ingay mo! Bakla!" Sigaw ko rin.

Nakakainis na 'tong Yttan na 'to! Masyadong maepal, kala mo nanay ko.

" Anong sabi mo?! Kukutusan kita diyan eh." Aambahan ako ni Yttan ng biglang magsalita si kuya Yddle. Ang aming panganay na kuya! My super hero!

" Tumigil ka nga diyan Yttan, isusumbong kita kay papa kapag sinaktan mo na naman si Yvette. Gusto mong mabawasan ang allowance mo?" Pagbabanta ni kuya Yddle. Hihi.

Paborito ako ng kuya kong 'to kasi I'm the only girl. Kapag may kalokohan ako si kuya agad ang tumutulong sa akin kahit na mali ako... Best kuya eveh!

At ito namang isa kong kuyang ungas, daig pa si mommy kung magdakdak. Kung lagi siyang pinapatawag sa office ng principal edi 'wag siyang pumunta o kaya'y lumipat siya ng ibang school ,'di yung gaya gaya ng school porket maraming babaeng malalandi 'ron. Pinoproblema ang hindi dapat.tsk!

" Sige kuya ipagtanggol mo pa yang sira ulo mong kapatid! Bwiset!" Pagkasabi n'on ni kuya Yttan ay umakyat na siya papasok sa kwarto nya at malakas na isinara ang pinto ng kwarto.

Nagmake face lang ako nung nawala na siya sa paningin ko.

Nakakainis, inggit kasi porket bunso at nagiisa akong babae at halos lahat ng gusto ko ay nakukuha ko pagdating kay kuya Yddle. Masyadong inis sa akin buti nalang talaga at malakas ako sa kuya kong panganay. Bleh!

Magpapahinga na nga ako, napagod ako sa kakavandalized ;))

" At saan ka naman pupunta? " Biglang sabi ni kuya Yddle

" Ahm, sa kwarto?" Parang hindi pa ako sigurado aa sinabi ko.

" Mag-uusap pa tayo Yve." Mahinahong aabi ni kuya Yddle. At naglakad siya papuntang sala. Sinenyasan niya naman akong sumunod sa kanya. Wala na akong nagawa kundi sumunod dahil iyun ang pinakaayaw niya ang hindi sumusunod sa kanya kapag seryoso siya.

" Bakit mo ginawa iyon?" Biglang tanong ni kuya Yddle nung makaupo na kami sa sofa.

" Anong ginawa?" Maang-maangan ko.

" Yve. Huwag ka nang magsinungaling sa akin, tumawag ang principal ng school niyo sa akin"

" Ah e -yun ba ? E k-kasi ano e , wala lang hehe" kabadong paliwanag ko.

Nakatitig lang si kuya sa akin na para bang sinasabi ng ekspresyon ng mukha niya na isa Yve pag 'di ka umayos diyan lagot ka sa akin Look.

" Ahmm--" nakagat ko labi ko sa kaba. " K-kasi yung Professor namin e, pinahiya ako?" Patanong na sabi ko na hindi seryoso.

Nabadtrip lang talaga ako sa Prof namin dahil sa ginawa niya. Ipinahiya ba naman ako sa harap ng mga kaaway ko.

~~FLASH BACK~~

FALL IN LOVE WITH THE GEEKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon