"Mabuti naman at napagdesisyunan mo nang magptutor." Nakangiting sambit ni Sir Bernard.
Tango nalang ang naging sagot ko. Hindi ko alam kung kinakabahan na naman ako o ewan.
" Saan ko ba siya matatagpuan sir? Para ako na mismo ang kakausap sa kanya." Tanong ko.
" Kadalasan sa ganitong oras ay nasa Library siya. Tumutulong sa pag aayos ng libro." Sagot ni sir habang nag aayos na rin ng mga gamit niya.
" O siya sige na mauna na ako. Galingan mo iha. Sana mapasa mo na ito." Nakangiting sabi ni sir."Oo naman sir ako pa." Sagot ko at natawa nalang si sir.
Tch.
Agad akong pumunta sa library at naabutan ko nga siya roon na nag aayos ng mga libro.
"Mr Geek!" pagtawag ko sa kanya ngunit hindi siya lumingon.
Medyo nilakasan ko ang tawag ko sa pangalawang beses at napatingin ang librarian tsaka ako sinita na huwag maingay.
Napairap nalang ako. Pagtingin ko kay Mr Geek ay nakatingin na rin siya sa akin.
Lumapit siya at agad naman akong kinabahan. Hindi naman nakakatakot ang itsura nito pero ba't ganon.
"Good afternoon Ms. Carter." Bati niya.
"Kanina pa kita tinatawag! Bingi mo." Pataray kong sambit.
" pasensya na hindi ko naman alam na ako pala si Mr. Geek." Halatang natatawa siya. " ang dami mo kasing tawag sa akin. Ano ba talaga ang tunay?"
Naguluhan ako sa sinabi niya. Hindi ko alam na marami na pala akong natawag sa kanya maliban sa geek.
Tumaray nalang ako ulit."Payag na ako sa alok ni sir Bernard." Pagsisimula ko.
Nakataas lang ang kilay niya. Tch. Bakla.
"Magpapatutor na ako" nakangiti kong sambit upang maitago ang ang pagkakaba. First time kong hihingi ng tulong kaya siguro ako kinakabahan. Iyon 'yon!
"Okay. After ko dito ay simulan na nating pag-usapan ang schedule. " nakangiti niya na namang sagot.
Tch. Cute.
Ah-I mean bakla!
"Okay. Hintayin nalang kita." Sagot ko. At tumango na siya saka nagpatuloy sa ginagawa.
Pinagmamasdan ko lang siyang kumilos hanggang inantok na ako.
Naalimpungatan ako sa mahinang tapik sa braso ko.
Bigla akong aamba ng suntok kaya nagulat siya."Hindi ko akalain na hanggang pagtulog ay siga ka." Tatawa tawa niyang sambit.
"Ginulat mo ko!" Alma ko.
Sumeryoso siya agad "pasensya na, kanina pa kita inaantay magising dahil tayo nalang ang tao dito sa library. Kaso halatang napasarap ang tulog mo dahil tumulo ang laway mo." Nguso niya sa mesa.Nanlaki ang mata ko sa kahihiyan. Dali dali kong kinuha ang panyo ko ngunit hindi ko makita! Naiinis na ako dahil sa hiya! At nagulat ako ng inabot niya ang panyo niya sa akin.
"Hiramin mo muna."
"Sige, ibabalik ko nalang ito bukas" Nakangiwi kong sambit. Hindi na ako tumanggi dahil makapal naman talaga ang mukha ko ngunit ngayon ay tinablan ako dahil nakita niya ang Yvette na tulo laway!
BINABASA MO ANG
FALL IN LOVE WITH THE GEEK
Fiksi RemajaIsang babaeng ang alam lang ay ang gulo o kaya'y gimik at bisyo papaano nalang kung may isang lalaking manghimasok sa buhay niya at pilit siyang ituwid. Hahayaan ba niya o ipagpapatuloy ang pinaninindigan sa sarili na walang makakapigil at mangingie...